Samantha Castillo
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang ako ay nakatanaw sa bintana. Dalawang araw na lamang at sa wakas ay matutupad na rin ang isa sa mga pangarap ko sa buhay. Sa wakas ay makukuha ko na rin ang isa sa mga bagay na matagal ko ng gustong makuha. Mapapasakamay ko na rin ang aking diploma na siyang magpapatunay na malapit na ako sa aking pangarap. Ngayon pa lang masasabi kong may magandang naibunga ang paghihirap at pagtitiis ko sa mahabang panahon.
“Mukhang malalim ang iniisip mo hija.”
Nilingon ko ang pinagmulan ng tinig na iyon. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi nang mapagtanto ko kung sino iyon. “Pa, kayo po pala. Medyo nag-iisip lang po ako.”
Isang malutong na tawa ang kumawala kay papa. “Pansin ko lately ay lagi kang nag-iisip. I know I’ve been busy this past few days but I can still tell whether my daughter is thinking about something,” lintaya nito.
Busy nga si papa lately dahil abala ito sa project na kamakailan lang ay pinahawak sa kanya. Isa kasi itong engineer at kailan lang nang may kumausap sa kanya at pinagkatiwala ang isang malaking proyekto. “I was just thinking, saan kaya ako pwede mag-apply ng work after graduation?” tanong ko dito kahit alam ko na ang isasagot nito sa akin.
“That’s easy. Mag-apply ka sa kompanya ng ninong Manuel mo. Why don’t you talk to Franco and tell him about that thing? Malay mo naman, and from what I know doon din naman magtatrabaho si Franco.”
Hindi nga ako nagkamali. “Papa naman, anong aasahan mo dun sa taong yun. If I know baka abala na iyon sa pangangarera ano? Siguradong sigurado na kasi na may trabahong naghihintay sa kanya whether gumraduate siya o hindi. Masyado kasing spoiled kaya ganon.”
Iyon naman talaga ang plano ko noong una palang pero ng malaman kong doon din ang bagsak ni Franco ay nagdalawang isip na agad ako kung itutuloy ko ba ang plano kong iyon. Paanong hindi doon ang bagsak ni Franco e siya lang naman ang panganay na anak ng ninong Manuel niya.
“Bakit, nag-away nanaman ba kayo ni Franco?”
Kunot noo akong napatingin kay papa. “No, bakit naman kami mag-aaway? Ayoko lang talaga siyang makasama sa iisang lugar. Alam niyo naman sigurong makulit ang taong iyon. Lagi akong sinasama sa kapahamakan.”
“Sabagay, ni hindi nga namin kayo narinig nag-away. You’ve been friends the day you were introduced. That’s the best thing that we’ve ever done as your parents.”
“Sa tuno ng pananalita niyo papa, parang may gusto kayong ipahiwatig. Never ever do that thing.” Ayaw ko mang isipin pero sa pananalita ni papa, parang gusto niyang ipaalam na may nangyayari ng hindi naming alam.
“Ah, what would that thing be. Anyways, I gotta go Sammy,” paalam ni papa sabay sulyap sa sa kanyang relo.
“Pa, si kuya Marcus po?”
“Hindi siya umuwi kagabi. You know your brother, ginawa na niyang tulugan ang office niya sa ospital.”
“Ay ganun po ba? How about nanay Fely and Elsa? Kalian daw ang balik nila?”
“Mamayang gabi pa ang balik nila. Malayo ang Zamboanga hija.”
“I see, kung ganon po pala, ako lang mag-isa ang maglilinis sa buong bahay.”
My father just tapped my head as a sign of saying good luck. “I need to go, I have an early meeting,” huling paalam nito. He kissed me on my forehead before heading out the house.
Matapos ng pag-uusap namin ni papa ay inabala ko na ang sarili ko sa paglilinis ng bahay. Tatlong araw na kasi mula ng naglinis kami nina nanay Fely ng bahay. Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis ng may kung sinong nagtapon ng walis tambo sa akin. At dahil nakayoko ako, sapul na sapul ang ulo ko. Pagtayo ko, hindi na ako nagulat nang makita ko kung sino ang walang hiyang umabala sa akin.
