CHAPTER 1
Inikot ko ang aking mga mata sa buong opisina na aking pinasukan. Lumipat ang aking tingin sa family picture na naka-hang sa gitna ng wall.
"Ay, wow! Grabe ang bongga naman ng office ni Madam Joy. Ang ganda talaga." Napatingin ako doon sa customized na kulay gold na swivel chair. Ano kaya ang feeling ng nakaupo doon? Siguro masarap sumandal habang nag-iisip ng kung ano-anong plano about the company. Tapos kapag may pumapasok ay iikot ako paharap. Pak na pak talaga ang imagination ko.
Tumayo ako at lumapit doon sa may picture frame.
"Ang pogi naman ng asawa, kamukha ng anak. Sana all!"
Maglalakad pa sana ako doon sa kabilang estante na may naka-display na maraming frames ng makarinig ako ng yabag mula sa labas. Agad akong bumalik sa kinauupuan ko. Makakahiya naman na maabutan ako ni Madam na nakikiusyuso sa mga displays niya rito. Baka isipin niyang pakialamera pa ako. Eh, usyusera lang naman ako. I giggled with my own thoughts. Pumormal lamang ako ng marinig ang pagbukas ng pinto.
"Hi, good morning! You must be Clarissa Olsen? Ang aga mo naman." Nakangiting bati sa akin ni Madam na ikinatayo ko naman habang kipkip ang expandable plastic envelope na kinalalagyan ng mga requirements ko.
Ipapasa ko na lahat ng mga requirements ko today para next week, i-deploy na ako ni Madam Joy sa magiging amo ko. I am so excited and I cannot hide it!
Ngunit bago pa man ako tuluyang makatayo ay sinenyasan na niya akong umupo.
"Hi, Madam! Gandang morning din po! Tapos ko na po kasi ayusin lahat kahapon kaya maaga po ako today, ipapasa ko na po." Masiglang tugon ko rito.
Na-mesmerize naman ako kay Madam Joy. ‘Yun ganda niya deep within, nagraradiate mula sa loob. Ang kwento sakin ni Maria, dati din daw 'atsay' si Madam Joy. Tapos naging amo niya si Sir Flavio, ayun nagka-inlovan, the rest is history. Sorry guys, it's not my story to tell, may sarili silang book, basahin niyo na lang din -- este may sarili silang love story na sila dapat ang mag-kwento.
Ang pinaka-importante doon sa story ng buhay pag-ibig ni Madam Joy ay nakapagpatayo ito ng employment agency kung kaya marami siyang natutulungan na kagaya ko. Gaya namin ng bestfriend kong si Maria, na ngayon ay nagtatrabaho na sa isang exclusive subdivision. At naniniwala din akong doon din ang bagsak ko after this. Balita ko kasi ay mga bigatin talaga ang client ng Atsay Agency.
"I see. Oh, I almost forgot! Kilala mo na ako, right? Silly me, I'm Joy Romualdez. Alam mo ba dati din akong katulong? Gaya niyo din ako before but I am proud of it."
"Ay, yes po, madam. Naikwento na po ni Maria sa akin. Ang gwapo po ni Sir at ni Baby Pogi niyo, madam." Napangiti ito sa sinabi ko. Mukhang proud na proud ito sa mag-ama niya.
"Uy! Syempre naman! Sa ganda kong ito?! 'Yun baby ko nagmana sa akin, right? Halos pinagbiyak kaming patatas di ba? Ay wait, bebe, hindi ako ang madam dito sa Atsay Agency ha, si Madam Aura ‘yun. Huwag mo akong tatawaging ganun, magagalit ‘yun sa iyo. Maam Joy na lang o kaya Maam Ganda na lang para maayos ang usapan." Natatawa ito habang nagsasalita. "Amina na nga ‘yang requirements mo at nang ma-check ko." Tumayo ito palapit sa akin at inabot ko naman rito ang mga requirements ko.
Ang humble talaga ni Ma’am Joy. Hindi talaga makikitaan ng kayabangan kundi puro kahibangan. Char!
"Yeah, I remember, Maria Shanelle Delicana, ang sexy niya kahit chubby nu?! BFF mo nga pala siya hindi ba?! Ay wait, ang galing naman. Well, I have good news for you." Bumalik na ito sa table niya at isa-isang ini-scan ang mga dokumento ko habang panay ang salita. "Alam ko, matutuwa ka talaga sa sasabihin ko. I knew it, talaga!"
"Ano po ‘yun, Maam Joy Ganda?" Na-excite na ako. Ano kaya iyong good news na sinasabi niya? Buntis ako at si Zayn Malik ang ama? O baka naman one million views na ‘yun vlog ko sa You Tube? Ang ganda pa naman ng content ko du’n. Mukbang challenge. Kakaiba hindi ba? Kakaunti pa lang kaming gumawa nung content na iyon kaya alam kong sisikat ako. Saan ka nakakita ng nagmumukbang na nakatalikod sa camera habang kumakain.
"Alam mo ba?” Paunang tanong nito kaya mabilis akong sumagot.
“Hindi pa po. Hindi niyo pa kasi sinasabi.” Sagot ko kay Ma’am Joy na ikinatawa naman nito ng todo. Ang kwela niya talaga para lang si Maria.
“Maria is working with the Sawyer's right now, so you will be working with the Sawyer's too.
"Talaga, Maam? Thank you po!"
“Maria told me kasi na sanggang-dikit daw kayo ever since. Ayan, I did you a favor magkakasama kayo ng bestie mo. But! May I remind you guys… Huwag puro chikahan ang gawin ha?! Gawin ang trabaho ng tama at maging masipag sa lahat ng oras."
“Makakaasa po kayo, ma’am. Seryoso kayo, ma’am? Makakasama ko si Maria sa trabaho?”
"Yes, magiging nanny ka ng nakababatang kapatid ni Miguel Sawyer. Is that okay with you? Or do you have any questions?"
Mabilis akong tumango. The thought of being with Maria excites me so much. "Okay na okay po, Maam. Wala pong problema sa akin. Thank you po talaga!"
Gusto kong yakapin si Maam Joy sa sobrang tuwa but I resisted myself.
"Are you sure? Wala ka talagang tanong? Baka nahihiya ka lang."
"Sure na sure po, Maam. Mahilig po ako sa bata, no problem po."
"But he's not --"
"Sanay po ako sa mga matitigas ang ulo, Maam Joy. Sobrang haba po ng pasensya ko especially kapag kompleto po ang tulog ko ng walong oras." Pabida kong sagot. Sinabi ko lamang iyon para hindi niya na bawiin ang sinabi nito.
"Really?"
"Yes na yes, Maam."
"Ok, then. After this, punta ka kay Aura, may mga papeles kang kailangan pirmahan dun. Welcome to Atsay's Family! Remember, we are committed to do our work with utmost diligence. Always be courteous. And be happy always. And that would be all, Clarissa Olsen. Be the best nanny in town!"
"Yes, maam, I promise you, I will be the best nanny in town.