Chapter 42 *UNTITLED *Lelouch's POV "Euphemia magpadala ka na kasi sa Hospital. Nag-aalala na ko sayo eh." Yamot kong sabe kay Euphemia na kasalukuyang nakahiga sa kama at namumutla. Nakatayo ako sa harapan nya. Muli na naman syang umiling na lalong ikinayamot ko. Naiinis na naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko. "Damn it! Bakit ba ayaw mong magpadala sa Hospital?" Mahina at kalmado lang ang boses ko pero mahahalata mo ang iritasyon. Kanina ko pa kasi sya pinipilit na pumunta kami sa doctor pero sya ang may ayaw. Nagsusuka kasi sya at nahihilo. Kanina pa. Pagkagising na pagkagising pa lang nya eh nahihilo na daw sya at nasusuka. Nagising nga ako dahil sa narinig kong pagsusuka nya sa banyo eh. "I'm ok Lelouch. Baka nasobrahan lang ako sa paggagala o kaya nahamugan kagabe. O baka nah

