Kabanata 6: Newbie
Bagong umaga, bagong araw, bagong paaralan, bagong mundo at bagong trouble naman... siguro.
Sana naman walang maging problema ngayon na dito na ako nag-aaral sa NeftXen University. Paano, sa mga dating school ko laging guidance ang bagsak ko. Kahit anong subok kong iwasan na mapa-trouble wala e, lagi silang nandyan para buuin ang araw ko. Hindi mabubuo ang mga araw nila kapag nila ako nagagantihan at nakikitang nasasaktan. Mga adik ata mga 'yun. Wala silang magawa sa buhay kaya lagi nilang gusto na makipagsagupaan sa akin.
Dahil sa maawain akong tao a'yun pinagbibigyan ko sila sa request nila. Sayang kasi ang effort nila kung hindi ko manlang sila pagbibigyan sa gusto nila.
Binansagan nga akong the vixenish girl or Ms. VG dahil sa palaaway ako at dahil sa pagiging basag-ulera. D'yan ako sumikat at kilala sa amin. Kadalasang pasa, sugat, dugo ang lagi kong bungad kay Mama sa tuwing uuwi ako ng bahay. Mahabang sermon din lagi kong naabot. Kabilin-bilinan kasi niya na ayaw niyang may nanakit sa akin, na ayaw niyang masangkot ako sa anong klase ng g**o na maaaring ikapahamak ko.
Sadyang tadhanang lagi kong kasama ang g**o. Kambal ko ata ang g**o. Lagi kasing d'yan at hindi ko manlang maiwasan na baliwalain lang na parang wala akong magawa.
Parang artistahin naman ang dating namin, paano?! lahat ng nadadaanan naming mga studyante ay nakatingin sa amin at nagbubulungan. Hindi nalang namin sila pinansin pa tulad ng bilin sa amin ni Jade.
Normal talaga ang ganito kahit saan school, normal na tignan at pagusapan.
Para sa akin normal na masangkot na naman ako sa g**o. Normal naman 'yun, lalo na sa akin. Araw-araw ba naman na masangkot sa g**o kaya heto nasanay na. Kumbaga isa sa mga routine ko ang makipagbasag-ulo.
Pagkarating namin sa tapat ng classroom na may nakasulat na A–Robin. Kung hindi ako nagkakamali ang nakasulat ay ang section ng classroom na'to.
Hindi na nag-atubiling binuksan ni Jade ang pinto. Pagkabukas niya ng pinto bumungad sa amin ang mga studyante na may mga kanya kanyang ginagawa. Napatigil sila at napatingin sa amin. Tumingin ako sa harap kung may guro 'bang nagtuturo, pero wala. Siguro ay hindi pa nagsisimula ang klase kaya wala pang guro dito.
Naglakad si Jade deretso dun sa bandang dulo sa likod at naupo kaya naman sumunod kami ni Jovie sa kanya. Maya-maya pa ay may dumating na mga grupo ng mga studyante kaya mas lalong tumahimik ang lahat at naupo nalang.
Lumipas ang ilang sigundo at sa wakas dumating narin ang guro. Grabe kasi ang atmosphere dito. Napasobra ata ang tahimik nila, dahilan para mabingi ako sa sobrang tahimik.
Nagsitayuan ang lahat para bumati sa kakarating lang na teacher. Napatingin ako kay Jade kung babati rin sya, pero a'yon nakalumbaba habang nakatingin sa mga nasa unahan na nakatayo para mag greet.
Matapos bumati ang lahat naupo na sila. Dumako ang tingin ng guro sa amin. Hindi ko nga lang sure kung sa amin ni Jovie dahil sa bago kami dito or dahil kay Jade na hindi nagbigay galang.
"Newbie right?" Tanong niya.
Tumango nalang kami at sabing 'Opo'
"I'm your adviser. I'm Ms. Rhanz Canlas." She introduce her self within a serious face.
Kung hindi ako nagkakamali strikto etong adviser namin na si Ms. Rhanz. Seryoso kasi si Ms.
"Come here and introduce your self at the front." Utos niya habang may hawak siyang stick.
Tumayo kami ni Jovie at nagpunta sa harap. Umabante ng kaunti si Jovie.
"My name is Jovielyn Houston." Pagpapakilala ni Jovie saka siya umatras.
Hindi nalang ako umalis sa kinatatayuan ko. "I'm Lanah Jean that's all." Hindi ko na hinintay na paupuin kami ni Ms. Rhanz at naglakad ako papunta sa upuan ko.
"Ms. Lanah Jean. Why you didn't say you're last name?" Tanong ni Ms. Rhanz.
Nanatili lang akong naka-upo wala kasi akong planong tumayo ulit. Nakakangawit kasi kaya maspili ko nalang umupo. "Ms. Pamisteryos po kasi akong tao, kaya name ko lang po ang sinabi ko. Alam niyo naman po sa panahon ngayon, uso po ang mga stalker. Mapang-ingat lang po akong tao." Dahilan ko.
Tumango nalang sa akin si Ms. At hindi na siya nangulit pa nasabihan ko ang last name ko. Sinimulan na ni Ms. na magturo kahit ang iba ay walang pakialam.
Nang mag-ring ang bell nagpaalam na si Ms. na bukas nalang niya ipagpapatuloy ang lecture niya. Pagkaalis ni Ms. akala ko iingay nasa classroom dahil sa wakas breaktime na. Pero mali ako.
Ano bang meron sa mga taong 'to. Ang tahimik masyado.
Isinukbit ni Jade yung bag niya at na una siyang lumabas kaya sumunod kami agad ni Jovie. Baka kasi maiwan niya kami. Ang bilis pa naman niyang maglakad.
"Jade, makatanong lang. Anong klaseng section 'yun? Bakit ganu'n nalang sila kung kumilos. I mean, bakit parang ang tahimik nila?" Mahinang tanong ko tama lang para siya at si Jovie lang ang makarinig.
"Normal lang 'yun. Ganu'n talaga dun kaya huwag ka ng magtaka." Sagot niya.
Normal lang daw 'yun?! Parang hindi e.
"Meron pa akong tanong." Pahabol ko.
"Hmmm." She whimper.
"Sino yung mga sumunod sa atin na huling dumating? Yung karamihan sa kanila lalaki." Nakakapagtaka lang kasi bakit parang iba yung dating nila. Kasi nung pagdating namin tahimik ang lahat pero nung dumating yung grupo na 'yun, naupo sila at hindi gumawa ng ingay.
"The one of them is the SSG officer of NeftXen University. Kilala silang lahat. They are popular heartthrob here. Hindi lang sila sa classroom natin nirerespeto, kundi sa buong campus." Paliwanag ni Jade.
Napatango ako sa sinabi ni Jade. Kaya naman pala.
Kaya naman pala. Sa dating palang nila masasabing karesperespeto sila. Kaya ganu'n ang tahimik sa classroom, kaya ngayon alam ko na.
Sa tuwing may dadaanan kami napapaatras
sila na parang may nakakahawa kaming sakit. Ano bang meron problema ng mga taong 'to?! Mga masyadong maarte. Akala nila kung sino sila.
Pagkarating namin sa cafeteria may kumaway sa amin. Napatingin kami ni Jovie kay Jade na nagkaka papunta dun sa lalaking kumaway. Kilala ata ni Jade kaya nilapitan niya. Sumunod nalang kami ni Jovie.
Tumayo ang iba at lumipat sa bakanteng upuan para bigyan kami ng mauupuan. Tahimik ang lahat. Seryoso silang nakatingin sa amin ni Jovie. Mukhang pinapakiramdaman nila kami.
Maya-maya ay may bigla silang ilapag sa mesa. Isang bote? Pero walang laman. Ano kaya ang trip ng mga 'to?
Sinimulan nilang paikutin ang bote, tumapat 'yun kay Jovie. Ngisi silang nakatingin kay Jovie. Mga adik ata tong mga 'to. Puro lalaki pa naman sila.
"Name?" Tanong nung nagpaikot ng bote.
"Jovielyn. For short call me Jovie." Sagot ni Jovie. Tumango nalang yung lalaki saka niya muling ipinaikot ang bote, tumapat i-yun sa isang lalaki na may hawak na yacult.
"Trawl." Simpleng sagot ni Trawl 'daw.
Pinaikot nilang muli ang bote tumapat i-yun dun sa lalaking nagpapaikot ng bote.
"I'm Perspex. A perfect guy." He said and he wink at me.
Napangiwi nalang ako. Sira na ata siya.
Pinaikot niyang muli yung bote at this time sa akin nakatapat ang bote.
"Miss. What is you're name?" Tanong niya sa akin.
"Huwag mong tanungin ang pangalan ko na parang interesado ka sa akin." Napatingin silang lahat sa akin at napa-ohhh. Bakit ba? Bawal bang magpaka-misteryoso ang tao.
Pasimple akong sinuko ni Jovie pero hindi ko siya pinansin. Nagsasaya pa nga ako e, tapos eepal siya.
Umubo ng peke si Perspex. "Paano kung sabihin kong interesado nga ako sa'yo."
Ay aba! Iba din ang mukong na'to. Marunong makisama ang isang 'to.
"Paano kung---"
"Paano kung... paliparin ko etong kamao ko sa mukha mo Perspex?" Jade cut me off.
Inamba ni Jade yung kamao niya kay Perspex. Kaya napakamot nalang si Perspex sa sarili niyang ulo.
"Her name is Lanah." Si Jovie na mismo nagsabi ng pangalan ko. Sinimangutan ko siya. Bakit ba niya sinabi ang pangalan ko. Nabadtrip tuloy ako.
Isa-isa silang nagpakilala sa amin ni Jovie. Puro tango lang ang ginawa ko. Gusto kong sabihin na 'i'm not interested' e talaga namang wala akong pake e. Hindi ko nga tinanong ang pangalan nila.
May napupuna lamang ako. Bakit dito sa table na kinaroroonan namin ay puro lalaki? Kaming tatlo lamang nila Jade, Jovie at ako ang narito.
Nahuli kong nakatingin sa akin si Trawl. Ano naman kaya ang tinitingin-tingin ng isang 'to? Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit?" Napalingon silang lahat sa akin na may pagtataka.
"Sinong kausap mo?" Tanong sa akin ni Jovie.
"Tao." Pilosopong sagot ko.
"Umayos ka nga." Pinandilatan ako ng mata ni Jovie.
Napatingin ako sa sarili ko. "Maayos naman ako."
Kita ko ang pagkairita ni Jovie dahil sa sinabi ko. "Napaka---"
"Napakaganda ko. Alam ko 'yan. Huwag mo nang ipangalandakan." Putol ko sa sasabihin niya. "Aware ako na maganda." Dagdag ko.
Napailing-iling si Jade samantalang yung iba napapangiti. Totoo naman kasi na maganda ako. Hindi ba nila pansin 'yun? Baka may problema ang mga mata nila.
Sa kalagitnaan ng ingay sa table namin ay may bigla nalang kaming narinig na sigaw mula sa labas ng cafeteria. Dahil sa nasa dulo ang pwesto namin kaya dinig namin ang sigaw.
"Anong meron?" Takang tanong ni Jovie. Napatayo kami mula sa kinauupuan saka kami lumabas para tignan kung anong meron. Pagkalabas namin agad kaming nakipagsiksikan sa mga estudyante para makapunta sa unahan para mas lalong makita ang mga pangyayari.
Pagkarating namin sa unahan may dalawang lalaki ang nagsusuntukan. Na pailing nalang ako. Halata kasi ang dahilan ng pinagaawayan nila. Kung hindi kasi ako nagkakamali yung sumigaw ay yung babaeng nasa gilid na pinapatahan ng mga kaibigan niya.
