Naalimpungatan si Alona lalo't alam niya na tinabihan niya ang amo. Marahan niyang iminulat ang mata at mabilis na nagpasalamat dahil mukhang tulog ito. Nagpakawala siya ng ilang buntong hininga bago maingat na itinaas ang ulo ng amo upang alisin ang kanyang braso. Kailangan niyang makaalis sa kama bago pa ito tuluyang magising. Napatingin siya sa kanyang relos at nakita niyang mag-aalas otso na ng umaga. "Napasarap yata ang tulog ko," wala sa sarili na wika niya, at dagling bumangon mula sa pagkakahiga. Muli niyang sinulyapan ang mahimbing na natutulog na amo. Sinalat ang noo nito. "Salamat naman at wala ka ng lagnat." Marahan siyang umalis ng kama, at kinumotan ng maayos ang amo. Inalis niya din ang kanyang kumot at unan. Inilagay niya ito sa may sofa. Nag-isip siya ng iluluto niya p

