Hawak-hawak ko si Thes at nasa loob kami ng vip room sa kaniyang bar. Natutulog na ang aking kaibigan. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kaniya. "Luther..." Napatingin sa akin si Luther. Sinamahan niya kami dito ngayon dahil siya ang umaayos sa gulo na nangyari kanina. Nag-aalala rin ako sa sitwasyon. Wala pa rin daw malay ang lalake na ilang beses na sinuntok ni Rozzean. Dinala na raw ito sa ospital. "Nakita mo ba siya?" tanong ko kay Luther na ang tinutukoy ay si Rozzean. "No, but he called me. He said that he's willing to pay for the damages. Pinapabalik ko dito pero sinabi niya na aayusin niya and if the man will sue him sa korte na lang sila magkita." Ayaw niya ba akong makausap? Pero ano ang ginagawa niya dito? he doesn't like to drink outside. "Kasama mo ba siya n