“Wala ka talagang alam gawin kundi ang saktan ako ano?”
“Dahil ba sa hindi kita nililigawan kahit anong pagpapapansin ang gawin mo sa harapan ko?”
“Ako?” tanong ko dito sabay turo sa sarili ko. “Ako talaga nagpapapansin sayo? Franco Montemayor, kahit ikaw pa ang anak ng pinakamayamang negosyante sa bansa hinding hindi mo makukuha ang interest ko,” dagdag ko pa.
“Ayos lang naman kung ganon, hindi rin naman kita type,” sagot nito bago dumeretso sa kitchen.
Medyo nasaktan ako sa naging sagot nito. Pero ano nga bang aasahan kong isagot nito? Kahit naman may lihim akong nararamdaman para dito, kaibigan pa rin naman ang tingin nito sa akin. Oo, tama. May lihim akong nararamdaman para dito pero hindi na ako umaasang mapapansin niya ako, hindi bilang isang kaibigan kundi bilang isang babae.
Tinulungan pa muna nito ako sa paglilinis. Basang basa ito nang sa wakas ay natapos kami sa aming ginagawa. Ilang beses ko kasi itong pinagbuhat ng mabibigat na bagay. Pinagtapon ko pa ito ng basura dahilan para paulit-ulit niya akong murahin. Sinabay din namin ang paglalaro na akala mo para kaming mga bata na iniwan sa loob ng bahay. Mabuti na lamang at wala si kuya Manuel kung hindi sangkatutak na mura ang narinig namin.
“Siguraduhin mong masarap ang ihahain mong pagkain kung hindi ay ibibitin kita ng patiwarik,” banta nito habang tinutungo ko ang kusina.
Isang malutong na tawa ang kumawala sa akin matapos nitong sabihin iyon. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti hanggang sa narating ko ang kusina. Agad kung hinanda ang mga gagamitin kong sangkap sa pagluluto. Balak ko itong ipagluto ng paborito niyang kare-kare.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ng pumasok ito. “Matagal pa ba yan?”
“Malapit na itong maluto, umupo ka na lamang dyan at maghintay baka sabihin mo pang pinagtrabaho kita ng wala man lang sweldo o pagkain.”
Hindi ako nakarinig ng kahit ano mula dito. Ilang saglit pa ay luto na ang kare-kare. Habang hinahanda koi to ay abala naman si Franco sa kanyang cellphone. “Sino nanamang biktima yan?” taas kilay kong tanong dito.
Isang nakalolokong ngiti ang sumilay sa labi nito. “Isang kakilala,” anito sabay lapag ng cellphone niya sa gilid ng mesa. Hindi na ako nag-usisa pa dahil alam ko naman kung ano ang ibig sabihin ng “isang kalilala” para sa kanya. Hindi na bago ang ganong kataga o linyahan nito.
Napuno ng katahimikan ang apat na sulok ng kwartong kinaroroonan namin. Pareho kaming tahimik na kumakain hanggang sa naalala ko ang sinabi ni papa kanina. Kahit may pagdadalawang isip akong nararamdaman ay nagawa ko pa ring buksan ang bibig ko para magtanong.
“What are your plans after graduation?” panimulang tanong ko.
“Advance ka naman masyado. Mauuna ka pa naman ng dalawang araw sa akin ah.”
“Eh, ano naman? Masama bang malaman ang mga plano mo?”
“Nothing. Ano pa bang paplanuhin ko? My life is already planned by my parents. Alam mo naman iyon diba?” taas kilay niyang tanong sa akin.
“At kalian mo naman nasabing naplano na ang buhay mo?”
“Ewan, hindi ko rin naman alam,” seryosong sagot nito. Napapilig na lamang ako sa naging sagot nito. Muling naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Nang hindi na ako makatiis sa sobrang tahimik ng paligid ay bahagya kong binaba ang hawak-hawak kong kubyertos.
“Alam mo, lumalayo tayo sa tanong ko. Hindi ba pwedeng kausapin mo ako ng seryoso na parang yung… paano ba? Kausapin mo ako na parang ako iyong kasintahan mo. Kahit minsan pwede bang paki seryoso naman akong kausap kung po pwede?”
