It's Sunday, at nagpasalamat si Alona na halos maayos na ang pakiramdam ng amo. Wala na din itong lagnat at medyo nanumbalik na ang lakas. May panlasa na din ito kaya siguro magana na itong kumain. "Hmm... this is so tasty. My favorite," parang bata wika pa nito habang nilalantakan ang egg pie na ginawa niya. "I didn't know you could bake this good." Napangiti siya. Nais niya nga sanang asarin ito at sabihin, 'Paano si Ate Gwendolyn lang ang lagi mong nakikita', pero hindi niya winika. Baka magbago bigla ang mood ng binata at sungitan pa siya. "Bakit hindi ka nag-enroll dati sa culinary classes? You have future in pastries. Pwede kang maging popular na Pastry Chef like Chef Angelo." "Wala panahon dati at kung mayroon man masyadong abala ako sa pagtulong kay Inay at Itay. Hindi ko na d

