Chapter 6

531 Words
On the day Gregory Rossu and his wife were due for dinner, pinuntahan naman ni Felicity si manang Alma sa kusina para lagyan sana ng wine ang hapag-kainan, ngunit sa araw ding iyon ay naubosan si Conrado sa ni request na wine ng bisita. Kaya nagpresenta si Felicity na siya na lamang ang bibili sa naturang wine sa supermarket. Mula sa supermaket ay pauwi na si Felicity sa kanilang bahay nang mag breakdown ang kanyang minamanehong kotse. Pumunta siya sa pinakamalapit na phone booth roon para tawagan sana si Conrado kasi naiwan rin niya sa bahay ang kanyang cellphone. Ilang beses na siyang nag da-dial pero ang palaging sinasabi ng operator ay, "The number you dial is incorrect." Iritadong pumara na lamang siya ng taxi pauwi sa bahay nila. Pagkababa ng pagkababa niya sa taxi, si Conrado kaagad ang nakita niya sa pintuan at nakakrus ang mga braso nito. "Wag mo akong pag-aalahin sa susunod." iritadong sabi nito at tinalikuran siya. Sinundan naman niya ito. "Wag mo akong sisihin." she told him indignantly. "Pano ko ba ipaalam sayo ang nangyari sakin kung pinalitan mo na pala ang numero ng iyong telepono na hindi ako sinasabihan?" Marahan namang napamura si Conrado sa kanyang sarili. "I'm sorry. I forgot." "Ano bang problema mo sa old number?" "Marami kasing tuwatawag na wrong numbers. Bilisan mo na at maghanda ka na. Darating na ang aking mga bisita anumang oras." "Yan lang ba ang rason mo kung bakit pinalitan mo kaagad ang numero ng iyong telepono?" "Sinabi ko na sayo ang rason, Felicity. Will you please get ready?" "Pero--" "Get ready, okay?" pag-ulit pa ni Conrado, and the door shut firmly behind her. Matapos ang ilang minuto ay nakapag-ayos at nakapagbihis na rin si Felicity. Bumaba siya sa sala habang naghihintay naman sa kanya roon si Conrado. Pagkababa niya sa pinakahuling baitang ay agad siyang sinalubong at inalalayan ni Conrado. "You performed a miracle." he said, at pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. "Mas maganda na ba ako ngayon kay sa asawa ni Gregory Rossu?" "You needn't fear in comparisons with any other woman, pero hindi ko pa naman na meet ang asawa niya." "Eh ako, kilala ba ako ni Gregory Rossu?" "Kilala ka niya bilang asawa ko. Nakatira sila ngayon ng asawa niya sa Milan. Wala din siyang alam tungkol sa amnesia mo. Hindi ko siya kaibigan, although we're on good terms, just a business associate." May narinig na siyang huminto na sasakyan sa labas ng bahay nila. Hudyat na dumating na nga ang bisita nila. Sinalubong naman nila ito sa may pintuan. Unang lumabas ng kotse ay ang isang mid-forties na lalaki, at kahit medyo mature na ito kung tingnan makikita mong magandang lalaki pa rin ito. Sumunod naman ang isang seksing babae na mukhang mas bata ito tingnan kaysa asawa nito. Kulay blondy ang buhok ng asawa ni Gregory at maganda ang hubog ng katawan nito. Malapad naman ang kanyang ngiti habang nakipagkamay siya sa ginoo. Ngunit nang makita niya sa malapitan ang asawa ni Gregory, biglang naglaho ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi. She was now looking at Mariana, ang babaeng na engaged noon kay Conrado. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD