Kinaumagahan ay pumunta sa kwarto ni Felicity ang ina at tiyahin ni Conrado para tulongan siyang magbihis sa kanyang wedding gown. Ilang beses naman siyang nakarinig ng papuri mula sa ina at tiyahin ni Conrado na bagay na bagay daw sa kanya ang suot na trahe de boda. At mas lalong gumanda raw siya sa suot na tiara at viel. Tumingin naman si Felicity sa salamin, nagagandahan nga siya sa sarili na suot ngayon ang trahe de boda. Heto na talaga, magpapakasal na siya ulit sa lalaking pinakamamahal niya. May biglang kumatok sa pintuan ng silid niya, si Martina pala, ang asawa ng pinsan ni Conrado na si Pablo. Nag inporma lang ito sa kanila na kaaalis lang daw nila ni Conrado papunta sa simbahan kaya kailangan na raw nilang magmadali. Mabilis siya na inayosan ng kanyang make-up artist at pag

