Nagkatinginan kami ng pinsan ko. Nag-isip kaagad ako ng sasabihin kay Rozzean ngunit nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Maki. "You know that I am friendly to anyone, Rozz. Kahit sa mga maid pa. Tinanong ko lang itong si ganda kung nasaan ka," sabi ni Maki at naramdaman ko na pinisil niya pa ang balikat ko. Nakita kong napatingin doon si Rozzean. Bago pa ako makapagsalita ay nilagpasan na niya kami at tinungo ang gazebo. Nilingon ko si Maki, sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Lintek talaga ito kahit kailan, hindi naman niya ako kailangan akbayan. "Tali. Lumapit ka dito," tawag sa akin ni Rozzean. Kaagad akong tumalima, sumunod na rin sa akin si Maki. Naupo siya sa tapat ng aking boss at ako naman ay nasa gilid. "Ano po iyon, sir?" tanong ko. H

