ONE WEEK. And so far, I am enjoying my stay here in the condo. Mas naging productive ang bawat oras ko rito. Wala akong ibang ginawa sa loob ng isang linggo kundi mag-ayos sa loob ng munting tahanan ni Sir Jaime. Para akong bata na hinahayaang magdesinyo ng sarili niyang bahay-bahayan. Minsan nga naiisip kong innate talaga ng mga babae ang mag-ayos sa loob ng bahay. Dahil madalas na wala at busy si Sir Jaime kaya nagagawa ko ang mga bagay na ito. May time na sinasamahan ako ni Manang Sonia pero kalaunan ay hindi na. Nakita naman kasi ng matanda na well-adjusted na ako rito. Though may cleaning lady naman daw si Sir Jaime na pumupunta dito once a week upang maglinis ay ginagawa ko pa rin ang mga gawaing-bahay dito. Yes, nanny ako rito. Pero dahil wala naman palagi sa tabi ko ang aking al

