Chapter 41 *UNTITLED *Euphemia's POV Yes! Sa wakas! Christmas Vacation na. Ang tagal ko ding hinintay ang araw na to ha? Hahaha. Napagdesisyunan kasi namin ni Lelouch na magspent ng Christmas Vacation sa ibang bansa. Pupunta kaming Korea. Maga'out of the country kami. Lalayo muna kami dito sa Manila. Masyado atang masikip ang lugar na to para saming tatlo nila Trake, ako, at ni Lelouch. Napagalaman ko kasing nagsuntukan si Trake at Lelouch nung isang araw. Sinabe sakin ni Nanalie dahil sya daw ang nakakita sa dalawa at umawat. Kaya pala may mga sugat at pasa ang mukha ng asawa ko. Napabuntong hininga na lang ako. Ewan ko ba. Simula ng bumalik dito si Trake, nagkakagulo na kami. Parang hindi ata maganda na bumalik pa sya dito eh. Honestly speaking, masama ang kutob ko sa pagbabalik nya.

