Pupunta ang mag-asawang Benitez sa isang mountain resort para sa kanilang honeymoon. Natapos na ang kanilang wedding reception at kasalukuyang nakatingin si Felicity sa kanyang sarili sa mahabang salamin habang napapaikot siya. Suot-suot pa rin kasi niya ang kanyang wedding gown. Hindi na siya ngayon bride, kundi ganap na talaga siya na Mrs. Benitez. She smiled at the thought. Samantalang si Conrado naman ay naghihintay na lamang kay Felicity sa kotse. Inilagay na rin nito ang mga dadalhin nilang bagahe sa likod ng kotse. Sa wakas bumaba na si Felicity at nagpaalam na sa mga bisita. Pumasok na siya sa kotse kung saan naghihintay si Conrado at walang tigil naman siya sa kakaway sa mga naiwang bisita hanggang sa tumakbo na ang kotse. "Kung makapagpaalam ka sa kanila para namang hindi na

