CHAPTER 2

1189 Words
NAGULAT si Jaxel nang biglang sumulpot si Gwendolyn sa kanyang pamamahay, ang babaeng nais niya sanang maging bahagi ng kanyang buhay. Subalit pagmamay-ari na ito ng iba. Gayon pa man ay masaya pa rin siyang masilayan ang maamong mukha nito. Kusang sumibol ang matamis na ngiti sa kanyang labi kasabay nang paglitaw ng mga biloy sa kanyang pisngi. "Buti naman at bumalik ka," masayang wika ni Jaxel, at niyakap si Gwendolyn nang mahigpit. "I miss you, Marikit." "I miss you, too," Gwendolyn said, and hugged him back. "Dumaan lang ako para formal na humingi sa'yo ng tulong para sa aking kaibigan. She needs work and a place to stay." Hinalikan ni Jaxel ang kanyang noo. "Anything for you, Marikit. Alam mo naman na malakas ka sa'kin," sagot ni Jaxel, at napatingin sa gawi ni Avria, na tahimik na nakatayo sa may likuran ni Gwendolyn. "But does you're friend really needs my help? Isn't she the owner of Bacolod Gems?" Humiwalay sa pagkakayakap niya si Gwendolyn, at tumawa nang mahina. "No, hindi siya ang tinutukoy ko. Si Alona 'yon. Nais kong tulungan siya. Hindi ba kakailanganin mo ng mayordama s***h sekretarya? Baka naman pwede na siya ang upahan mo. Mabait at masipag na bata si Alona." "Nagmamadali ba kayo?" biglang natanong ni Jaxel sa kanila. "Hindi naman," mabilis na sagot ni Gwendolyn. "Bakit papakainin mo ba kami?" "Oo, naman. Come and follow me to the garden. Doon na tayo mag-lunch," anyaya ni Jaxel sa kanila, at ngumiti kay Avria. "By the way, I'm Jaxel Hechanova. You can call me Jaxel," pakilala ni Jaxel sa sarili. "And you must be Ms. Avria Araneta, the owner of Bacolod Gems, tama ba?" "Yes, Ako nga 'yon, I'm Avria Araneta," sagot ni Avria, at ngumiti nang tipid. "I wonder how come you know me?" Pilyong ngumiti lang si Jaxel habang tinawag ang isang maid, at inutusan ito na magdala ng pagkain sa harden. Bumaling siya muli kay Avria. "I'm friends with Vince Yussef, annd he talks so much of you." kaswal na sabi ni Jaxel, at iginiya sila sa harden ng Manor. "Really? Kilala mo si Creedo? Ano naman ang sinasabi niya tungkol kay Avria? Did he tell you, he's in love with her? Mag-tsismis ka naman sa akin Jaxel!" himuk ni Gwendolyn sa kaibigan. Natawa si Avria sa winika ni Gwendolyn subalit nawala ang ngiti niya nang biglang siyang malumbay na tinignan ni Jaxel. Napatigil silang tatlo nang marating na nila ng harden ng Manor. "I'm sorry but it's not what you wish to hear. At Ayokong sabihin kasi baka masaktan ko lamang ang kaibigan mo," seryosong wika ni Jaxel, at pinaupo sila sa may round table na nasa may kaliwang parte ng harden. "Ganoon ba kasama?" curious na tanong ni Gwendolyn, at nang tumango si Jaxel ay malumbay niyang sinulyapan si Avria. Mabilis naman sinalba ni Avria ang sarili. "I don't remember knowing a guy name Vince. Baka nagkamali lang kaibigan mo. He might mistaken me from someone." Umiling si Jaxel. "Impossible. He told me clearly that he's currently flirting with the owner of Bacolod Gems." Halos napunit ang puso ni Avria sa salitang 'flirting', alam niya naman na hindi siniseryoso ni Creedo ang ano mang mayroon sila. Subalit masakit pa din ang marinig ang ganoong salita. "Oh, it's not me he's talking about but my twin sister," mabilis na palusot ni Avria. Napanganga sis Gwendolyn. "You have a twin sister?" "Yes, sad to say, I have." "But now ko lang nalaman 'yan." she said, and look at Avria accusingly. "Hindi ka naman nagtanong," sabi nito. "If you're doubting me you can ask Heramarie." Mabuti na lang at may lumapit na dalawang maid sa kanila na may dala-dalang tray naglalaman ng pagkain. Hindi na tuloy nagkaroon nang pagkakataong mangulit si Gwendoyn sa kaibigan. Masyado siyang focus sa sugpo na nasa tray. Nilagay ng mga maid ang pagkain sa kanilang harap at nagulat si Gwendolyn nang makitang ang spanish omelette sa may harapan niya. Samantalang si Avria naman ay napatingin sa kay Jaxel. At nakita niya kung gaano nito inaasikaso ang kanyang kaibigan. Looks like the man has secret feelings for Gwendolyn. Avria's flow of thoughts was disturbed when Jaxel suddenly spoke. "Babala ko lang, Marikit. Sana itong nirerekomenda mong kaibigan ay tahimik, maaasahan, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat hindi chismosa at pakilamera. You know me, Marikit. I don't like nosy and noisy people," sabi ni Jaxel, at agad nagkunot ng noo nang makitang napangiti ng pilyo si Gwendolyn. "Why am I having a feeling that you're setting me up?" "Ngumiti lang ang tao nagbigay ka na kaagad ng kulay. Saka bakit ako noisy and nosy din ako, but you put up with me," depensa ni Gwendolyn sa sarili. "Your case is different," Jaxel said casually, and look at Avria, who is silently looking at them. "I'm sorry... if we tend to forget na may kasama kami. My apologies. Kaya lang itong kaibigan mo ay once in a blue moon lang magpakita sa akin kaya sinusulit ko na. Anyways, enjoy your meal. If there's anything you want, just tell me. I will ask the maid to bring it for you." Napangiti si Avria. "It's okey. You can talk to Gwen. Please don't mind me." "As if Jax can," natatawang wika ni Gwendolyn, at tinignan si Avria. "Mukha lang 'yan walang paki subalit sa tatlong enggot, ito ang mas maaasahan." "Kasi nga hindi ka maasikaso ni Kreavan," nakangusong wika ni Jaxel. "Ano na 'yong sagot mo sa tanong ko? Gaano mo siya kakilala" Natawa si Gwendolyn. "Ikaw talaga masyado ka. But to ease your mind, Yes, tahimik siya, maaasahan, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat hindi siya chismosa at pakilamera. Saka kilala mo din ako. Hindi kita ilalagay sa alanganin lalo na isa kang mapang-alipin na amo. At take note kung workaholic ka ay mas lalo 'yon. Kapag nagtra-trabaho iyon ay walang paki sa mundo. Hindi ka rin madi-distract ng tao kasi maliban sa hindi pala imik 'yon, she's not your type of person." "Anong natapos niya?" sunod na tanong ni Jaxel. "High school graduate." "Marikit naman. I need a college graduate para sa secretary position. Baka mahirapan pa ako sa kanya. My clients are mostly foreigner. Marunong ba siya sa computer?" Pinadilatan si Jax ni Gwendolyn. "Subukan mong hindi siya tanggapin at hindi na kita kakausapin. Por Dios Por Santo naman, Jaxel! Secretary at mayordoma ang kailangan mo. Yes, high school graduate ang tao pero hindi naman ganoon siya ka bobo. She can make calls and do some task. She's dependable and willing to learn if you give her a chance." Natawa na lang si Jaxel ng mapakla. "Give her a chance? How can I not, Marikit? When you're already threatening not to talk to me if I don't accept her! Do I have a choice? 'Di ba wala? Sana lang maayos siya talagang magtrabaho." "Oo, naman. Maayos 'yon magtrabaho," wika ni Gwendolyn, at agad na bumulong nang mahina. "Baka nga iyang magulo mong utak at puso ay maayos niya 'pag nagkataon." Napangiti si Avria nang lihim habang nakatingin sa dalawa. So her thoughts are confirmed. May gusto nga si Jaxel sa kanyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD