"What did you say?" Narinig ko ang sinabi niya. Hindi lang talaga ako sure kong tama ba ang pagkakarinig ko. Or I just wanted to confirm that I am hearing it right. Alam kong narito sa Manila ang papa at si Fernando. Noong nakaraan ay may tumatawag sa aking unregistered numbers. Pero nitong huli ay halos araw-araw na iyon. Nakaka-ilang missed calls sa loob ng isang araw. I didn't bother to answer. Wala rin naman kasing message sa akin kaya hindi ko matukoy kung sino. Iniisip ko nalang na baka wrong number. But deep inside me I know that it was my father. "That man is so arrogant. Akala niya siguro ay mapapasunod niya kaming lahat sa gusto nito." "Why what happened?" Hindi ko ipinahalata na kinakabahan ako. Hindi ko maalis sa aking isipan na baka nalaman na ni Fernando na nandito ako