"Babae ang dahilan ng pinagaawayan ng mga 'yan." Mahinang sabi ko. Napalingon sila sa akin.
"Paano mo nasabi?" Takang tanong ni Jovie na mukhang hindi naniniwala sa akin.
Ibinalik kong muli ang tingin sa dalawang lalaki na patuloy na nagsusuntukan. Marumi na ang uniform nila at may bahid narin ng dugo. Mukhang matindi ang laban nila.
"Si Kylle Wilson 'yan diba?" Dinig ko mula sa isang lalaki na nasa likuran namin.
"Oo pre. Mukhang nagkalabuan kasi sila ni Warren e." Sagot naman nung isang lalaki.
Pasimple kong nilingon yung dalawang lalaki na nag-uusap. Matangkad at malaki ang katawan nilang pareho, kaya nilang awatin yung mga nag-aaway pero bakit hindi manlang nila awatin. Huwag nilang sabihin na takot silang mapagbalingan. Mga duwag na nilalang.
"Trawl." Tawag pansin ko kay Trawl na umiinom ng yacult.
"Hmmm." Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. Nang makalapit siya tinanong ko na siya. "Bakit walang umaawat?" Tanong ko.
"Ahh. Ganyan talaga dito. Pag may away, may show. Astig no?" Ngiting sabi niya.
Napangiwi nalang ako. Pag may away, may show? May ganu'n dito?! Iba din sila.
"May alam ka ba na dahilan ng away nila?" Tanong ko.
"Yan kasing dalawa ay nagliligaw dun kay Gresya." Tukoy niya dun sa babae na dahilan ng away. "Balita kasing hindi tumutupad si Warren sa kasunduan nila. Napagkasunduan kasi nila na hindi pwedeng manligaw kapag gabi dahil sa busy si Gresya sa pag-aaral."
"Kung sabi mo na hindi tumutupad si Warren sa kasunduan nila. Edi ibig sabihin nun na si Warren ang problema, ganu'n ba?" Tanong ko.
"Tama." Sabi niya sabay tango.
"Pero pwedeng may umawat d'yan?" Tanong kong muli.
Napalingon siya sa akin sabay tango. "Pwede kung gusto nilang mapasama sa palabas."
Teka. Hindi ko na gets ang sinasabi niya.
"Teka. Linawin mo nga." Nakakalito naman.
Napasimangot siya. "Kapag may palabas, tulad niyan. " Tukoy niya dun sa dalawang lalaki na ngayon ay nag-wrestling na. Kanina suntukan, kaso na uwi sa wrestling.
"Pwedeng naman sumali. Depende kung gusto nilang umeksena din. Syempre kapag umeksena ka d'yan--damay ka. Kasama kana sa palabas. Kasama kana sa g**o nila." He said.
I just nod. Ngayon naiintindihan ko na. Masasabi kong... astig naman, Hahaha.
"May tanong pa ako." Pahabol ko.
"What is it?"
"Hindi ba sila mapapatawag sa Dean office?" Seryosong tanong ko.
"Depende." Sagot niya.
"Huh?" Bakit kasi niya nililinaw ang mga sinabi niya. Depende?
"Depende saan?" I asked.
"Depende kung malala ang pinag-awayan nila. Tulad ng pananaksak ganu'n. Paglason at iba pa na maaaring makapatay na ng studyante. Pinapayagan ang pakikipag away pero syempre may limitasyon 'yun." Paglilinaw niya.
Naks naman. Hindi ko matago ang excitement. Paano ba naman pwedeng makipag-away pero may limitasyon. Ayos dito ah! Dapat pala matagal na akong lumipat ng school kasama yung mga kaaway ko. Pwede kaming mag-away-away ng hindi pinapatawag sa Dean office. Ayos na ayos talaga dito.
Eto ang ideal type kong school. Allow ang rambol pero bawal ang p*****n.