My lips parted. Nalaglag ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Pinalis ko ang mga iyon at malakas ko siyang itinulak. Tinitigan ko siya ng masama. "I hate you." "I will forget you. Everything about you. Tama si Thes may makakatagpo pa ako na ibang lalake na makikita ang halaga ko. Hindi katulad mo na mas--hmmp!" Tinawid niya ang distansya namin at marahas niya akong hinalikan sa aking mga labi. Sinusubukan ko siyang itulak pero mahigpit niya akong muli na hinapit sa aking baywang at ang isang kamay niya ay nakahawak sa aking batok. Galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nang lumayo ang mga labi niya ay nagsalita siya. "You can't forget me. You love me. Mahal na mahal mo ako at hindi mo ako makakalimutan," matigas niyang sabi sa akin. His breath touches my face. Sobra

