Kabanata 9

3261 Words
Carrot Cake Mayroon pa naman akong pera, kaya iyon ang ginamit ko habang nilalalagay sa isang box ang sugar-free carrot cake na napili kong ibigay bilang pasasalamat sa pagsoli niya sa akin ng aking I.d. "Ate Ayanna ikaw na muna dito. Mabilis lang ako. May ibibigay lang ako sa customer." Paalam ko kay Ate Ayanna. "Ano ba yan? Kanino mo ba yan ibibigay?" She asked and glanced at the cake I was carrying. "Basta saglit lang po ako, ate." Nagmamadaling sambit ko lalo pa ng masulyapan na palabas na ngayon ang lalaki sa aming cafe. I hurried out of the counter and went straight to the customers tables before finally exiting the cafe door. "Sandali lang!" Sigaw ko ng makita ko siya na naglalakad na ngayon papunta sa mga nakahilerang sasakyan at motor. "Wait lang, Sir!" Sigaw ko pa. Tuluyan naman siyang humarap sa akin ngayon. Bahagya akong na-intimidate sa tangkad niya at sa mukha niyang marahas na nakatingin sa akin. "Uhm." Tumikim ako at tiningala siya ng tuluyang makalapit. Hanggang dibdib niya lang kasi ang paningin ko. Niyuko niya naman ako at bahagyang nangunot ang noo. Sh*t. Hindi ko alam na nakakatakot pala siya kapag tuluyan ng kaharap, hindi katulad kanina na nakaharang sa amin ang counter. Sana pala inutusan ko nalang si Alisha. Mas may kapal naman ang mukha ng kaibigan ko kaysa sa akin. Kaya niyang humarap kahit nahihiya at natatakot. Ako, pakiramdam ko ay bibigay ang binti ko sa titig niya. I blinked and lifted the box I was holding. "I just want to thank you for giving me back my I.d." I said softly. "I didn't ask you anything in return. Hindi ka na dapat nag-abala." He said using his baritone voice. Napalunok ako at mas lalo lang kinabahan sa narinig. Pakiramdam ko din ay bigla akong namutla. "I--I know. But still...I want to return your kindness. Please accept my gift." Mahinang sambit ko, halos manginig ako duon. "Why are you trembling, are you okay?" He asked and took a step forward, I backed away from what he did. Hinawakan niya naman ang dala ko dahilan para gumaan iyon sa kamay ko at bumigat iyon sa kamay niya. Tuluyan ko iyong itinulak sa kanya. "I'm fine. Tanggapin mo na." Mabilis na sambit ko at nag-angat ng tingin. Nanatili namang nakakunot ang noo niya at naka-angat sa ere ang isang kamay hawak ang box ng cake. "Thank you ulit." I said and immediately turned my back on him. I took a deep breath as I walked back inside the café. My chest throbbed with fear earlier. He really is intimidating. I was never intimidated in front of my classmates and anyone except my mom. I never thought there were such people. Yung nararamdaman mong manginginig ka dahil kaharap mo ang taong iyon. It feels so different and unfamiliar to me. When I'm with Red I felt a butterfly in my stomach, I tremble when I'm mad or every time he's close to me like hugging me or kissing me or when I'm scared. But that man, siya yung tipong nakatayo ka lang at magkausap kayo, manginginig ka na. I came home at nine in the evening and saw that mama and daddy were sitting in the living room of our house while watching a movie on a tv. Lumapit ako at nagmano, at humalik din sa kanilang dalawa. "Sinong naghatid sayo pauwi?" Si mama. "I'm with Alisha and my other group mates po." Sagot ko kahit si Alisha lang naman ang kasama ko. "Hindi ka dapat nagpapagabi. Delikado na ngayon sa labas. Hindi ba pwedeng gawin nalang sa weekend yang research niyo or dito nalang kayo gumawa sa bahay." “Uhm, hindi po kasi ako ang leader, ma. Next time Ill try to talk to them para…dito nalang sa bahay.” Sambit ko. Hindi naman siya umimik. "Have you eaten, yet?" Daddy asked. "We left you a food on the table." “Hindi na po Dad, kumain na po ako.” Mabilis na sambit ko at tipid na ngumiti. Isang beses niya akong sinulyapan bago siya tumango. Nagmamadali naman ako sa pag-akyat sa aming hagdan para makapasok ng aking kwarto at makapag bihis na. I sighed heavily pagkatapos kong maibaba ang aking bag sa study table. What a day! For sure this would be one of the memorable days for me dahil ito ang unang pagkakataon na magkaroon ako ng part time job, at unang pagkakataon na nagsinungaling ako sa parents ko. Hindi ako mahilig magsinungaling. Lagi akong nagpapaalam sa kanila sa mga bagay na ginagawa ko at pinupuntahan, pero ngayon nagsinungaling ako dahil takot ako na pagalitan ako at utusan na iwanan ang part time job dahil alam ko na ayaw nila nun, gusto nila na pag-aaral ang