Maghahating-gabi na pero gising pa din si Alona. Hindi niya maunawaan ang saliri kung bakit hindi siya mapakali sa kanyang silid. Bakit nga ba? "Kasi nga nag-aalala ka sa kanya," wika ng maliit na tinig sa utak niya. "At kahit anong sabihin mo ay hindi mo mapagkakaila na nababahala ka sa kalagayan niya." Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga, at dagling bumangon saka umupo ng kama. Wala sa saliri na sinapo ng dalawang kamay niya ang kanyang mukha. Tuliro at hindi makapagdesisyon kung papahinkin niya ba ang bugnutin niyang amo o hindi. "Kainis!" wika niya, at napausal ng panalangin. "Lord, ano po ang gagawin ko? Litong-lito na po ako. Bigyan mo nga po ako ng sign." Napailing siya at agad na sinaway ang saliri. Hindi niya kailangan mag-demand sa Panginoon ng ganoon.

