Alona is wearing a white shirt top underneath a black bolero and was nicely tucked in a black slack pants. Her hair was neatly pinned into a bun and had a very light make up on her face.
Matiyaga siyang nakatayo sa may hulian ng pila at medyo kinakabahan. Sino ba naman ang hindi kung first time mong ma-interview?!
Napailing siya tuloy nang wala sa oras. Sa nerbyos at ilang na nararamdaman ay parang gusto niya nang umalis sa pila at umuwi nang tuloyan. Ngunit ano na lang ang sasabihin ni Ate Gwendolyn niya kung aalis siya sa pila. Pinagbilin pa naman nito sa kanya na pagtiyagaan niyang pumila. Pati ang damit niya at sapatos ay ito din ang nagbigay sa kanya.
Ang hindi niya lang kasi maunawaan ay kung bakit kailangan pa niyang pumila at dumaan sa interview kung mayordoma lang naman ang papasokan niya.
"Kainis kasi bakit kailangan ko pang dumamit nang ganito at magpa-interview, eh, mayordoma lang naman ang papasukan ko," banas niyang wika, at napakunot ang noo nang biglang napalingon ang ibang aplikante na nasa unahan niya.
"Anong mayordoma? Personal Assistant ang position na available," taas na sabi ng babaeng nasa unahan niya.
Gusto niyang matawa. "Pinasosyal lang nila 'yan. Ano ba ang Personal Assistant sa tagalog? 'di ba alalay, utusan o' sa madaling salita mayordoma," talak niyang sabi, at pinaikot ang kanyang mata.
"May saltik ka ano? Iba ang Personal Assistant sa alalay, utosan at mayordoma. Saang bundok ka ba nanggaling ha?" sabi ng isang babae na nasa pila.
"Excuse me, sa karagatan ako nanggaling at hindi sa kabundukan. At syempre alam kong magkaiba ng 'di hamak ang personal assistant sa alalay. Obvious naman sa dialect at spelling pa lang eh magkaiba na. Ngunit kahit anong gawin niyo, literal na utusan pa rin ang bagsak noon! Pinaganda lang," pilosopong satsat niya at natawa ng pilya.
Nagsipagtaasan ang kilay ng lahat na nasa unahang pila at sarkastikong siyang pinagtawanan ng mga ito.
"Baliw ka din ano?" sabi ng isang babae sa pila. "O nagpapahalata ka na walang pinag-aralan!"
"Huwag mo ng patulan 'yan. Halata naman eh," sang-ayon pa ng katabi nito.
Subalit si Alona ay sadyang walang pakialam sa kanila. Magpapadala ba nama siya sa mga ito? Lalo na't alam niya sa sarili niya na kaya niyang ipagtanggol ang sariling palagay. Kaya taas-noo niya lang na tinitigan ang mga ito.
Kampante siya na siya ang makukuha kasj bago pa man siya tumungo dito ay nasabihan na siya ni Ate Gwendoky niya kung anong klaseng tao ang magiging boss niya, sakaling matanggap siya.
"Suplado, bugnugtin at hindi pala imik si Jaxel. Subalit 'pag nakuha mo ang kiliti niya ay makikitang mong mabait siya at maaasahan na tao. Ayaw niya sa balahura, madaldal, pakilamera, sinungaling, laging late at tamad na empleyado. Subra siyang workaholic kaya asahan mo na aalipinin ka niya 'pag dating sa trabaho. Gusto niya ng tsaa at kape. Sa kape isang kutsarang asukal at kahalating kutsaritang kape lang dapat ang gamitin mo. Ayaw niya ng creamer. Kaya dapat iwasan mo iyong lagyan. Sa ulam hindi siya pihikan subalit mahilig siya sa seafoods," naalala niya ni Ate Gwendolyn niya. "Saka huwag kang mag-alala may pirma ko ang resume mo. Kapag nakita niya 'yan siguradong tanggap ka na. Kung sakaling magtanong siya kung kilala mo ako, sabihin mo na care taker kita. At huwag mong kalimotan, Marikit o' Foxy Lady ang palayaw ko sa kanya. Kapag inaway ka niya sabihin mo lang na isusumbong kita kay Marikit, tiyak na nanginginig 'yon!"
Napangiti siya ng lihim at niyakap ang envelope na naglalaman ng kanyang resume at high school diploma bago umusal ng maikling panalangin na sana ay matanggap siya.
Samantalang abala si Jaxel sa pakikinayam sa mga aplikante. Naitanong niya tuloy sa sarili niya kung bakit nga ba nasa opisina siya ngayon? At bakit ba nagpatangay na naman siya sa konsepto ni Marikit? Napailing siya at gusto niyang kutusan ang kanyang sarili. Hindi niya naman kasi kailangang mag-hired ng isang personal assistant.
