Pagkatapos ng nakakadismayang interview ni Alona ay tumungo siya sa may food court para makipagkita sa kanyang dalawang kaibigan.
Nababanas siya sa tuwing maalala niya naman ang napakagwapo ngunit supladidong kaibigan ni Ate Gwen niya.
"Hays! Nasayang niya lang ang oras ko," bugnot na wika ni Alona, at agad na naghanap ng mauupuang mesa. Nang makakita na siya ay agad siyang umupo dito, at inilagay sa may ibabaw ng mesa ang brown envelope na naglalaman ng kanyang resume at credentials. Saka pinadlahan ang dalawa niyang kaibigan na nasa may food court na siya at naghihintay.
Maya-maya lang ay may Mascot na rabbit na lumapit sa kanyang mesa. Basta na lang umupo eto sa isa sa bakanteng silya na nasa harap niya.
Pinagmasdan niya ito nang maigi. May kutob siya na isa mga kaibigan niya ang nasa loob nito. At sa tantiya niya alam niya na kung sino.
"Anong pakulo iyan, Ninay?"
Mabilis na inalis ng kaibigan ang suot na ulo ng mascot. Sumenyas na hayaan niyang makahinga muna ito.
"Teka paano mo pala nalaman na ako?"
Pilyo niyang ningitian ang kaibigan. "Sa lakad mo palang at uri ng trabaho ay alam kong wala ng iba kundi ikaw ang nasa loob ng mascot na iyan."
"Loka ka talaga, Alona. Mamaya marinig ka ni Anyang, patay ka sa kanya," pananakot na wika ni Ninay habang sinuklay ng kamay ang kanyang magulong buhok. "War freak pa naman iyon ngayon!"
Pinaikot niya lang ng kanyang mata. "So? Tama naman ah."
"Kamusta pala ang interview mo?"
Banas niyang tinignan ang kaibigan. "Hindi na ako umaasa," himutok niyang sabi. "Ang lakas magsabi ng 'We'll call you', E, hindi nga niya pinagkaabalahan na silipin ang laman ng envelope na ito!" Nangagalaiti niyang iwinagayway ang brown envelope kay Ninay, natawa lang ang huli. "Tapos may gana pa siyang magpaasa! Sus, hindi man ako matalino subalit hindi ako ganoon ka tanga para 'di iyon maintindihan."
"Hayaan mo na siya," sabi ni Ninay sa kanya. "Sama ka na lang sa amin ni Ranne sa catering bukas."
"Saan naman?"
"Sa kay Ate Lyralet. Sa may Florenceville," sagot ni Ninay, at lumingon sa may entrance ng food court. "Ang tagal naman ni Anyang. Nagugutom na ako."
"Oo, nga. Nasaan na kaya ang babaeng iyon?"
"Tawagan mo kaya."
"Naku, parang 'di mo kilala iyon! Mabuti kung dala niya ang cp niya. 'Pag dala naman kundi lowbat, walang signal, walang load."
Sabay silang natawa na dalawa habang ang kaibigan na pinagtatawaanan nila ay banas na nakitingin sa kay lalaking walang pakundangan bumungo sa katamtaman niyang katawan.
"Ay, kainam niya! Parang bulag lang ah. Madapa ka sana!" nabwebwesit na wika ni Ranne. "Pasalamat ka't nagmamadali ako. Kung hindi baka mahabol kita at mabatokan." Inisi niyang tinignan muli ang lalaking bumungo sa kany bago nagmadaling naglakad patungong food court.
Alam niyang hinihintay na siya ng dalawa niyang kaibigan na dumating. Mabuti nga hindi pa ang mga ito nagsipag-text sa kanya. O baka naman iniisip ng mga ito na wala siyang dalang cellphone. Napangiti siya ng wala sa oras.
Nang narating niya ang food court ay nakita niya agad ang dalawa niyang kaibigan. Nakaupo ang mga ito at busy na nag-uusap. May na-order na din ang mga ito na pagkain. Nilapitan niya ang mga ito.
"Aba hindi man lang kayo makapaghintay," nakanguso niyang reklamo sa mga ito.
Pareho napatingin ang mga ito sa kanya.
"Umupo ka na at huwag ka ng magreklamo diyan. Ikaw itong matagal na dumating. Nagugutom na kami ni Ninay kaya nag-order na kami," masungit na wika ni Alona.
Agad na nagsalubong ang kanyang kilay. Napatingin siya kay Ninay. "Bakit ang sungit ng isa diyan?" tanong niya sa kaibigan, at umupo.
Ngumiti lang si Ninay. "Banas lang iyan sa resulta ng interview niya," pagbibigay-alam nito sa kanya. "Mag-order ka na lang kung hindi mo gusto ang pagkain."
Tinignan ni Ranne ang kaibigan. "Hindi ka natanggap?"
"Siyang tunay," wika ni Alona, at sumubo.
Lalong hindi naipinta ang mukha ni Ranne. "Talagang nakakabanas nga iyan," sabi nito, at kinunot ang noo na para bang hindi siya makapaniwala . "Akala ko ba sure ball na ang pag-apply mo. Eh, bakit hindi ka natanggap?"
"Kumain na lang nga tayo. Ayaw ko na pag-usapan ang tungkol diyan. Nakakasama lang ng damdamin," wika ni Alona, at malamlam silang pinagmasdan. "Ang mahalaga'y nagkasama tayo muli. Ilang buwan din na hindi tayo nagkita at nagkamustahan."
"Sabagay," nakangiting wika ni Ninay, at nagsimula na din kumain.
Napatingin sa kanilang dalawa si Alona, at hindi niya maiiwasan na mapangiti. Matagal na din na hindi sila nagkitang magkakaibigan at ngayon muli ang panahon nagkasama sila.
Magkababata silang tatlo, at magkaklase simula nang Grade 3. Magkapit-bahay silang tatlo dati, at sa kanilang tatlo, siya lagi ang mahina at si Ninay ang matalino. Subalit kung sipag lang ang pag-uusapan, kayang-kaya niyang pataubin ang dalawa.
"Ah, Ranne, kamusta ka OJT mo sa Princess Hera?" tanong niya sa kaibigan.
"So far so good naman. Saka in fairness ang babait ng mga mentor ko. Kaya nagpapasalamat ako kay Ate Gwendolyn. Kung hindi sa kanya, hindi ako makakapasok sa napakagandang restaurant na iyon."
"Oo, dapat nga talaga tayong magpasalamat sa kanyang kabutihan. Tignan mo halos inirekomenda niya tayo na big house cleaner sa lahat ng kaibigan niya."
"Natatawa nga ko tuwing naalala ko ang sabi ni Nay Sally. Pasalamat daw tayo, kasi may libreng endorser tayo."
"Sinabi mo pa. Subrang bait pa nilang mag-asawa. At hindi sila nagdadalawang isip na tumulong sa kapwa," pagsang-ayon na sabi ni Ranne.
Napapangiti na lang si Alona habang naririnig sa mga papuri ng mga kaibigan. Dahil totoo naman ang lahat ng iyon.
Maswerte talaga sila na nakilala nila ang mag-asawang Russo. Kasi halos nang nakilala nila ang mga ito ay mas gumaan ang kanilang paghahanap ng trabaho.
At kung hindi dahil sa kabutihang puso ng mga ito, malamang nasa kalsada ngayon sila ni Ninay at naghahanap pa rin ng masisilungan tahanan.
"Ano pala ang sasabihin mo kay Ate Gwendolyn, kapag bigla ka niyang tanungin?" usisa ni Ranne sa kanya.
"Kung sakaling tanungin niya ako, sasabihin ko na lang na hindi ako umabot sa interview."
Gitla siyang tinignan ni Ranne."Anong hindi mo sasabihin?! Siya ang nagrekomenda sa iyo kaya dapat malaman niya na hindi ka tinatanggap sa trabaho."
"Pero ayokong magkaroon sila ng hidwaan ng kanyang kaibigan. Kilala mo naman si Ate Gwendolyn. May pagka-hot din 'yun minsan lalo na pag hindi niya nagustuhan ang kanyang marinig."
Napapangiti na lang si Ninay. "Lagi naman siyang ganoon. Kahit nga kay Kuya Howell. Saka kapag galit siya, galit siya."
"Ano kaya kung manood na lang tayo ng sine. Tutal nandito na rin lang tayo. Ano gusto ninyo? Libre ko." biglang yaya niya sa dalawa.
Nang marinig ng dalawang ang salita LIBRE KO ay mabilis pa sa kidlat na tumango ang mga ito.
Kaya ayun pagkatapos nilang kumain ay tumungo sila sa Cinema para manood ng sine.
At nang nasa loob na sila ng sinehan ay tawa sila nang tawa na para bang wala silang mga problema.