atupagin ko, hindi trabaho. Nawala ako sa pag-iisip ng tumunog ang phone ko sa isang text message. From: Unknown number Hi, bakit hindi mo sinasagot ang mga text ko? I sighed and reply. Dapat talaga hindi ko binigay sa kanya ang number ko. Lagi akong kinukulit. Hindi ko s-in-ave ang number niya dahil wala naman akong balak na entertain siya. Kung wala pala akong balak, dapat hinid ko nalang ibinigay number ko. Hayst. Hindi ko alam kung anong iniisip ko nung araw na ibinigay ko ang number ko sa kanya, okay lang na makipag kaibigan pero ngayon parang ayaw ko na pala. Bigla ay parang ayaw ko na na makipag text kahit kanino. I sighed; I shouldn't have done that; I shouldn’t give my number that easily. Nakita ko pa ang ilang text message niya kanina at hindi ko iyon lahat ni-reply-an. Mayroon din kay Monkey. Pero inuna kong ni-reply-an ang unknown number. To: Unknown number Sorry, busy ako. Naupo ako sa aking kama ng makita na may isa pang mensahe ang pumasok. From: Monkey Are you home? Your classmate told me that you already went home. You didn't even wait for me. Sinabi ko naman sayo na ihahatid kita pauwi. Are you avoiding me? From: Monkey Why are you not replying? From: Monkey I heard youre working in a café. Why didn’t you tell me? Napabuntong hininga ako sa mga nabasa. Kahit ang isang ito ay hindi rin ako tinitigilan. I already told him that I was not interested in him. Bakit ba ang kulit ng mga lalaki ngayon? They should respect girls’ decision, hindi yung pinipilit nila. To: Monkey Bakit ako magpapahatid sayo kung kaya ko namang umuwi at bakit ko din kaylangang sabihin sayo ang mga ginagawa ko? Where not that close. I’m not even interested, stop pushing yourself to me. I’m not up for anything. I know it’s a bit rude pero ayaw ko lang talagang paasahin si Nate. I dont really feel anything for him. Alangan naman tanggapin ko lang ng tanggapin ang mga ginagawa niya kung hindi naman ako komportable duon. Kung umasta kasi siya ay para nang may something sa amin kahit wala naman. I looked at my phone while massaging my temple but I was distracted when a new message came in. From: Unknown number Okay lang. Anong ginagawa mo? I gasped and thought. What if I just change my sim card and put only the important contacts? after all, I’m not fond of texting and I also don't want to receive any unimportant messages. Maybe I should really focus on myself like work and study. Besides I’m a graduating student, I should start to change and take everything seriously. To: Unknown number Im sorry, Im a bit rude but can you just delete my number? I gave you my number but honestly, I don't really like texting. I also don't want to receive unimportant messages. Busy na talaga ako ngayon kaya mag-de-delete din ako ng mga contacts ko. Pasensya na talaga. Ngayon nagpakatotoo ako sa sarili ko. Nakakatawa lang dahil bigla nalang nagbago ang isip ko sa kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko ngayon. Pero hindi ko maipagkakaila na maluwag iyon sa kalooban ko. Maybe because I know to myself that this is what I want to happen from now on. Natigil ako sa pag-iisip ng tumawag si Monkey. I sighed. "Hello." I spoke wearily, but he did not speak. "Hello." I reapeat with a frown. “I’m sorry.” Aniya. Natigilan ako sa sinabi niya. “Sorry kung makulit ako. I just can’t stop myself from liking you.” Marahan na sambit niya, hindi nakatakas ang konting lungkot sa boses niya. Napabuntong hininga naman ako duon. “I’m sorry I’m a bit rude too.” Sambit ko. “No, its okay, your just being true, I understand, but honestly Im a little bit hurt.” Aniya at natawa ng konti. “Sorry.” Sambit ko ulit. "Stop saying sorry, Belle. I know you don't like me, pero pwede bang kahit kaibigan nalang, pagbigyan mo ako?” now he’s sound so serious. “Just let me be your friend, Belle. Like everyone else…na kaibigan mo.” I sighed and closed my eyes tightly. He sounds so lonely and I can’t bear hearing it from someone I know. From someone I know who cares for me. Maybe, I should give him a chance. He’s not that bad at all, even if he looks like a bad boy and a play boy when I first saw him. “Fine.” Labas sa ilong na sambit ko. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. “Pero kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Huwag mo din akong pinapangunahan sa mga gusto ko. Don't ask too many questions, when I don't want to say anything. Don't force me either. I want you to respect me as your friend. As your friend only.” Pagdidiinan ko sa huling sinabi ko. “I respect you, belle. I’m just worried and want to help.” Even so, don't force me, pero kung ayaw mo, huwag nalang tayong maging magkaibigan--” “Alright! I will do it.” Mabilis na sagot niya. “Good.” Nakangiting sagot ko. “Sige na. I want to rest. I still have work tomorrow." Sambit ko. “Sa café? Why are you working there anyway?” tanong niya. “I need a money, okay? Huwag ka ng matanong. Magpapahinga na ako.” Bago pa siya makapag salita ay binabaan ko na. I sighed heavily and went straight to my bathroom to wash myself. Pagod ako pero masaya pa din dahil kahit papaano ay may nagagawa akong bagay na bago sa akin. Habang nagbibihis ay sumagi sa isipan ko ang lalaki. Kinakain kaya niya ngayon ang binigay kong carrot cake. I wonder if he likes it. I haven't tasted it yet but I hope he likes it. “Good morning!” maligayang bati ko sa dalawang empleyado na nag ma-mop at nag-aayos ng mga table at upuan pagkatapos kong pumasok sa loob ng café. “Good morning, Belle. Aga natin ah.” Si kuya Marco, yung nag-ma-mop. “Si Alisha po, nandito na?” tanong ko pagkapos pumasok sa counter at binati si Ate Ayanna. “Wala pa.” sagot niya sa akin. Sumimangot ako at kinuha ang phone para i-text siya kaso natigil lang ng marinig ang malakas na boses ng babaeng kakapasok lang din ng café. “Good morning mga lods!” Sigaw ni Alisha. Hi mga kuya, kumusta araw natin?! Nasaan si Belle? Hay naku! For sure late na naman yun, lagi yung late sa klase namin, pati ba naman dito sa trabaho late din, oh—” Natigilan siya ng makita niya ako sa counter, natawa naman sa kanya ang mga kasama namin. “Sinong late?” I raised an eyebrow at her. Natawa siya kahit na matalim ang tingin ko. “Sorrey. Nandito kana pala...” ngumiwi siya at binalingan ang mga kasama namin na nanatiling nakatingin sa kanya. Inilingan ko siya at sinuot ang apron sa akin. “Uy, get back to work mga lods! Alam ko maganda ako pero ano ba! huwag kayong tumitig sa akin. Kapag kayo nahulog, naku! hindi ko talaga kayo sasaluhin--Sh*t.” Nagugulat kong binalingan muli si Alisha sa malakas niyang mura. Kuya marco held her arm ng muntik na siyang madulas pero nanatili ang tingin niya sa unahan. “Okay lang palang mahulog kung ganyang lalaki naman ang sasalo sa akin.” Nakangiting dugtong ni Alisha. Binalingan ko ang tinitingnan niya pero nagulat ako ng makita ang lalaking pumasok sa aming café. He looks at our employees dahil lahat kami ay nakatingin sa kanya. Siya ang una naming customer sa araw na iyon. Siya yung lalaki na binigyan ko ng carrot cake. Tumigil ang mga mata niya sa akin at saglit akong tiningnan bago muling binalingan ang mga empleyado namin na binati siya ng magandang umaga. He was now talking to Kuya Sam, kuya Sam then guided him to the table. Kita ko na may sinabi si kuya Sam pero pinigilan niya kaya tumango nalang ito at bumalik na sa kanyang pag-aayos ng mga upuan. Samantalang bumaling naman ang lalaki sa aming counter at nakatingin na sa akin ngayon. Gosh. Here we go again. He looks so handsome with his fitted gray shirt and faded jeans. Hindi ko alam na ganito siya kaaga na pupunta dito. Just like yesterday he was carrying his laptop on his table. Maybe he will work here while having his breakfast. “Good morning, sir. What can I get for you?” bati ko bago hiningi ang kanyang order. Good morning. Can you recommend something for my breakfast? He asked using his deep voice. Napalunok ko. “Uhm. Do you want a light or heavy meal sir? “Light meal only.” “Uhm, we have sandwiches and pie sir.” I want to try your pie. What do you have there?” Tanong niya at nilingon ang likod ko para basahin ang iba pang menu. We have apple pie, coconut pie, banana cream pie, egg pie and many more. Which one do you like sir? I asked after reading the posts on the wall and turned to him. I almost gasped when I saw him already looking at me. “You choose…” aniya na siyang ikinagulat ko. Ako? Bakit ako? Ako ba kakain? I almost said that to him, but I bit my lip to stop myself. “Coconut pie, sir?” marahan na tanong ko. “Okay give me a slice of it.” He answered. “How ‘bout your drink sir?” sambit ko habang may pinipindot sa monitor. “Can I get a coffee late?” “Okay, Sir.” Simpleng sambit ko. Binigay niya ang card niya pagkatapos kong sabihin ang price. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nanatili siyang nakatingin sa ginagawa ko. Ibinalik ko naman agad ang kanyang card, hinintay ko siyang umalis bago balingan, pero hindi siya umalis kaya binalingan ko na. “Uh, we’ll serve it to you sir, after 5 minutes.” sambit ko. Can I just wait here, until you serve my order? I want to see how you brew my coffee.” aniya. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. “Uh, sir. Hindi po ako ang gagawa ng kape niyo, yung kasama ko po. Bago lang po ako dito kaya… hindi pa ako marunong.” Nahihiyang sambit ko. He looks so amused habang nakatingin sa akin, bigla naman akong nailang duon kaya tinawag ko nalang si Ate Ayanna sa loob para gawan siya ng kape. Mabilis naman lumapit si Ate Ayanna at ngumiti ito sa kanya bago sinimulan ang paggawa ng kape. "By the way, I liked the carrot cake you gave me yesterday." Biglang sambit niya na bahagyang ikinagulat ko. “It’s good.” Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagbaling ni Ate Ayanna sa amin. Binalingan ko siya at kita ko ang gulat sa mga mata niya at ang pagkalito. I averted my eyes and turned to the man. “I-I’m glad you like it, Sir.” Sagot ko. “You can go back to your table. We’ll serve it after a minute.” Mabilis na sambit ko dahil mukhang hinihintay niya talaga ang kanyang order. He stared at me carefully using his serious eyes pero tumango din kalaunan. I sighed heavily pero bigla na akong kinalabit ni Ate Ayanna. “Ano yun? Sa kanya mo ibinigay yung carrot cake? close ba kayo nun? magkakilala ba kayo?” sunod sunod na tanong niya. Mabilis naman akong tumanggi. “No, it’s not like that, ate. Binigyan ko lang siya ng… bilang pasasalamat dahil ibinalik niya sa akin yung nawawala kong school I.d kahapon.” Unti-unti naman siyang tumango. “Oh, akala ko kung ano na.” Sinulyapan ko ang kape na ginagawa niya. “Pano ba yan gawin?” kuryusong tanong ko. Ngumiti siya sa akin at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. “Manuod ka at makinig sa gagawin ko para sa susunod ikaw na ang gagawa.” Aniya na tinanguan ko naman. I bit my lip and took my notes. Pinagmasdan ko ang lalaki habang iniinom niya ang kape pagkatapos I-serve iyon ng isa sa mga waitress namin. Ibinaba niya iyon pagkatapos ay sumulyap sa counter, sakto naman na nagtama ang mga mata namin, my lips parted as he lifted the cup of coffee and nodded at me. I blink and averted my eyes to continue with my work. “Grabe ang gwapo talaga niya. Inspired na naman akong magtrabaho ngayon. Taga dito ba yan, Ate?” Alisha asked ate Ayanna after placing the empty tray on the counter. “Hindi ko alam. Last last week ko lang yan nakita dito. Hindi rin siya pamilyar sa akin. Siguro dayo yan dito at nagbabakasyon.” Sagot ni Ate Ayanna habang nilalapag sa tray ang mga sumunod na order. Alisha nodded. “Siguro nga, hayst. Sana may magkagusto sa akin na ganyan din ka-gwapo.” Natawa sa kanya si Ate Ayanna. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Alisha at hindi napigilang magtanong. “You like him?” tanong ko. Napahalakhak ang kaibigan ko, samantalang nangunot naman ang noo ko sa tawa niya. “Sinong hindi magkakagusto sa ganyan katangkad at gwapo, Belle? And I think he’s rich too, can’t reach nga lang. Parang imposibleng magkagusto yan sa mga katulad natin. Siguro kapag naging kami, magmumukha lang akong katulong. Tss.” She sneered but I couldn't find the humor on it. Nanliit ang mga mata ko sa kanya habang napapaisip. I look back at the man. He was now busy with his laptop. I stared at him carefully and shifted my gaze back to Alisha na nanatiling nakanguso at nakatingin din sa lalaki. I don’t think bagay sila. “Hindi kayo bagay.” Pagsasatinig ko. Nagpapakatotoo lang. She glanced at me in surprise and almost laughed at me. “Mas bagay sayo yung mga katulad ni Nate. High school bad boy looks yet handsome and rich. That man look was too rough.” Sambit ko. The smile disappeared from her lips and looked at me in annoyance. “Anong Nate ka diyan! Diba sayo yun!” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya pero sa huli ay nakabawi din. Nginisian ko siya ng may maisip. “What’s wrong with that? Maingay ka, seryoso siya. Morena ka, maputi siya. Mahirap ka, mayaman siya. Bad boy siya, good girl ka. Opposite personality doesnt attract each other but love will always find a way. I smiled meaningfully. “Malay mo kayo talaga para sa isa’t isa.” I laughed especially when I saw her blush in annoyance and looks like she was going to explode.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD