Kararating lang ni Felicity sa bahay mula sa pag jo-jogging nang madatnan niya si Ina ang kasambahay ni Conrado at ang isang delivery man. "Good morning ma'am, I've been trying to explain that I have some stuffs to deliver." sabi sa kanya ng delivery man. "They were consigned to this address by a Miss Felicity Deogracia."
Nakaramdam naman ng pagkasabik si Felicity nang makita niya ang tatlong delivery box. Surely somewhere in there she would find more clues as to who she was. Nang maiakyat na ang tatlong delivery box sa kanyang silid ay kaagad niyang isinara ang pintuan. Her heart was beating with eagerness and apprehension.
Ang unang box na binuksan niya ay puno ng pangbabaeng damit. Ang pangalawang box ay puno ng iba't ibang klase ng libro. Pero ang pangatlong box ay naglalaman ng sketch pad at isang wooden box na naglalaman ng black ink at pens. She put all this aside for further consideration.
Sa pinakailalim naman ng pangatlong box ay nakita niya ang dalawang folder na naglalaman ng mga dokumento. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ito. Baka ito na nga ang makapagsabi tungkol sa nakaraan niya.
Mga contrata pala iyon at nakita niya roon ang pangalan at pirma ng kanyang ama at ang iba pang pirma na hindi niya pamilyar. Ngunit ang tanging hinahanap niya ay ang pangalan at pirma ni Conrado. Nadismaya na lamang siya ng hindi niya ito makita.
Binuksan na niya ang pangalawang folder, pero ang tanging laman nito ay ang isang long brown envelope na nakaselyo. She ripped it open with a cutter and discovered another short brown envelope beneath. Nakakaintriga naman ang mga envelope na to, sa isip niya. Siguro masyadong confidential ang laman nito kaya hindi ito dapat makita ng iba.
Sa wakas nabuksan na niya ang pinakahuling envelope at pasalampak naman siya na umupo sa kama. Puro mga larawan ang nakikita niyang laman nito. Mga larawan lamang iyon ni Conrado, pero ibang Conrado naman ang nakikita niya sa mga larawang iyon. He must have been in his early twenties when they were taken, napaka baby face pa nito, yet showing signs of the man he was to become. Tas nakita niya ang isang picture doon, may kasama si Conrado na isang babae, nakaakbay ito sa babae at parang ang larawang iyon ay kuha sa isang family gathering dahil sampu kasi silang nasa larawan, at parang may salo-salo silang dinaluhan.
Tinitigan lang ni Felicity ang larawan at parang hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ang babaeng nakikita niyang inakbayan ni Conrado sa larawan ay ang sarili niya.
Halatang teenager pa siya sa larawang iyon. Akala ba niya na isang buwan lang ang pagkakilala nila ni Conrado, but these pictures told her that she'd known him in her teens.
Bakit hindi ito sinabi ng lalaki sa kanya? she thought wildly.
May nakita na naman siyang isang larawan ni Conrado na may kasamang ibang babae. Nagpapakita ang babae sa kanyang dyamanteng singsing habang nakapulupot naman ang kamay ni Conrado sa beywang ng babae. Tapos nakita niya ang kanyang sarili sa background na walang kangiti-ngiting nakatitig sa couple.
She sat staring at what she'd discovered. Sa interpretasyon niya kasi sa larawan parang may crush siya sa lalaki at parang hindi siya masaya sa pagka engaged nito. Pero kung engaged na si Conrado sa ibang babae, bakit sila ang nagpakasal?
Sinimulan na rin niyang basahin ang nag-iisang sulat na galing sa isang Edward Harrison, kasama itong pinadala sa mga kontratang nabasa niya sa unang box.
The letter ended:
I was relieved to learn from you that your forth coming marriage won't interfere with your work. The area around Madrid should provide you with many subjects of the kind in which you specialize.
It was signed by Edward R. Harrison, Director.
Pero ano bang sinasabi nito na specialization niya?
Nagtataka talaga si Felicity kung ano nga iyon.
Pagsapit ng gabi, pinakita niya kay Conrado ang larawan na magkasama silang dalawa. Nakita naman niya ang pagkadisgusto sa mukha ng lalaki. "Tayong dalawa yan, di ba?" she asked.
"Yes." sagot nito.
"Magkakilala na pala tayo sa simula pa. Bakit hindi mo iyon sinabi sakin?"
"Sinabi ko na sayo na wala akong sasabihin tungkol sa nakaraan mo. Napag-usapan na natin to."
"But you let me think that we'd only known each other for a month."
"Katorse anyos ka palang nang kunan ang litrato na yan. Pumunta kayo sa Italy ng daddy mo at pagkatapos non, wala na akong narinig tungkol sayo. What happened long ago is irrelevant."
"Kung irrelevant man yon, bakit hindi mo yon masabi-sabi sakin?" she pointed out, at sa tingin niya mukhang balisa ang lalaki. "I don't think it is irrelevant, and I want to know what happened. Pano ba tayo nagkakilala sa isa't isa?"
Napakibit-balikat ito. "I worked for your father. Palagi kang nagpupunta non sa planta. Eh lahat nga ng empleyado ng daddy mo ay nasisiyahan pag pumunta ka ron."
