Samantha Castillo
My desktop is already filled with incoming emails from different departments. Today we are asked to present the companys financial statement. I am the head of the companys Accounting Office.
I placed my pen on top of my table as I was done with the last note. I placed the note on top of the tidy pile of notes. “Okay guys, I’m ready to present the Financial Statement to our Board.
“Ayos, sa wakas pwede na kaming magpahinga. What would we do if you’re not our team leader. Naku, baka kung ano na ang mangyayari sa departamento natin,” sabi ni Ellaine, isa sa mga kasamahan ko sa office, na sinang ayunan naman ng tatlo pa naming kasama. Ngiti lang ang sinagot ko dito bago ako muling naupo sa aking upuan.
Mag-iisang buwan na mula ng makapasok ako sa kompanyang ito. Two days after my graduation ay nagreview ako para makapag board. Dahil sa kagustuhang makapasa on my first take, nagpursigi ako sa pagrereview. At hindi naman ako nabigo. Hindi man ako ang top notcher sa CPA board exam atleast ako ang number two. My family was really proud of me. Sa sobrang saya nila ay nagpaparty sila. Hindi ko na sila napigilan pa.
One month later after I had my license ay agad akong lumapit kay ninong Manuel. Hindi naman niya ako binigo. Ang ninong Manuel ang tumulong sa akin para mapunta ako sa posisyon ko ngayon.
Natigil ako sa pagmumunimuni ko nang tawagin ni Ellaine ang pangalan ko. Pag-angat ko ng mukha ko, sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Ada ang secretary ni Franco. “Ma’am Samantha, pinapatawag po kayo ni sir Franco sa office niya.”
“Bakit daw? Bakit naman hindi nalang niya ako tinawagan. Bakit ikaw pa ang pinapunta niya dito sa kalagayan mong iyan?” tanong ko dito habang nginunguso ang maumbok niyang tiyan. Sa pagkaka alam ko kasi, mag-aanim na buwan ng buntis si Ada kaya ang akala ko ay magpapahinga muna ito o magleleave.
“Hindi ko po alam. Trabaho ko po ito at baka busy nanaman siya. Kinakausap nanaman po ata si ma’am Mandy.”
Halatang hindi nito gusting banggitin ang pangalan ng babae. “Bakit ka naman nakasimangot dyan aber?” natatawa kong tanong dito.
“Aba sinong hindi sisimangot kapag naririnig o nasasambit ang pangalan ng babaeng iyon? Sa tuwing pupunta lang naman dito akala mo kung sino, hindi naman siya asawa ni sir pero kung umasta akala mo kung sinong nagmamay ari ng kompanya,” sagot ni Dina, ang baklang kasama naming na akala mo ay busy sa ginagawa pero wala naman talagang ginagawa.
Natawa na lamang ako sa tinuran nito. Agad namang sinang-ayunan ng mga kasama naming ang sinabi niya. Kahit siguro ako, ganon din ang magiging reaksyon. Mula kasi ng pumasok ako sa kompanyang ito, nasaksihan ko kung paano umasta si Mandy. Minsan kapag wala si Franco ay inuutusan nito ang ilang empleyado para pagsilbihan siya. Kung susuwayin man ang kanyang utos ay magmamaktol at gagawa ng kwento para lang mapasama ang empleyado. Ang uto-uto namang si Franco, lahat ng isusumbong sa kanya ng kasintahan pinaniniwalaan. Naranasan ko na din ang ganitong ugali ni Mandy pero hindi ko hinayaang maging superior siya sa akin.
“Ano daw bang kailangan niya sa akin?”
“Hindi ko rin alam, basta ang sabi tawagin daw kita.” Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa utos.
“Kailan lalabas ang bata?” tanong ko kay Ada habang naglalakad patungo sa opisina ni Franco.
“Sa Setyembre pa naman pero gusto na ng asawa ko na magpahinga ako. Next week nga ay hindi na ako papasok. Maternity leave. Okay naman kay sir, baka kung mapaano pa daw ako,” mahaba nitong sagot.
“Mabuti pa nga. Kung ganon kailangan ni Franco na maghanap ng pansamantalang secretary niya?”
“Kailangan,” maikli nitong sagot. Sakto namang nasa harapan na kami ng opisina ni Franco.
“Paano, hindi na kita sasamahan sa loob,” sabi pa nito sa akin.
“I’ts okay, I can handle this from here. Si Franco lang naman iyan,” natatawa kong sabi bago kumatok ng tatlong beses sa pinto ng opisina ni Franco. I heard him say ‘come in’ kaya pumasok na ako.