Bigla bigla ay napunta sa akin ang buong attensyon nito. “Okay, pagkatapos ng graduation natin papasok agad ako sa kompanya. Hindi bilang baguhan kundi bilang bagong CEO. Hindi naman lingid sayo na kahit nag-aaral pa lang ako, tinutulungan ko ang papa sa pagpapatakbo ng kompanya. Kaya ikaw, kung balak mong magtrabaho sa kompanya, ako na ang deretshang kausapin mo dahil siguradong tanggap ka na. Ngayon may gusto ka pang tanungin?” mahaba nitong lintaya.
Napahalakhak ako sa sobrang kaseryosohan nito. Kahit pa tinaasan ako nito ng kilay ay patuloy pa rin ako sa paghalakhak. Bigla lang akong napatigil ng ako ay nabululan. “Ano? Tawa pa. Makatawa ka akala mo wala ng bukas, ngayon ano ka?” sarkastiko nitong sabi.
Ilang saglit lang ay tumayo na ito mula sa kanyang kinauupuan at nilapitan ako. Inabutan niya ako ng isang basong tubigna siya namang dahan dahan kong ininom. Nang sa wakas ay nahimasmasan na ako ay saka pa lang ako nagpasalamat.
“Sa susunod, kapag seryoso akong kausap, huwag n huwag mo akong tatawanan at baka kung anong mangyari sayo. Ayokong mabalita na pumatay ng tao dahil sa sobrang kagwapuhan ko.” Inirapan ko na lamang ito bilang sagot. Bumalik naman ito sa kanyang kinauupuan at nagpatuloy sa pag-subo.
“Kumusta na pala kayo ni Gwen?” tanong ko dito ng sa wakas ay mahimasmasan ako.
“Gwen?” balik tanong niya sa akin. Tinaasan koi to ng kilay. Paanong hindi nito kilala si Gwen. Ito lang naman ang cheerleader ng school na kung umasta at manlait ng ibang estudyante ay aakalain mong ito na ang pinakamaganda sa lahat ng maganda. Nasubukan ko na rin kasi ang kasamaang ugali nito kaya hindi ko ito makalimutan.
“Ah, si Gwen? Okay naman, ngayon napagtanto ko na tao rin pala siyang marunong makaramdam.”
That being said, alam ko nang tapos na sila nito. Hindi na ako nag-usisa pa at baka mapikon pa ito sa akin. Ayaw na ayaw pa man din nitong tinatanong o kinukulit.
Maggagabi na nang magpaalam ito na uuwi. Medyo nagmamadali ito dahil may tatagpuin pa daw. Ayaw umano nitong paghintayin ang kung sinumang katagpo. Nagulat pa ako nang gamitin nito ang aking sasakyan imbes na gamitin nito ang sariling sasakyan. Hindi ko na ito napigilan sa kadahilanang nakasakay na agad ito sa sasakyan bago pa man ito makapag-paalam.
Hindi mapawi ang ngiti na kanina pa nakapaskil sa aking labi. Hindi rin mawala wala sa labi nina papa at ng kuya Marcus ang matamis nilang ngiti. By just seeing them smile because they’re proud of me makes me smile too. Mahahalata sa mga mata ng mga ito na proud sila sa anumang natamo ko. For now, this is the only thing that I can give back to them.
Ito na ang araw na pinaka hihintay ko sa lahat. Sa wakas ay matatanggap ko na rin ang aking diploma. Atlast, gagraduate na ako. I can finally work and save money. I can finally help my father and my brother sa mga gastos. I know we have enough, not just enough kundi sobra pero iba pa rin sa pakiramdam ang tumulong.
Mas lalong lumaki ang kanilang ngiti nang innannounce ng MC ang aking pangalan at malamang kasama ako sa tatanggap ng Latin Honor. This was the news na hindi ko sinabi sa kanila.
Maluha luha akong umakyat sa stage nang tawagin ako para magbigay ng speech as Magna Cumlaude.
