DIE, iyon ang unang salitang gustong isulat ni Precious sa notebook na ibinigay sa kanya ni Price. After they talk, hinayaan siya nitong mag-isa sa kuwartong itinalaga nito sa kanya para makapag-isip raw siya nang mabuti sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. Obvious naman na ang pagpapakamatay ang gusto niyang gawin pero inunahan rin siya nito na bukod raw doon ang isulat niya. Nag-roll eyes lamang siya rito dahil wala naman siyang maisip na makakapagpasaya pa sa kanya sa ngayon kundi ang magpakamatay. Pero nang mapag-isa siya sa kuwarto upang mag-isip nang taimtim ay may mga bagay na pumasok sa isipan niya. Kung tutuusin ay bukod sa pagpapakamatay ay mayroon pa nga siyang mga bagay na gustong gawin sa mundo. Pero dahil wala siyang oras o nakalaang panggastos man lamang sa mga ganoong

