Dalawang oras rin na inaayusan ako sa salon ni Thes. Katulad ng sinabi niya ay vanilla blonde nga ang ikinulay sa aking buhok. Nakatingin lang ako sa salamin habang ginagawa binoblower. Patapos na at ako naman ay naghihintay na lang rin. "Okay na po, Ma'am. Tapos na po!" sabi ng babae sa akin. Tumayo ako at tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. I didn't know that vanilla blonde hair color would suit me. Ito ang unang beses na nagpakulay ako ng buhok at dahil iyon sa kaibigan ko na linggo-linggo ay iba ang kulay ng buhok. Nilapitan ko si Thes, nakatuon ang mga mata niya sa kaniyang cellphone. Nang mapansin na nasa harapan niya ako ay ibinaba niya ang hawak at tumayo. "Wow! ganda, ah? tapos tara at makapaghanap ng damit!" Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Wala na r

