DALAWANG araw nang halos hindi nagsasalita si Precious at kahit ngayong araw ay nakalabas na siya ng ospital ay wala pa rin siyang balak. Galit siya. Galit na galit siya dahil ilang araw ng napo-postpone ang plano niya. Kung bakit ba naman kasi kailangan pang gumawa ng Diyos ng mga taong pakialamero, 'yun tuloy ay lalo lamang nadagdagdan ang paghihirap niya. Bakit ba parang gusto pang dagdagan ng Diyos ang paghihirap niya? Nagdesisyon na siya at siguradong-sigurado na siya roon. She doesn't want to have this life anymore. She wanted to quit. Gusto na niyang tapusin ang buhay niya pero palagi namang umeepal ang lalaking iyon sa plano niya. Ni hindi niya nga ito kilala pero daig pa nito ang mga nagpalaki sa kanya kung makialam sa buhay niya. Kung ang iba siguro ay matutuwa dahil sa "pagpapa

