Kabanata 10

2984 Words
Ali Lorenzana Nang umuwi ako ng araw na iyon ay pinatawag ako ni Mama sa sala kasama ang aking Ama at dalawang lalaking kapatid. Nanatili akong nakatingin sa kanila habang naghihintay ng kanilang sasabihin. Bigla ay kinabahan ako. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? “Your father and I have already decided.” Agad kong nilipat ang tingin sa aking Ina ng marinig ang sinabi niya. “Aalis ako at magtatrabaho bilang katulong sa isang hotel sa Manila.” Nagulat ako duon. Hindi ko talaga akalain na maririnig ko ito isang araw sa kanya. Hindi nakapagtapos ang mama ko sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay noon lalo pa’t maaga din siyang naulila noon dahil maaga din siyang iniwan ng aking lolo at lola na siyang dating may ari ng isang asukarera. Kaya naman hanggang high school lang ang tinapusan niya, at hindi rin siya nagkaroon ng maayos na trabaho. Pero simula ng makilala niya ang Ama ko at pinakasalan siya kahit malayo ang age gap nila ay naging maayos ang buhay niya kasama kami. Binalingan ko ang aking Ama at inisip na aalma siya sa gustong gawin ng aking Ina but then yumuko lang siya at pumikit ng mariin. Nagpakita ang wrinkles sa kanyang gilid na mga mata at sa kanyang noo. Alam kong ayaw ng ganun ni Daddy. He wants to always provide for us. He wants to keep his pride at ayaw I-asa kahit sa aking Ina ang responsibilidad na dapat ay sa kanya. “Belle, I know this is early but you need to be responsible woman at an early age. Lalo pa’t wala dito ang ate mo. Ikaw ang maiiwan dito para alagaan ang mga kapatid mo.” “Stop it! don’t pressure our daughter. I can take care of them.” Si daddy. “Alam mo naman siguro na mahina na ang katawan mo.” Nakakunot na sambit ni Mama sa kanya. “Malaki na ang anak natin, for sure Belle can take care of her siblings.” “Nag-aaral ang anak mo, Maricel.” Pigil ng aking Ama. “I know, pero ano ba naman iyong alagaan at tingnan ang kapatid kapag umuuwi siya at walang ginagawa?” Aniya nang aking Ina at binalingan ako. “Don’t worry, Ma. Pa. I can do it. Hindi naman mahirap gawin yan. Kahit hindi niyo sabihin, gagawin ko parin po.” Walang pag-aalinlangang sambit ko. Binalingan ko si Daddy nang hinilot niya ang kanyang ulo. Ngumiti naman sa akin ang aking Ina at tumango. “Si Red...” Mabilis kong binalingan ang aking Ina ng banggitin niya ang pangalan ng ex-boyfriend ko. “Hindi kita pinagbabawalan na magboyfriend...pero please anak. Unahin mo na muna ang pag-aaral bago ang boyfriend.” “You don’t have to worry, Ma…W-wala na po kami ni Red. Matagal na po.” Sambit ko habang nakatingin sa sahig. Hindi naman agad sila umimik kaya nag-angat ako ng tingin para sulyapan sila. My mother looks shocked and confuse at the same time while my father eyes pierce on me while his forehead furrowed. “What did that man do to you?” matigas na tanong ni daddy. Kita na ang galit sa kanyang mga mata. I swallowed hard and look at my father nervously. Yumuko ako para hindi makita ang kaba. “He likes someone else, dad.” Hindi niya kasalanan na magkagusto sa iba. Bulong ko sa isipan ko sa huling salita. Hindi na sa kanya sinabi na nag-cheat si Red sa akin habang kami pa. Besides, I didn’t know what really happened during those days when he suddenly ignored my texts and calls, but I really believe that he cheats on me since everyone told me about it and I also saw their pictures in f*******: during Christmas eve. He was there, with her girl…on a church…while I’m on our house waiting for his text to invite me to go with him. It was the very worst day of my Christmas. I was so hurt and mad so I choose to sleep to forget and thought that maybe when I woke up, I will realize that it was just a dream. “How dare him like someone else. Did that man cheat on you?” tanong ni mama. Iritado na ngayon, pero hindi ako sumagot. Rinig ko naman ang marahas na mura ng aking Ama. “Forget that man. He’s not good for you.” Matigas na sambit ni Daddy. “But, isn’t that a good news?” Si mama at biglang nabuhayan ngayon. “Mas makakapag focus ka na ngayon sa pag-aaral mo at sa mga responsibilidad mo sa pamilya at sa sarili.” Tinaguan ko nalang ang aking Ina sa sinabi niya. “Well...your father is right. Forget that boy. You deserve someone’s better. Bata ka pa, maganda at matalino, marami pang ibang lalaki diyan ang magkakagusto sa’yo.” Alo niya sa akin na tinanguan ko lang ulit. That night ended with that conversation. Hindi narin sila nagtanong ng kung ano pa tungkol sa amin ni Red, my father just told me to went upstairs and rest. Hindi ko lang talaga inaasahan na darating ang araw na makikita kong umalis ng bahay ang aking Ina. In the end, my father did nothing but let my mother do what she wants. "Alisha, please hurry up, daddy told me to go home immediately, baka hindi ko na maabutan ang pag alis ni mama." I said breathlessly to her, nagmamadali naman siyang sumunod sa akin. "Wait lang, binibilisan na nga diba." I was already out the gate while Alisha continued to follow me. "Belle!" I ignored the call of someone since I was on a hurry, so I just kept ahead, but someone suddenly grabbed my arm. "Ano ba--" iritadong baling ko sa taong humigit sa braso ko. I then saw Nate narrowed eyes. "Sasakay ka ba o hindi?" tanong niya. "Huh?" naguguluhang tanong ko naman. "Sumakay ka na kung gusto mong maabutan si Tita." he said seriously at binalingan ang kanyang magarang motor na nakapark sa tabi ng kalsada. Simula ng maging kaibigan kami ni Nate ay lagi na siyang nakabuntot sa akin. Minsan niya narin akong hinatid sa bahay. Alam din niya ang tungkol sa mga problema ko sa tuwing nag-uusap kami lalo na't masyado siyang caring at kuryuso lagi sa buhay ko kahit na pinagsabihan ko na siya nuon na huwag mapilit, though hindi naman na ako iritado sa kanya kagaya ng dati, medyo nasanay nalang ako sa kakulitan niya. I look back at the motorbike he pointed on the side of the road behind us then back at him again. Nagtataka ko siyang tiningnan, paano niya nalaman ang tungkol kay mama eh hindi ko pa naman iyon na i-kuwento sa kanya? Binalingan ko ang likod ko at matalim na tiningnan si Alisha. Sino pa nga ba. "Come on." higit ulit ni Nate sa akin. "Teka." bumaling ako sa likod ng makitang hinihingal ang kaibigan habang nakatingin sa amin. Tumigil si Alisha sa paglalakad at sinenyasan ako na mauna na, I gasped and thought I had no choice so I just let Nate pulled me to his motorbike. Binigay niya sa akin ang isang helmet kaya nagmamadali ko itong sinuot. Ganun din ang ginawa niya. Mabilis niyang pinaandar ang motor. I was a bit hesitant to ride. This is the first time I will ride his motorbike since I often refuse him every time he offers himself to take me home. "What are you waiting for? Hop on!" nagbago ang boses nito dahil sa suot na helmet. Humawak ako sa balikat niya at saka umangkas sa motor niya. "Kumapit ka." umirap ako at humawak sa dalawang balikat niya. "What are you doing?" Nilingon niya ako pero inis ko ding sinilip ang mukha niya. "Ano pa sabi mo kumapit eh." Sarkastikong sambit ko pabalik. "Not like that." Aniya. "Huwag ka na ngang magreklamo diyan, bilisan mo na!" inis na sabi ko sa kanya. Umiling-iling siya at agad na minaubra ang motor kaya humigpit ang pagkakahawak ko sa balikat niya. Dami pang arte, iniisip siguro niya na hahawak ako sa bewang niya, as if naman eh ang lapit lapit lang ng bahay namin at hindi uso dito sa lugar namin ang yumakap sa nagmomotor, except nalang kung kapamilya or in a relationship. Mabilis ang pagtakbo niya sa sasakyan. Nang lumiko ang motor niya ay natanaw ko agad ang bus na nakapark sa tapat ng aming bahay, so when the motor stopped, I quickly removed the helmet and gave it back to him. “Careful.” Saway niya sa akin ng makita na halos mahulog ako sa motor sa pagmamadaling makababa. I ran quickly and left him. My parents looked at me, I saw them outside of our gate and were carrying a luggage. Nag-alala ako ng marinig ang atungaw ng bunso kong kapatid. "Ma." nagmano ako at ganun na din kay Daddy. Nasulyapan ko ang bunsong kapatid na hawak hawak ng pangatlong kapatid na lalaki. "Ikaw na ang bahala dito, alagaan mo ang mga kapatid mo, I'll call when I get there? Hindi na din ako magtatagal at napag usapan naman natin ito kagabi. Naghihintay na ang bus." "Opo, Ma." tumango ako kahit may pag alinlangan sa akin kung kaya ko ba ang tungkulin na inaatas niya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ang ginawa ko pabalik. Bago kumalas ay may ibinulong siya sa akin. "Yang kasama mo, I know who he is, pero huwag ka munang magboboyfriend at kakagaling mo palang sa break up, you have a lot of responsibilities right now. That's your first priority." Mahinang paalala niya sa akin habang yakap yakap ako kaya ng kumalas ako ay sinulyapan ko ang tinitingnan niya. Nanatiling nakatayo si Nate habang pinagmamasdan kami. "He’s only a friend, Ma. Wala pong malisya." my forehead furrowed as I turned to Mother. Tumango lang ito at niyakap naman ang dalawa kong kapatid saka siya sumakay sa bus. Sinundan ko ng tingin ang Inang kumakaway sa bintana ng bus habang papaalis ito. Lumakas ang atungal ng bunsong kapatid ko kaya inalo ko ito. Nakita ko ang ginawang pagsulyap ng aking Ama kay Nate bago bumaling sa akin. "Pumasok ka na sa loob." Aniya. Tumango naman ako. Sinulyapan niya pa muna si Nate bago tumalikod at pumasok na sa loob ng gate. I followed them with my gaze but before I entered the gate, I turned to Nate to thank him. Bumaba siya ng motor at lumapit sa akin. "Thank you sa paghatid." Tipid ang ngiting sambit ko. "No problem.” Aniya at tinitigan ako. "Are you ok?" "Yeah" I said softly. Pinagmasdan niya pa ako at parang binabasa ang ekspresyon ko at bago niya pa mabasa iyon ay nagpaalam na ako. "I need to get inside. You should go home too." "K, take care." mahinang sambit niya. Nanatili akong nakatayo at hinintay siyang kumilos, napansin niya naman iyon. "I'll go after you get inside.” “Okay.” Walang pag-aalinlangang sambit ko. Bigla ay nalungkot ako. I feel so down right now. Siguro dahil umalis si Mama. She never leaves us for work, dahil si Daddy ang gumagawa nun para sa amin, pero hindi talaga maiiwasan ang mga posibilidad. “Ehh…nandito na naman siya.” Kinikilig na sambit ni Alisha pagdating ng weekend habang nakatingin sa lalaki naming customer na binigyan ko ng carrot cake last week. Hindi ko inasahan na magiging isa siya sa mga frequent customers namin. This time wala siyang dalang laptop. Sumulyap siya sa akin dahilan kung bakit iniwas ko ang tingin. “Lagi na siya dito. Almost everyday ay nandito siya para kumain ng breakfast. Minsan din lunch at dinner.” Si ate Ayanna. I nooded and bit my lip. “Oh my gosh! Is that Nate?!” nagugulat na sambit ni Alisha habang nakatingin sa pinto ng café. Binalingan ko din iyon at bahagya din akong nagulat ng makita duon si Nate na kakapasok lang. Bumaling ang mga babaeng customer sa kanya, ang iba ay nagbulungan pa. Mabilis na tinawag ni Alisha si Nate dahilan para mapunta sa amin ang tingin niya. Lumaki ang ngiti niya ng makita ako. Nangunot ang noo ko. Ano namang ginagawa niyan dito? “Nandito ka na naman ba para kay Belle!” Halos sigaw na sambit niya. Natawa naman si Nate sa kanya. Habang napapailing naman ako. “Hi belle.” Bati niya sa akin. I glared at him. “What are you doing here?” “Woah, is that how you treat your customer? You sound so annoyed with me. Bibili pa man sana ako ng maraming meals dahil kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon.” “Uh, sorry sir.” Si Ate Ayanna sa kanya at nakakunot akong binalingan. I then sighed heavily. “What do you want to have?” Sambit ko sa pormal na tuno. Natawa naman siya sa akin. “You.