Kayang-kaya naman kasi ito ni Damon. Subalit ito siya sa loob ng kanyang opisina at sinunod ang idea ng kaibigan. Kahit pa na hindi niya naman talaga kailangan gawin ito. Ayaw niya kasing isawalang-bahala ang hiling ni Marikit, lalo na't may kasama pa itong banta na kapag hindi niya ginawa ay hindi na ito kailanman makikipag-usap sa kanya.
At dahil sa takot niya na totohanin nga ito ng kaibigan ay ginawa niya. Kaya imbes na dumiretso siya ng kanyang bahay para magpahinga ay nandito siya ngayon sa opisina niya at matiyagang pinapanayam ang bawat aplikante.
Subalit bakit wala pa rin siyang matipuhan na upahan sa mga napanayam niya? Ano nga ba ang hinahanap niya?
Tinignan niya ang relong pambisig at nakitang mag-ala una na pala nang hapon. Kaya pala nagugutom na siya.
Napabuntong-hininga siya at tumingin sa may pintoan.
"Damon, let the last applicant in nang makapag-lunch na tayo!" pasigaw niyang wika, at hinintay ang aplikante na pumasok.
Napailing siya nang makita ang aplikante. Maliban kasi na nakasuot ito ng business attire, eh kamukha ito ni Ms.Tapia, isa sa character sa isang series na pinanood nila ni Marikit.
Agad niyang sinaway ang sarili at pinaupo ang aplikante sa upuan.
"Tell me why are you applying for the job?" tanong niya at biglang nagulat sa sagot ng babae.
Nadismaya si Alona sa narinig. Hindi man lang ang 'tell me about yourself' ang napili nitong tanungin. Iyon pa naman ang na-memorize niya. Talaga ang 'why are you applying for the job' pa. May pagka-shungak 'ata itong kaibigan ni Ate Gwendolyn niya. But in fairness, mukhang isang prinsepe ang damuho.
"Para kumita at magkaroon ng kakayahang makabili ng pangangailangan," matapat na wika ni Alona, at sinalubong ang titig ni Jaxel. "Hindi ba iyon naman ang rason kung bakit naghahanap tayo ng trabaho?"
Umismid sis Jaxdl. "Akala ko kasi kaya ka nag-apply ay para maging bahagi ng kompanya?"
Inayos ni Alona ang pagkakaupo. "Pangalawa na lang iyon, Sir. Dahil para sa akin ang pinakauna at mahalaga ay ang kumita."
Napasandal si Jaxel sa upoan. At hindi niya maitago ang pagkainis. Ang babae sa harap niya ay katulad na katulad ni Marikit. Prangka at may tiwala sa sarili. At ayaw niya ng ganoon ugali.
Tama na ang isang Marikit sabi ng kanyang isip.
"Sige, we'll call you. May phone number ka naman siguro na inilgay sa resume mo," sabi ni Jaxel sa kaharap.
Tumango lang si Alona saka biglang kinuha sa kanya ang envelop na naglalaman ng kanyang resume.
"I doubt kung matatawagan mo pa ako. Kasi alam natin pareho ang ganyang salita ay isang simple taktika para sabihin na hindi ako pumasa. So, don't try to call me, Sir. Thank you for the opportunity," sarkastiko niyang wika, at talagang binigyan ng aksento ang salitang 'Sir'.
Nabigla at napanganga si Jaxel sa narinig. May pagkahambog ang boses ng babae. Hindi man lang ito nakiusap sa kanya kagaya ng ibang aplikante. Ni hindi man nga nito sinabi ang tunay na pangalan basta na lang ito lumabas ng kanyang opisina.
Lumiwanag ang kanyang mukha, at nagpasiya na ito ang pumasa sa interview niya. Dahil maliban sa matapat ito, mukhang kakaiba ito sa mga aplikante na nakaharap niya.
"Damon, come here!" sigaw na sabi niya sa kanyang driver.
Agad naman pumasok si Damon sa silid. "You need anything, Sir?"
"Habolin mo iyong huling aplikante. Sabihin mo ng tanggap na siya," sabi niya, at tumayo na din mula sa pagkakaupo.
"Ah, don’t worry I know where to find her," nakangiting sagot ni Damon sa kanya na ikinamangha niya lalo.
"What do you mean?"
"Siya lang naman ang caretaker ng bahay ni Ms. Gwen, ang babaeng mahal na mahal mo!"
"What the f**k!" matalas na mura ni Jaxel, at biglang namutla. "Damn! Marikit will really grill me alive!"