“So, anong inaarte mo diyan?” Untag sa akin ni Maria. Hindi pa rin kasi ako bumabangon kahit alas-nueve na ng umaga. Kanina ay kinatok ako ni Manang Sonia upang mag-almusal pero sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Wala pang labin-limang minuto ay dumating naman itong si Maria at may dalang pagkain. Hindi na ako nagulat na pang-tatlong tao na naman ang dala niya. Siyempre nag-explain naman ito na kasama na ang lunch ko sa dinala niyang pagkain. Baka daw kasi wala akong balak bumaba hanggang tanghalian. “Nag-abala ka pang magdala ng food ko kung ikaw lang din naman pala ang kakain.” Ngayon ko lang din napansin na may extra plate, spoon and fork itong dala. At hindi man lang ako hinintay na maunang sumandok sa dala nitong pagkain. Kaya pala naka-food cart pa talaga ang bruha. “Buti nga