“Good day Ladies and Gentlemen, I am Samantha Castillo. As nervous as I am standing in front of you, I am also proud to greet each and everyone for this success. Today is the day that everyone has been dreaming about. I as one never thought of graduating on time, but hey… here I am standing infront of everyone tearing up.
Throughout my stay in this school, I can say that my life changed. I met different kind of people that totally changed some of my perspective in life. I can say that I couldn’t be the person who I am today if not because of all the things I’ve experienced and met inside this place.
Today is the day for a great celebration. After all the challenges, hardships, and failures we’ve experienced, we can finally smile and enjoy for we are now closing another chapter of our life and begin to open another one. After this celebration, before you take off those clothes and make up you are wearing give time to look at yourself in front of the mirror and tell yourself ‘congratulation, you made it. I’m proud of you!’
“That being said, I would like to take this as an opportunity to say thank you to my father Nelson Castillo and my brother Marcus Castillo for always being there for me. Thank you for believing in me and teaching me on how to believe in myself. Thank you for teaching me lessons that I’ll remember for the rest of my life. You know how much you mean to me. Again thank you and have a great day!”
Nakakabinging palakpakan ang maririnig sa buong paligid matapos ang maikling speech na iyon. Sa totoo lang ay kinakabahan pa ako habang nagsasalita sa harapan ng maraming tao. Kitang kita ko naman sa mata ng pamilya ko ang saya. Iyon na siguro ang pinaka magandang sorpresa na matatanggap nila mula sa akin.
Matapos ang seremonya, agad akong nilapitan nina kuya at papa. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni papa. “I’m proud of you Sammy,” sambit nito.
“Aw, nainggit naman ako.”
Natawa naman ako sa tinuran ni kuya. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay papa at niyakap si kuya. Sa kabila ng sayang nararamdaman ko, nakaramdam ako ng kalungkutan. “Bakit parang may tinatagong lungkot iyang mata mo?” usisa ni papa.
Kitang kita ko rin sa peripheral vision ko na matamang nakatingi sa akin si kuya na halatang pinag-aaralan din ako. Napabuntong hininga na lamang ako sa tanong na iyon ni papa. “Naisip ko lang, iniisip pa ba ako ni mama? Kung alam ba niyang gagraduate ako ngayon?”
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanila. “Alam mo, huwag mo munang isipin ang tungkol doon. You see, some girls are jealous of you because you have a happy family. Don’t you ruin that,” pahayag ni papa.
My brother gave me a side hug na siyang nagpagaan sa nararamdaman ko. “Alam ko namang hindi talaga iyon ang dahilan ng pagkalungkot mo eh, you’re expecting someone right?” mapangutyang sabi ni kuya.
“Nah? Who am I expecting? Your presence is already enough for me. Kuya talaga gumagawa ka ng isyu.”
“Ah ah, children, that’s enough for now. Why don’t you go and approach some of your batch mates and friends. Go and congratulate them. Mahaba habang taon din bago kayo muli magkikita kita. We will wait for you at the car,” saway ni papa sa amin ni kuya. I gave them one last hug bago ako lumapit sa mg aka batch mates ko.
After an hour of chatting with my friends and taking a thousand selfies with them, I immediately look for my brother and father. Masaya akong lumapit sa kanila hawak hawak ang mga bulaklak na bigay sa akin ng ilang kabatch ko na kalalakihan.
“Roses from who?” puna sa akin ni kuya habang pinagbubuksan ako ng pinto.
“Ah, bigay sa akin ng ilang batch mate ko. Nahihiya daw ibigay sa akin kasi kasama ko kayo,” nakangiti kong sagot dito. Wala naman akong narinig na kung ano mula kay kuya.
Bago kami dumeretso sa bahay ay dumaan muna kami sa ospital kung saan nagtatrabaho si kuya. Kakausapin lang daw umano nito saglit ang isa niyang pasyente na ayaw umano galawin ang gamot na niresita sa kanya kung hindi ang kuya niya ang magbibigay.
Halos isang oras din kaming naghintay ni papa sa sasakyan. “Masyado ka yatang na aattach sa mga pasyente mo anak,” dinig kong sabi ni papa.
Hindi lang kasi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon si kuya ng ganong pasyente. Noong isang araw din mayroong isang batang ayaw galawin ang gamot hanngat hindi ang kuya ang mismong magbibigay.
Hindi ko na binigyan masyado ng attensyon ang pinag-uusapan nina papa at kuya. Abala na kasi ako sa paglalaro sa phone ko. Sa sobrang pagka abala, hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay. “Baba na dyan. Kanina pa naghihintay si nanay Fely at Elsa sa pagdating mo,” sabi ni kuya. Inalalayan ako nitong makababa ng sasakyan.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay ay sinalubong ako nina Elsa at nanay Fely ng mahigpit na yakap. Hindi naman ako nagdalawang isip na yakapin ang mga ito. Parang pamilya na rin kung ituring ko ang maglola. Matagal din ang mga itong nagsilbi sa amin kaya hindi na iba ang mga ito sa akin.
“Bakit hindi kayo sumama sa labas? Hindi kayo umattend sa graduation ko?”
“Naku nakong, gusto kaming isama ng papa mo pero nagkataon naman na may event sa school nina Elsa. Gusto pa sana ng kuya mo na siya ang sumama dito,” lintaya nito habang nakatingin kina papa at kuya na nasa aking likuran.
“Ganon po ba? Ayos lang po, basta nakapunta kayo sa school ni Elsa.”
“Ay, hinanda naming lahat ng paborito mong pagkain nak. May adobo, sinigang, may fruit salad, may lumpia at marami pa,” natatawang sabi ni nanay Fely sa akin.
“Naku nay, nag-abala pa kayo. Pero salamat po. Magpapalit lang po muna ako ng damit bago kumain,” sagot ko dito.
Halos isang oras din ako sa kwarto ko. May ilang messages pa kasi akong natanggap mula sa mga malalapit na kamag-anak. Parang lahat ng naipong pagod sa aking katawan ay nawalang bigla dahil sa mga pabating natanggap ko. Hindi pa sana ako baba kung hindi lang ako kinatok ni nanay Fely.
“Ang tagal mo namang magpalit ng damit hija,” puna sa akin ni papa nang makarating kami ni nanay Fely sa hapag kainan.
“Sorry po papa kung naghintay kayo ng matagal. Sinagot ko po muna kasi ang mga pabati nina tita Celis.,” maikli kong sagot dito. Tinanguan ako ni papa bilang sagot.
The room was filled with laughter as we are eating meals. My father didn’t stop telling stories about my childhood. Hindi daw umano ito makapaniwala na ang princess ng buhay niya ay isa ng ganap na dalaga. Ganun din sina kuya, Elsa at nanay Fely. Hindi sila tumigil kakasabi kung gaano sila ka proud sa akin at sa mga achievements ko sa buhay. Balak pa nga daw umano nila na magpaparty sa araw na iyon pero alam nilang iba ang gusto ko. Yes, we do have money pero alam nilang mas gusto ko ng private celebration kaysa sa gumastos pa kami.
Ang masayang kwentuhan ay tinuloy namin sa likod bahay. Gusto daw umano ni papa na magpahangin. Wala namang tumutol sa amin. Hatinggabi na nang napag-usapan ng lahat na magpahinga.
I rolled over in bed, opened my eyes and entangled myself from my blanket. I smiled as I listen to the birds chirping outside my room. I dropped my feet on the floor and headed to open my door. As soon as I opened the door, I found my friend Franco standing infront of me. “I was about to knock when you harshly opened your damn door,” he said as I was looking at his hand hanging on air.
Without waiting for me to say something, he stepped into the doorway and flopped down on my bed. It was his usual manner.
“What can I do for you?” I remarked.
“To congratulate you?”
“Thank you,” I replied without even smiling.
“Stop wearing that kind of face.”
“So anong gusto mong gawin ko? Myghad Franco, I was expecting you to be there? And tell me exactly, where were you? Ni ha o ho wala man lang akong natanggap? Busy masyado? And to think that your graduation is also approaching? Ano bah?” inis kong sabi dito. I was just upset. Hindi lang kasi ito ang araw na hindi nito tinupad ang pangako nito.
“Kailan ka lang sisipot sa akin ah? Kapag nanaman ba may problema ka? Ano ba ako para sayo, tambakan ng problema?” dugtong ko pa dito.
“Look, I’m sorry. Nakipag meet lang kasi ako kay Mandy.”
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. I remained silent for several long seconds. Hindi na ako nakapagsalita pa. Alam ko naman kung sino si Mandy sa buhay nito. She was his first girlfriend. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang relasyon nila.
Mandy was our school’s former cheerleader. Kaibigan niya si Gwen na siya ring pumalit sa kanya. Kung gaano kasama ang ugali ni Gwen ay sumobra naman kay Mandy. Nakaranas na nga ako ng panglalait mula dito. Minsan ay palihim akong sinasaktan ng mga ito. Even if I can fight back, hindi ko iyon ginawa out of respect sa relasyon nila ni Franco.
Ngunit mas lalo lang nila akong sinaktan at ginawan ng masama nang malaman nilang malapit kami ni Franco sa isa’t isa. There was this time that they found out that I am on top of the class list kaya sinira nila ang project ko just because they wanted me to fail. Hindi iyon nalaman ni Franco dahil nasa kabilang Department ito.
“Atleast… you could have texted me. Hindi yung pinaghintay mo pa ako.”
“That’s why I’m here. I woke up early just to see you and atleast make up with you. Alam ko namang may kasalanan ako sayo.”
Naupo ako sa gilid ng aking kama at hinarap si Franco. “After a year nakipagkita sayo si Mandy? For what reason?”
Franco remained silent for a while. I heard him exhaled heavily before saying something. “Gusto niyang ayusin namin ang nasimulan namin. Narealize daw niya na hindi niya kayang itapon na lang basta basta ang apat na taong relasyon naming.”
“One year kayong hiwalay. You even dated a lot of girls in just what?... One year? You even dated one for her bestfriends. Umalis lang siya papuntang US.”
“I don’t know. Pero alam mo namang-“
“Yah, yah… I know. Alam ko namang siya lang ang babaeng minahal mo ng sobra. I know Franco pero huwag mo din sanang kalimutan ang dahilan kung bakit ka niya iniwan. Gusto mong sabihin ko?”
I didin’t even let him open his mouth to say something. “She cheated on you. Ang masaklap pa-“
“Okay, that’s enough. Tama na. Okay, alam kong mali pero can you atleast just support me. We just want to try again. Give a try on our relationship. Malay mo naman, kaya siya bumabalik ay dahil kami naman talaga ang para sa isa’t isa.”
Para akong nabuhusan ng isang timbang tubig sa mga sinabi nito. Nagawa nitong mapatawad si Mandy Aragon sa kabila ng kasalanan ng babae. Nagawa pa nitong sabihin na ito ang babaeng para sa kanya.
Masakit. Masakit para sa akin na marinig ang bagay na iyon mula sa kanya. Masakit dahil hindi lang isang kaibigan ang turing ko sa kanya. Alam kong mali pero hindi ko mapigilang makaramdam ng pagmamahal sa kanya. Sa sinabi nito, nawalan ako bigla ng pag-asa na balang araw ay mapapansin din niya ako hindi bilang isa lamang na kaibigan.
“Okay. But, if Mandy will cheat on you again, I’m telling you. Never ever ask me to stay beside you. Huwag na huwag kang lalapit sa akin at sabihing nasaktan ka dahil sa pangalawang pagkakataon ay niloko ka,” sagot ko naman dito.
Ako ang witness sa pagmamahalan nina Franco at Mandy. They are the perfect couple sa campus noong araw. Marami ang naiinggit.
“Okay, sure naman akong hindi na mangyayari ang bagay na iyan. I know Mandy is matured enough to realize her mistake. Anyways, I’m here to make up with you. Magpalit ka at punta tayo ng mall. Libre ko,” nakangiti nitong sabi.
Wala akong nagawa kundi ang ngumiti. Atleast alam kong mahalaga ako sa lalaking ito. Kahit papaano ay binibigyan ako ng oras at pinapasaya hindi bilang isang babae kundi bilang isang kaibigan.