FRIDAY. "May ipag-uutos ka sa akin?" Naalala ko kasing flight niya mamayang alas-dyes ng gabi. At mukhang hindi pa ito nakakapag-ayos ng mga dadalhin nito. Panay kasing paglalandi sa akin ang ginagawa ng loko. Nandito kami pareho sa opisina niya sa bahay. Work from home daw muna siya simula kahapon kahit nasa ibaba lang naman ang opisina nito. Magkatabi kaming nakaupo sa mahabang couch. May binabasa itong mga emails sa ipad niya samantalang ako naman ay nangungulangot dahil walang magawa. Charot! Ewan ko ba sa lalaking 'to kung bakit kailangan katabi niya pa ako. Magbabasa lang din naman. Ibinaba nito ang specs na suot at tumingin sa akin. Ang ipad ay ipinatong sa may center table. "Nothing. Why?" Inakbayan pa ako nito at lalong iniusog palapit sa kanya. "O di ba, flight mo ma

