NAKAUWI NA ANG MAG-ASAWA. Nakakatuwa lang, I was able to gain friends. Pwede ko naman sigurong tawagin silang kaibigan kasi malayo na rin naman ang inabot ng aming kwentuhan. Minsan talaga kapag komportable tayo sa kausap natin, andami nating naikukwento. ‘Yun tipong napa-kwento ka pero you regretted it afterwards. Pero wala namang dapat sisihin kundi ‘yung sarili mo lamang kasi wiling-wili kang makipag-chikahan. Tapos na akong magligpit ng mga kalat sa living room nang lumabas si Sir Jaime. May hawak itong susi sa kamay at napansin kong nagpalit ito ng denim pants. Pasimple akong tumingin sa orasan. Mag-aalas siyete na ng gabi. Saan na naman kaya pupunta ‘to? “Let’s go.” Anito nang makalapit sa akin. Hindi ako kumibo. Baka kasi pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko at nagkamali lamang