"Pero ikaw ang mas napansin ko sa kanila, di ba? Tas inanyayahan mo ako sa bahay ninyo, tama ba ako? Sa tingin ko kasi, pamilya mo itong kasama natin sa picture."
"Yes. Because you insisted on meeting them. Nasa tabing dagat kasi kami nakatira noon, at ang sabi mo na gustong-gusto mo talaga makakita ng dagat."
"Is this man your brother?" turo nito sa larawan ng lalaki na katabi rin niya sa picture.
"No, si Pablo yan pinsan ko. Wala kasi akong kapatid. Gusto sana ni mama na magkaanak ng babae, ngunit hindi sila binayayaan ng isa pang anak. Kaya nga gustong-gusto ka niya at itinuring ka na niya na parang anak. Pagkatapos non, palagi ka ng nagpupunta samin at inisip ka na rin namin na kapamilya. Matapos mamatay ang papa ko, parang gumuho ang mundo ni mama. At pinili niyang tumira sa isang isla kasama rin ang biyuda niyang kapatid."
It was rare for Conrado to add details like this, and something told Felicity he was doing it to put off the moment when she'd ask him about the picture of himself with another woman. Kahit inilihis pa ni Conrado ang pag-uusap nila tungkol don sa fiancee nito pero ipinagpatuloy pa rin ni Felicity ang pagtatanong. "You were engaged to her, right?" she asked.
"Yes."
"Nagpakasal ba kayo? Biyudo ka na ba ngayon?"
After a moment he answered, "Hindi kami nagpakasal."
"Why?" pangungulit niya.
Parang may pag-aalinlangan sa boses ni Conrado nang sumagot ito. "Gusto kasi ng daddy niya na mayaman ang mapapangasawa nito. Nangako ako sa kanya na magpapayaman ako. Nang hindi ko yon matupad, hiniwalayan niya ako at nagpakasal siya sa iba."
"Nandito rin ba siya sa Madrid?"
"No, her husband is a banker in London. Ano pa ba ang nadiskubre mo ngayon?"
Ayaw na sana niyang pag-usapan pa nila ang kanyang fiancee. Kaya lang gusto niyang itanong sa lalaki kung mahal pa ba niya ang babaeng iyon, pero sa tingin niya hindi ito ang tamang oras. Kaya sa halip tinanong niya sa lalaki kung may alam ba ito tungkol sa kanyang pagguhit at sumang-ayon naman sa kanya si Conrado, saka sinabi niya sa lalaki ang tungkol don sa natanggap niyang sulat. "It's nice to know na marunong pala akong gumuhit." aniya. "All I have to do now is discover what I specialize in."
"Tingnan ko nga yong sulat na sinasabi mo." saad pa ni Conrado.
Binigay ito ni Felicity, at nakakunot naman ang noo ni Conrado habang binabasa nito ang sulat. "Tantalizing daw ang sabi dito oh." komento pa ng lalaki.
"Nakakita ka na ba sa mga drawings ko?"
"Yes, pero saglit lang yon. I can't give you a clear idea of them, except that they were mostly buildings."
"Kung ganon, I need to see them for myself." aniya na napapahikab. "Sa tingin ko kailangan kong umuwi ng Pilipinas para makita ko yong mga drawings ko. Who knows what else I might remember?"
Napatango lang si Conrado. "Magandang ideya yan."
"So bakit hindi mo ako pinayagan nong una? Nababagot na kasi akong nakaupo lang dito buong araw."
"Natural lang yang nararamdaman mo." nakangiting wika nito. "But could you delay your trip a little? I'm having an important business contact to dinner in a few days. Dadalhin kasi niya ang asawa niya, so it would look better if my wife was with us."
"Babalik din naman ako kaagad, titingnan ko lang talaga ang mga drawings ko." paliwanag pa niya.
"Ayaw mo bang may mga old friends kang ma meet dito? Kasi may mga ipakilala sana ako sayo eh."
Bumuntong-hininga siya. "You're right, I suppose. Okay, maghihintay ako."
"Thank you." He took a close look at her. "Mukhang pagod ka. Pinagod mo yata ang iyong sarili buong araw."
"I'm fine." protesta pa niya. "Pano kasi tinuring mo ako na parang sakitin na bata."
Napakibit-balikat lang si Conrado. "Natural lang sa lalaki na concern para sa asawa niya."
Unang beses niyang narinig iyon mula sa bibig ni Conrado, kaya naman nararamdaman niya ang pamumula sa kanyang mukha. "Don't stay up too late." he said briefly.
"Okay, I'll go to bed now," sang-ayon niya, pero napako pa rin siya sa kanyang kinaupoan. "Sa tingin ko kailangan mo akong tulongan." aniya, reaching out her hands to him.
He pulled her to her feet and steadied her against him. For a moment she felt the warmth of his breath on her cheek and sensed the temptation that racked him. Tas hinagkan siya nito sa kanyang noo. "Good night...wifey." bulong nito.
"Good night." bulong ganti niya.
Then she made her way sleepily up the stairs. Nang makaakyat na siya, bigla namang tumunog ang telepono sa sala. Kaagad itong sinagot ni Conrado.
"I'm sorry, you have the wrong number." turan nito, tas pabagsak na ibinaba ni Conrado ang telepono. "Wrong number na naman." narinig niyang sabi nito sa sarili saka napapailing.
*****