Napalunok akong bigla. Sa sobrang enjoy ko sa ginagawa kong pag-aayos ng mga bulaklak ay nakalimutan ko na baka may alam itong si Rozzean sa iba't-ibang flower arrangements. "That's a tussie-mussie. Suitable for my room. I like it." Kunwari ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya. But he's right, the other one that I did is a tussie-mussie. But, did he say that he likes it? "H-Ha? ano po iyon, sir?" tanong ko. Tumayo siya at pagkatapos ay kinuha iyong tussie-mussie. Ito na naman ang t***k ng puso ko. Hindi na naman normal. "Dalhin mo ang isa sa gazebo at ang isa ay sa sala. Iaakyat ko lang ito sa kwarto ko," sabi ni Rozzean. Nakatingin ako sa likod niya habang paalis siya. I didn't expect that he knew different kinds of flower arrangement! Hindi lang siya basta mahilig sa mga bul