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Natawa naman siya ng malakas samantalang ngumiwi naman si Alisha. Sinulyapan ko ang mga customer na bahagyang napalingon sa amin dahil sa lakas ng tawa niya. Ganun din ang lalaki na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Nate. I looked back at Nate, I then glared at him. “Biro lang…I want lunch course; may I suggest your specialty of the day?” I sighed heavily in irritation while pressing the monitor. "Lunch course will be served within 12 minutes sir." "Okay, that's fine." He said while keeping his eyes on me. May iba pa siyang sinabi tungkol sa order. Pero habang ginagawa iyon ay matalim ko siyang tiningnan pabalik. Halos padabog kong kinuha ang kanyang card at padabog din iyong ibinalik sa kanya. Namamangha niya naman akong tiningnan. Umingay sa loob ng aming cafe ng pumasok ang sunod sunod na mga lalaking nag-aaral sa school namin na sa tingin ko ay kaibigan ni Nate lalo pa ng kumaway sa kanya ang mga ito, pagkatapos ay naghanap ng mauupuan. "Did you eat your lunch, already?" he asked after looking at his friends. “Bakit? Ililibri mo kami?" Sagot ni Alisha sa tabi niya na mataray na nakatingin sa kanya. "Hindi pa kami nag la-lunch dahil hindi pa naman namin break.” Tumango si Nate at napaisip saka ako binalingan at ngumiti, pero mabilis siyang gumilid ng makita ang customer na luminya sa likod niya. “Puntahan ko lang mga kaibigan ko, baka naaabala kita.” Aniya. Tahimik naman akong tumango. Nilapitan naman ako ni Alisha. “Wala ka bang balak na sagutin si Nate?” bigla ay tanong niya dahilan para mangunot ang noo ko. “Nililigawan ka ni Nate Del Carpio, Belle?” Nagugulat na tanong ni Ate Ayanna sa tabi namin. “Naku, ate! Ang daming nagkakagusto diyan sa kaibigan ko, kaya nga kahit ang anak ng pinaka mayaman dito sa probinsya natin may gusto sa kanya.” Nakangiwing sagot ni Alisha. “Well…hindi ako magtataka, dahil maganda ka, pero si Nate Del Carpio, Apo yan ng may-ari ng Hacienda tapos nililigawan ka. Ang swerte mo naman.” Si Ate Ayanna. Inilingan ko silang dalawa. "He's not courting me, we're just friends." “Bakit? Akala ko ba ayaw mo din siyang maging kaibigan. Panong magkaibigan na kayo ngayon.” Alisha asked curiously. “I told him last week that I only want friendship, nothing more.” Seryosong sambit ko. “Binasted mo?” Nagugulat na sambit ni Alisha pero hindi ko siya sinagot. “Binasted mo nga!" Halos sigaw na aniya at natawa sa akin habang napapailing. I glared at her. What's so surprising about that? Hindi na ba pwedeng bastedin ang mga katulad nila na mas angat sa buhay kaysa sa amin? “Alisha, Belle, pinapatawag kayo ni manager.” Sambit ni Kuya Jude ng makalapit. Isa sa mga waiter namin. Nanlaki ang mga mata naming dalawa ni Alisha at biglang nataranta. “Ano? Ba-bakit naman?” Alisha asked in shock and turned to me. “Hindi ko alam, nanduon si Manager, kausap iyong si Nate Del Carpio.” Nangunot ang noo ko. Rinig ko naman ang mga reklamo ni Alisha samantalng nagmamadali naman akong lumabas ng counter para puntahan ang aming manager. “Ma’am, pinatawag niyo daw po kami.” kabadong tanong ni Alisha ng tuluyan kaming makalapit sa table nila. Nanatili naman akong nasa likod nila. Nagtataka ko silang tiningnan dahil nakatayo ang lalaking customer namin sa tabi ni Nate na kausap ngayon ng aming manager. The man looked at me, pero nawala ang tingin ko sa kanya ng marinig ang sinabi ng manager. “You two can take your break. You can eat with your friends. Birthday pala nitong si Nate at inimbitahan niya kayong dalawa na samahan sila.” Our manager smiled at us. “P-po? Birthday mo Nate?” Alisha asked in shock. “Bakit hindi mo agad sinabi. Happy birthday.” mabilis na bati niya pa. Mabilis akong napabaling kay Nate na nakangiti na sa akin ngayon pagkatapos magpasalamat kay Alisha. Mabilis namang nagpaalam ang manager sa amin na agad namang pinasalamatan ni Nate. “Happy birthday.” Marahan na bati ko sa kanya. Rinig ko naman ang tilian ng mga lalaki na kaibigan niya. Nate laughed and turned to me. "Thanks, Belle." I nodded quietly and glanced at the man next to him who remained staring at me. “Oh… I want you guys to meet my cousin. This is Ali Lorenzana. Ali, this is Alisha and ... Belle. Siya yung madalas kong ikuwento sa’yo.” Nate introduce him while I look at the man in shock. Pinsan? “Lorenzana? It sounds familiar.” Alisha said but before she could add anything else. My lips parted when I remember the familiar surname. I looked up at the man in surprise. Kita ko ang pag-igting ng panga niya pagkatapos ilahad ang kanyang kamay sa aking harapan. “Ali.” Aniya habang nakatitig sa akin ang madilim niyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD