Napakayabang nitong jowa ko. Wala naman palang sinabi pagdating sa inuman. Nag-enjoy yata sa pakikipag-usap kay Chris at Theo kaya umorder ng maiinom. Bangenge na at halos hindi na makatayo. Mabuti nalang talaga at nandito na kami sa presidential suite na pina-book nito kanina. Dito na rin nila tinuloy ang inuman nilang tatlo. At ayun na nga at pare-parehas nang nakalupaypay sa sahig. Wala lang sanang sumuka dahil baka ma-ban pa kami sa hotel na ito. "Mauuna na siguro ako." Si Agatha na parang hindi na mapakali. Sa itsura nito parang hindi naman strict ang parents nito. Masyadong provocative ang suot nitong dress. Lumuluwa ang harapang bahagi sa sobrang laki. Sabagay, napakaganda ng kurbada ng katawan nito kaya siguro kahit anong isuot ay umaayon rito. "Iiwanan mo dito si Theo?" ta