Itinuro niya ang upuan sa kanyang harapan at tinapos muna nito ang usapan nila ng kanyang kausap sa kabilang linya. Taas kilay koi tong tinitigan nang sa wakas ay ibaba nito ng ang kanyang cellphone. “Be my secretary,” deretsang sabi nito.
“Okay-“
Ni hindi man lang nito ako pinatapos sa aking sasabihin ng muli itong magsalita. “I need someone who is competent enough. Iyon bang kasing competent ni Ada sa trabaho. Maghahire sana ako but it was just a waste of time. Total nandyan ka naman, why not ikaw na lang?”
“Nasabi mo ba ito kay Mandy?”
Kunot noo niya akong tinitigan. “Why would I inform her about this thing?”
I snorted a laugh. “Bakit hindi? Hindi ba’t siya ang may say sa lahat ng plano mo?”
“I don’t want the way you talk about her infront of me.”
Imbes na matakot sa sobrang kaseryosohan ng mukha nito ay natawa pa ako. Bakit hindi ako matatawa, talagang nabihag nga ito sa ganda ni Mandy na kahit alam niyang may gusto akong ipahiwatig ay mas pipiliin nitong isara ang tenga.
“To tell you what, nasa office tayo.”
“Oopps, Oo nga pala. It is actually against the companys code to talk about Mandy inside the office,” natatawa ko pa ring sabi.
“So what can you say about what I’ve said?”
“Kung wala na talagang choice, okay, fine. I’m very much okay with that basta mataas sweldo ko. May pinaghahandaan yata ako,” natatawa kong sabi.
“Sa ganyan ka magaling, but, fine taasan natin sweldo mo,” natawa na rin nitong sabi.
We ended the conversation as friends. Minsan nga kung wala naman akong gagawin ay tumatambay ako sa opisina niya. Hindi naman nagtaka ang ibang empleyado dahil noon pa mang hindi pa kami nagtatrabaho dito ay nakikita na nila kaming magkasama na pumapasok sa kompanyang ito. May ilan nga lang empleyado na nagsasabing mas tanggap pa daw nila kung ako na lang ang kasintahan ni Franco dahil kilala at alam nila ang pagkatao ko. Over all, wala naman akong naririnig na masama mula sa kanila. I just don’t know if they’re stabbing me behind my back. But ofcourse just expect the un expected.
Paglabas ko pa lang ng opisina ni Franco nang makasalubong ko si Mandy. I smiled at her. Instead of smiling back ay inirapan pa ako ng luka. I just ignored it and turn towards Ada’s place. I threw her a smile that she immediately returned back.
Hindi pa ako nakakalayo nang tawagin ako ni Mandy. “Ginawa mo nanamang tambayan ang opisina ni Franco ano?”
I turned to face her. “Ah, yes actually. And sorry kung ayaw mo, I fogot, he is sharing his office with you.”
Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata nito but eventually she still managed to smile. “Ah, that’s definitely okay with me. Alam ko namang kaibigan ka niya. And actually mas relax ako kung ikaw ang pumapasok sa office niya, alam kong babantayan mo siya para sa akin.” Hindi ko alam kung may ibang ibig sabihin ang sinasabi niya pero mas pinili kong ngumiti na lamang. That’s the easiest way to answer what she said.
Hindi na niya nahintay ang sasabihin ko pa sana kung meron man dahil tinalikuran na lamng niya ako at basta na lamang pumasok sa loob ng opisina ni Franco. Isang nagtatakang Ada ang sumalubong sa akin nang balingan koi to ng tingin. Kibit balikat na lamang akong umalis sa lugar na iyon.
Agad namang lumapit sa akin si Ellaine nang makaupo ako sa aking swivel chair. “So anong nangyari doon sa pinuntahan mo? Anong napag-usapan niyo ni sir?” excited nitong tanong.
“Nakasalubong mo ba si Mandy? Nakita naming siya kanina? Ano, may sagutan bang nangyari?” tanong pa ni Mica, isa rin naming kasamahan.
“Hay naku, takot kayo sa babaeng iyon? Swerte niya wala pa siyang nadadali sa atin dito,” sabi naman ni Dana.
“Sinabi mo pa, hindi lang talaga kasi iyon nakakaharap ng kasing pangit ng ugali niya,” dugtong pa ni Lisa.
“Naku, kayo talaga. Kung anu-ano nanamang bagay ang naiisip niyo laban sa taong iyon. Pwede bang patahimikin niyo na lamang siya. Nanahimik na iyong tao eh,” pabiro ko namang sabi na tinawanan naman nilang lahat. Para ko daw pinatay itong tao sa paraan ng pananalita ko ayon kay Dana.
After that conversation, we made ourselves busy. Tinapos namin ang dapat na tapusin. Sa sobrang abala naming sa trabaho naming ay hindi naming namalayan ang oras. Oras na pala kumain. Good thing dahil naalala ni Franco na daanan ako sa office upang ayaing kumain. It’s the usual thing for him.
Tinanggihan ko naman ang alok niyang iyon dahil kasama niya si Mandy. Mas pipiliin ko pa na makasama ang mga kasamahan ko kaysa ang babaeng iyon sa iisang table. Ano na lamang ako kapag sumama sa kanila? magmumukha akong third wheel?
Saktong alas syete ng gabi ng makarating ako bahay. Wala pa sina papa at kuya Marcus.Tanging sina nanay Fely at Elsa ang nadatnan ko. Mas maaga akong nakauwi kaysa nakagawi an ko. Kung dati ay alas nwebe na ako nakakauwi dahil sinasama pa ako ni Franco sa iba pa niyang lakad, iba ngayong araw na ito dahil magkasama sila ni Mandy. Naintindihan ko naman iyon. And, normal na sa akin ang bagay na iyon. I really don’t want to interfere sa relasyon nila kahit pa sabihing may lihim akong pagtangi kay Franco. I don’t want to be the reason for their relationship to fail. Iba ako sa ibang babae na kapag may gusto sa isang lalaki ay hala sige kung gumawa ng paraan mapasakanila lang ang lalaking iyon.
Franco Montemayor
Pagpasok ko pa lamang sa opisina ay agad akong sinalubong ng secretary ko ng balita na kailangan na niyang magleave. Ayon dito, gusto na umano ng asawa niya na magpahinga siya sa trabaho. Naintindihan ko naman iyon, kaligtasan at kalusugan na ng tao ang usapan. Dahil dito mapipilitan akong maghanap ng bagong secretary na pwedeng pumalit sa kanya. Ang problema may parating akong bagong project, at kailangan ko kaagad ng kapalit nito. Mahaba-habang proseso pa kung maghahanap ako ng bago.
I leaned back on my chair and close my eyes. Kulang kasi ako sa tulog. Kadarating ko lang kasi kaninang hating gabi mula sa dalawang araw na business meeting ko from Korea. Makukuha ko na sana ang tulog ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Si Mandy. I immediately answered the phone call. “Hey Babe.”
“Iyan lang ang sasabihin mo sa akin? When did you arrive? Wala ka man lang bang sasabihin sa akin? Sa kapatid mo pang si Chloe ko malalaman ang tungkol sa pagdating mo? O baka naman, kay Samantha ka nanaman nagsabi na nakauwi ka na?” sarkasitiko nitong sabi.
“Babe easy, kilang ako sa tulog okay. Hindi na kita na inform dahil alam kong tulog ka pa sa oras na dumating ako. Can you not jump into conclusion?”
“So ako na ngayon ang mali? Bakit, si Samantha ba gising na gising sa oras na dumating ka?”
“Can you please stop mentioning her name? Ni hindi nga niya alam nan aka uwi na ako.”
Bigla namang natahimik si Mandy sa kabilang linya. Napalakas yata ang boses ko dahilan para matahimik ito bigla. That’s when she changed the topic. Nag-umpisa nanaman ito sa pagkukwento ng tungkol sa kanyang trabaho. Isa kasi itong model sa isang kilalang Magazine.
Ginugol ko ang oras ko sa pakikipag-usap at pakikinig sa mga wala namang kabuluhang kwento niya. Yes, her stories are nonsense pero girlfriend ko kaya hindi ko naman masabi sabi na nonsense ang sinasabi niya. Kung iba sigurong babae ito ay baka pinalabas ko na ito ng opisina.
Nang ibinaba na ni Mandy ang linya saka pa lang ako naka isip ng ideya para masulosyunan ang problema ko. I used the intercom to talk to my secretary. “Sir?”
“Ada, pwede mo bang puntahan si Samantha. Tell her that I need her presence in my office right now. Thank you.”
“Yes sir.”
I was about to lean on my chair again when my phone rang. Agad ko naman itong sinagot nang maikta ko ang pangalan ni Mandy sa screen. She was just talking about how she was treated sa isang mall. Gusto daw sana nitong turuan ko ng leksyon ang manager ng store na iyon. But ofcourse, I don’t want to spoil my girl. Hindi na lamang ako umimik.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako makarinig ng katok mula sa pinto. “Come in.”
Nagbukas ang pinto at pumasok mula doon si Samantha. Minuwestra ko ang upuan sa harapan ko to give her permission na maupo. “Mandy, I need to talk to someone, you would’t mind if I cut this call right?”
“Ugh, okay. Pupuntahan kita dyan. Wala naman akong ginagawa dito sa condo ko,” sagot nito matapos akong babaan ng linya.
“Be my secretary,” agad kong sabi dito.
“Okay-“
Hindi ko na pinatapos ang kanyang magiging sagot. Alam ko naman na hindi niya din naman gusto ang offer ko. I know the pride that she has. “I need someone who is competent enough. Iyon bang kasing competent ni Ada sa trabaho. Maghahire sana ako but it was just a waste of time. Total nandyan ka naman, why not ikaw na lang?”
“Nasabi mo ba ito kay Mandy?”
Kunot noo koi tong tinitigan. Ano naman ang koneksyon ni Mandy sa usapan. “Why would I inform her about this thing?”
She snorted a laugh. “Bakit hindi? Hindi ba’t siya ang may say sa lahat ng plano mo?” sabi nito. Hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi. Hindi yata’t may gusto itong ipahiwatig.
“I don’t want the way you talk about her infront of me.”
Imbes na matakot sa kaseryosohan ko ay tumawa na pa ito. Ito lang yata ang taong hindi ko kayang sindakin. Lahat ng taong makakakita sa seryoso kong mukha ay natatakot at umaalis sa harapan ko pero iba si Samantha. Kahit si Mandy hindi nakakayanan ang pagiging seryoso ko. She would always choose to shut up than to say something or even laugh. “To tell you what, nasa office tayo.”
“Oopps, Oo nga pala. It is actually against the companys code to talk about Mandy inside the office,” natatawa pa rin nitong sabi. Hindi ko na lamang ito pinansin. Kapag ganon ang eksena, ako na ang umiiwas at baka kung ano nanamang kapilosopuhan ang marinig ko mula dito.
“So what can you say about what I’ve said?”
“Kung wala na talagang choice, okay, fine. I’m very much okay with that basta mataas sweldo ko. May pinaghahandaan yata ako,” natatawa nitong sagot.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nitong pinaghahandaan nito pero wala akong choice kundi ang pagbigyan ito. Minsan lang naman ito humingi ng pabor sa akin compared to those favor na nahingi ko na sa kanya.
“Sa ganyan ka magaling, but, fine taasan natin sweldo mo,” sabi ko na lamang. I can see happiness in her eyes. Sigurado nga na may pinaghahandaan ito. Kung anuman iyon, sigurado akong malaking bagay iyon para sa kanya. Minsan lang naman kasi ito magplano at kung may plano man ito siguradong kakaiba at sobra sa inaasahan. That’s how this person thinks. I’m thankful na nabigyan ako ng pagkakataon na makilala at maging party ng buhay niya.
Nagkwentuhan pa kami nito bago nito naisip na magpaalam.
I was reading some files on my table when my door suddenly opened. “May nakalimutan ka nanaman ba?” tanong ko ng hindi nag-aangat ng ulo para Makita kung sino ang pumasok.
“Wala naman. Bakit hinayaan mo nanamang tumambay ang babaeng iyon dito sa office mo? Empleyado mo lang siya Franco. Hindi k aba natatakot nab aka dahil sa pagtambay niya dito ay mapikot ka niya or manakawan ka niya?”
Doon lamang ako nag-angat ng ulo. Isang galit nag alit na Mandy ang sumalubong sa akin. Thanks God the room was sound proof. No one can hear every single word that comes ot her mouth. “Can you stop thinking nonsense things about her. Mali naman yata na pagsalitaan mo ng masama si Samantha ng ganyan. We’ve been friends for a long time and never niya akong ginawan ng pamimikot o pagnanakaw. To tell you what my family even trust her than any other girl around me,” mahaba kong depensa.
Hindi naman sa mas pipiliin ko pa si Samantha but I know her. She’s more than a friend. She’s a family.
Bigla namang namula si Mandy sa sinabi ko. I don’t know kung bakit ganon ang reaksyon niya in the first place. “I was just worried. Alam naman nting pareho na may gusto saayo si Samantha right?”
“Nah? You see, Mandy you are overthinking. Hindi ako gusto ni Sammy. Can you stop thinking like an immature child?” sagot ko dito.
Medyo nakakaramdam na ako ng pagkainis sa mga sinasabi niya laban kay Samantha. I will never tolerate anyone talking nonesense about her. Ako ang mas nakakakilala sa kanya kaya alam ko kung ano at hindi kayang gawin ni Samantha.
“Okay, will you stop siding her now. You’re making me think na may namamagitan sa inyo.”
Napabuntong hininga na lamang ako sa tinuran niyang iyon. Minsan talaga ay may pagka immature si Mandy. Though ganito ang ugali ni Samantha minsan, atleast mas naiintindihan ko pa. hindi ganito na kung anu-ano ang pinagsasabi. Napaka selosa niya.
“I’m not siding her. I’m just telling you what I think is the truth. And please, leave my life there. Our friendship is something that you cannot explain. Okay?”
“Okay, sorry for thinking nonsense. Alam kong mali ako kaya sorry.”
Wala akong nagawa kundi ang lumapit dito at yakapin ng mahigpit. That’s the cue for her to tell stories again. And as a good boyfriend, wala akong nagawa kundi ang makinig sa kanya.
I spend my time reading some of the files given to me, answering mails and listening to my girlfriend’s rants and stories. Dahil sa sobrang pagka busy, hindi ko namalayan ang oras. Kung hindi nagreklamo si Mandy sa sobrang guto ay malamang abala pa rin ako sa ginagawa ko.
Bago kami lumabas ng opisina ay kinausap ko muna si Mandy na daanan naming saglit si Samantha sa opisina nila. “Do we really need to eat with her?” tanong nito na hindi maitatago ang pagkainis sa kanyang tono.
“Laging siya ang kasama ko sa tuwing lunch na wala ka. At isa pa, nakasanayan ko naman na rin na kasama siya.”
“Okay fine, ano pa nga bang magagawa ko. Kaibigan mo nga naman,” sagot nito.
Dumaan nga kami sa opisina nina Samantha at tama nga ang hinala ko na busy nanaman sila ng team niya sa kanilang trabaho. Araw-araw na lang, ganito ang nadadatnan kong eksena sa kanilang opisina. Kung hindi siguro ako dumadaan sa pwesto nila ay malamang sa malamang tuluyan nilang makakalimutan ang oras.
Nginitian pa ako ng mga kasamahan niya sa opisina. Sanay na sanay na ang mga ito sa aking presensya. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng mga empleyado ko na magkaibigan kami ni Samantha.
“Join us for lunch,” nakangiti kong pag-imbita kay Samantha.
“Sige lang Franco, samahan ko nalang sila sa lunch,” sagot naman ni Sammy sa akin habang nginunguso ang iba pang kasamahan.
“I see. Mauna na kami kung ganon,” nakangiti kong sabi. Mandy smiled at them.
“Buti naman hindi siya sumama. Bakit pa kasi siya sasama eh alam naman niyang kasama mo ako. Napaka inconsiderate naman niyang kaibigan,” sabi ni Mandy ilang metro lang ang layo naming sa opisina nina Samantha.
Hindi na lamang ako nagsalita para hindi na humaba ang usapan. Hindi ko alam kung bakit napakainit ng dugo ni Mandy kay Samantha gayong wala namang ginagawa ang kaibigan ko laban sa kanya.
“Where would you want to go for lunch?” tanong ko dito habang pasakay kami elevator.
“Hmm?... My favorite resto. I want to eat Japanese food.”
“I see.”
Hindi na ako bumalik pa sa office after naming kumain ni Mandy. Isinama kasi ako nito sa mall para maghanap ng damit na gagamitin niya sa susunod niyang photoshoot. Hindi naman ako makatanggi dahil sa ayaw kong iyon ang pagmulan ng hindi namin pagkakaunawaan.
Madilim na nang ihatid ko ito sa kanyang condo. Gusto pa sana nitong doon ako matulog pero tumanggi na ako. Hindi ko pa kasi nasusubukang matulog sa condo nito. Medyo hindi nito nagustuhan ang desisyon ko pero sa huli ay wala na rin itong nagawa.
“I gotta go. May aayusin pa akong files.” Paalam ko dito.
“Oh okay babe. Ingat ka sa pagmamaneho,” sagot nito bago ako halikan sa pisngi. I gave her a smack kiss on her cheek before exiting.
Dederetso na sana ako sa pagmamaneho nang may madaanan akong isang bakery. Itinigil ko ang sasakyan sa parking area ng bakery. Agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob. Napangiti ako ng makita ko ang hinahanap ko. “Can I have the vanilla flavor.”
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng nagtitinda. Wala pang ilang minuto ng i abot ng nagtitinda sa akin ang pinamili ko.
Agad din naman akong umalis sa lugar na iyon at dumeretso sa bahay nina Samantha. Lampas alas otso na ng marating ko ang bahay nila. Tanging sina tito Nelson at kuya Marcos ang naabutan ko sa sala na seryosong nag-uusap.
“Late at night?” tanong ni kuya Marcos.
“Well, I just want to see Samantha. May dala nga pala ako para sa kanya,” sagot ko dito. Sakto namang lumabas mula sa kusina si nanay Fely. Agad naman ako nitong binati.
Iniabot ko dito ang dala-dala kong cake na dinala naman niya sa kusina. Pagkatapos nitong madala ang cake sa loob ay nagdala naman ito ng kape para sa aming tatlo. Nakipagkwentuhan pa ako kina tito Nelson at kuya Marcus. “Balita ko may proyekto ka sa Baguio tito?” tanong ko kay tito Nelson.
“Yes, noon pa sana nila gusto ipahawak sa akin ang proyekto but I’ve been busy this past few months. Ang akala ko nga ay ibinigay na nila sa iba but look, they really waited for me.”
“They really trust you that much.”
“How about you? Balita ko, inaalok mo daw si Sam na maging secretary mo?” bigla ay tanong ni Marcus.
Umunom muna ako ng kape bago ko ito sinagot. “Ah, yes. Aalis muna kasi pansamantala ang secretary ko. Gusto daw ng asawa nitong magpahinga siya.”
“Sabagay, baka nga naman makasama sa bata ang pagtatrabaho niya. Baka sayo pa isisi ang kasalan kung sakaling may mangyari nga sa bata,” turan ni Marcus.
Marami pa kaming nagpa-usapan. Maliban sa trabaho, napag-usapan din namin ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Marcus. Hindi pa daw umano nito nababanggit kay Samantha ang tungkol sa bagay na iyon at baka kung anu-ano nanaman ang maisip ni Samantha.
“Speaking of Samantha, pupuntahan ko muna siya sa kanyang silid. Kung pwede, at kung papaya kayo.”
Marcus rolled his eyes. Kahit naman hindi ako mag-paalam ay nakakapasok ako sa kwarto ni Samantha. “Puntahan mon a, huwag ka lang gagawa ng kalokohan,” natatawang sabi ni tito Nelson sa akin. Marcus stood from his seat and gave me a brotherly tap on my shoulder.
Bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Samantha kaya medyo kita kung ano ang kanyang ginagawa mula dito sa labas. She is still busy working on that business proposal na inemail ko sa kanya noong isang araw. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at hindi nga niya naramdaman ang pagpasok ko. I used my hand to cover her eyes. “Franco, take your hand off my eyes will you?”
Agad ko naman tinanggal ang aking kamay mula sa pagkakatakip sa mata nito. “You are still working with that proposal?” I asked her before I flopped down on her bed.
“Ano bah?” inis nitong sagot sa akin.
“Sorry, gabi na kasi. Ipagpabukas muna iyan. Hindi naman ako nagmamadali masyado. Pwede naman nating pagtulungan iyan.”
Bigla ay humarap ito sa akin at hinawakan ang aking noo. Sinigurado pa nitong mahahawakan niya ang aking leeg. “Nilalagnat ka yata?”
“Nope. Totoo nga. Hindi ako nagbibiro.”
Hindi na ito sumagot. Inayos na lamang niya ang kanyang laptop. She sighed and sat down at the edge of the bed. “Nandito ka nanaman, alam ba ni Mandy na nandito ka?”
“Nope, and she doesn’t need to know.”
“Aba? Kung awayin ako non? May magagawa ka?” she asked sarcastically.
“Ewan ko sayo,” sagot ko dito bago ko ihagis sa kanya ang unang hawak hawak ko. Sapul ang kanyang mukha sa ginawa ko.
“Ah ganun?” inis niyang sabi bago damputin ang isang unan at ihagis sa akin. Hindi na ako umulit at baka palabasin ako bigla sa kanyang kwarto. Nakaramdam na din ako ng pagod.
May sinasabi pa ito pero nawalan na ako sa concentration. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Ang huli kong naalala ay ang pagpasok ni Samantha sa banyo.