Talagang subrang nag-enjoy sila magkakaibigan. Hindi na nila tuloy napansin na palalim na ang gabi. Mabuti at nagpasundo si Ranne sa kay Kuya Rocky niya. Medyo malayo pa naman ang bahay nila.
"Wait natin ang text ni Kuya," sabi ni Ranne sa kanila.
"Salamat naman at nagpasundo ka kay Kuya Rocky mo," sabi ni Ninay, at bumaling kay Alona. "Ah, pwede bang doon na muna kami ni Ding makitulog sa inyo. Wala diyan sina Nanay eh."
"Oo naman," walang ng isip-isip pa sagot ni Alona. Doon na lang tayo sa may bahay nina Ate Gwendolyn. Sa makalawa pa naman sila babalik."
Biglang napabaling tuloy si Ranne sa kanila. "Kainis kayo ha! Matutulog kayong hindi ako kasama," nakangusong angal nito.
"Oh 'di magpaalam ka kay Kuya Rocky. Siguro naman papayagan ka niya."
Mamaya ay may natanggap silang text ni Rocky at ang sabi ay nasa may parking lot ito at hinihintay sila.
Mabilis silang naglakad sa patungo sa may parking lot. Napangiti sila nang makita nila agad ang taxi na minamaneho ni Rocky.
"Pasok na kayo," sabi ni Rocky nang makalapit na sila.
Mabilis na binuksan ni Ranne ang front seat at maingat na umupo doon. Samamtalang sila naman ni Ninay ay sa back seat tumungo.
"Mukhang nag-enjoy kayo ah," puna ni Rocky nang makaupo na ito sa may driver's seat.
"Subra, Kuya," wag ni Ranne, at tinignan si Rocky ng malamlam. "Kuya baka pwedeng kina Alona ako muna matulog? Please... doon din makikitulog si Ninay. Ang sad naman kapag hindi ako makasama sa bonding nila." Nag-aktong malungkot ito habang pinagdikit ang mga pala na parang nagdadasal na pagayan siya ng kapatid.
Napailing at natawa na lang si Rocky ng nakita niyang nag-puppy eyes pa ang kapatid. "Naku, Bunso, papano pa ako makakapaghindi eh ginamit mo naman ang magic word." Napatingin ito sa may rear mirror ay nakita ang nagsusumamong mukha nina Ninay at Alona.
"Sige na, Kuya Rocky," sabi ni Alona. "Kahit ngayon lang."
"Oo nga naman, Kuya Rocky. Minsan lang magkatugma ang free time namin. Promise, ihahatid namin si Anyang bukas sa inyo," pasegundang pakiusap ni Ninay.
"Sige na nga," sabi ni Rocky, at napangiti ng biglang nagpalakpak ang tatlo.
"Thank you, Kuya. The best brother ka talaga in the whole wide world," malambing na wika ni Ranne, at inabre siete ang kanyang braso sa braso ng kapatid, sabay sandal ng ulo nito.
"Kahit ano para sa 'yo, Bunso," sabi ni Rocky, at hinalikan ang buhok ng kapatid.
Napangiti na lang sila ni Ninay. Sanay na sila makita ang magkapatid na subrang sweet. Kaya sa oras na iyon, hindi maiwasan ni Alona na humiling na sana ay nagkaroon din siya ng Kuya.
Isang Kuya na maalaga, mapagmahal at higit sa lahat karamay niya. Iyon bang magpasasabihan niya ng lahat ng kanyang saloobin at pangarap. Subalit talagang hindi patas ang kapalaran. Hindi man lang siya nakaranas na magkaroon ng kapatid. Pumanaw ang kanyang ama ng maaga. At sa hirap ng kanilang pinagdaan para mabuhay lang ay paunti-unting bumigay ang kalusugan ng kanyang ina.
Lahat na lang ng trabaho ay tinatanggap ng kanyang ina para lang itawid sila gutom. Hindi naglaon ay nagkasakit ito ng malubha at pumanaw. Naiwan siya sa tuloy pangangala ng kanyang tiyahin.
Napaluha siya ng hindi niya namalayan. Ang totoo kasi hanggang ngayon ay labis pa rin siyang nangungulila sa kanyang ina. At kadalasan, s gitna ng gabi ay tumutungo siya sa babayin at ta him ik na kinakausap ang mga bituin. At pilit inuunawa ang kanyang kapalaran.
Nagpapasalamat siya ng lubos na hindi na nag-asawa ang Tiya Sally niya. Kapatid ito ng kanyang ina. Kahit paano ay nalalampasan niya ang labis na lungkot, hirap at pangunngulila sa mga magulang.
She was so absorbed with her thought, kaya hindi niya napansin na paliko na sila ng bahay nina Ate Gwendolyn niya.
"Alona, ano na nandito na tayo," pukaw sa kanya ni Ninay, at masusi siyang pinagmasdan. "Lumuluha ka yata?"
Mabilis na pinunasan niya ang mukha. "Wala ito. Bigla ko lang naalala si Inay," matapat niyang wika, at inayos ang kanyang gamit.
"Nandito na yata sina Ms. Gwendolyn," sabi ni Rocky, at maayos na ipinara ang kanyang taxi. "May pulang Range Rover na nasa tapat ng bahay."
Nagpakunot ang kilay ni Alona. "Ho? Pero sa makalawa pa ang dating nila," wika niya, at agad na bumaba.
"May bisita ka yata, Alona," sabi ni Ranne sa kanya.
"Hindi sila, kundi baka sina Ate Gwendolyn," pagtatama ni Ninay.
"Samahan muna ninyo ako," sabi niya sa dalawa, at humakbang patungo ng rest house.
May kutob na siya kung sino ang nandito. At hindi nga siya nagkamali, dahil nang nasa harap na sila ng rest house ay tumanbad sa kanya ang driver ng supladidong kaibigan ni Ate Gwendolyn niya. Subalit hindi niya napansin si Jaxel na nakatayo sa may 'di kalayoan.
"Oh, nandito na pala siya," sabi ni Tiya Sally niya. "Ikaw na bata ka, gabi ka na ah. Nakakahiya sa kaibigan ni Ate Gwendolyn mo. Kanina pa sila naghihintay sa 'yo."
"Nagkayayaan lang ho kami," paliwanag niya, at maagap na magmano sa tiyahin. "Kasama ko nga po pala sina Ninay at Ranne. Dito daw sila matutulog."
Napangiti si Sally nang makita sina Ranne at Ninay. Agad na nagmano ang mga ito sa kanya.
"Good evening po, Nay Sally," bati ni Ranne.
"Magandang gabi po, Nay Sal," sabi naman ni Ranne.
"Kaawaan kayo ng Diyos," sabi ni Sally, at umaktong binedensyonan ang dalawa. "Sige na, harapin mo na ang mga bisita at kanina ka pa nila hinihintay."
"Sige ho," sabi ni Alona, at pinakiharapan ang driver. "Paumanhin, kung ngayon lang ako nakarating. Ano pala ang sadya mo?"
Umiiling ito. "Hindi ako ang may sadya," mabilis nitong sagot, at agad na lumingon sa kinatatayoan ni Jaxel. "Si Boss ang may kailangan."
Halos napanganga si Alona nang makita niya si Jaxel sa may 'di kalayuan. Napakurap siya ng ilang beses at hindi makapaniwala na pinuntahan siya nito.
May nagsabi namalakas si Ate Gwendolyn niya dito, pero hindi niya sukat akalain na ganito kalakas si Ate Gwendolyn niya sa lalaki para personal siyang puntahan.
Mabilis na naglakad si Jaxel patungo sa kanya.
"May kailangan kayo sa akin? Mukhang subrang importante yata at pinuntahan ninyo ako dito."
Umismid si Jaxel. "Yes, too important kaya makinig ka. Bukas dapat alas singko ay gising ka na. Susundoin ka dito ni Damon." Agad nitong itinuro si Damon, na ngumiti naman sa kanya. "Bukas na din natin pag-usapan ang iba pang detalye ng trabaho mo pati ang sahod."
"Ho? So tanggap na ako?"
Mabilis na mabanas ang mukha ni Jaxel. "Kakasabi ko lang. Hindi ba malinaw? Do I need to tell you, You're hired?!" sarkastikong wika nito, at tinignan siya ng masama. "Anyway, bring some extra clothes. Decent clothes to more precise."
Napatango na lang siya kahit nais niyang sabihin sa lalaki na lahat naman ng damit niya ay disente.
"And I hope, Marikit has already told you kung ano ang mga ayaw ko sa isang empleyado. Sana ma-memorize mo."
"Oho, nasabi niya" sabi niya, at pilyong napangiti.
"Kung may tanong ka pa, bukas mo na itanong. Gabing-gabi na, and we have to go," yamot na sabi ni Jaxel, at tinignan ang kanyang driver saka pumasok ng back seat.
Para napako si Alona sa kanyang kinatatayuan habang tinitignan ang palabas na Range Rover. Hindi siya makapaniwala na bukas ay may regular na trabaho na siya.
"May trabaho na si Alona!" masayang wika ni Ninay. "Yes, malilibre niya na kami ni Ranne ng paborito namin chicken."
Napangiti na lang si Alona sa winika ni Ninay. "Sunduin mo na si Ding sa inyo," utos niya, at lumingon kay Rocky. "Kumain kaya muna kayo Kuya bago kayo umalis."
"Busog pa ako," sabi ni Rocky, ngumiti. "Ah, baka hindi ko na masusundo si Bunso bukas. Pakidaan mo na lang siya sa may paradahan ha." Dumukot ito ng pera mula sa bulsa at ibinigay sa kapatid. "Pamasahe mo bukas. Maaga ka magising para makasabay ka kina Alona."
"Oho, Kuya. Salamat," sabi ni Ranne, at niyakap ang kapatid. "Ingat kayo sa daan."
Agad na sumakay si Rocky sa kanyang minamanehong taxi.
"Kumain na ba kayo?" tanong ni Sally sa kanila.
"Kumain na po, pero parang gusto ko kumain uli," sagot ni Alona.
"Ako din ho, Nay," sabad ni Ranne, at ngumiti.
Napangiti na lang si Sally sa kanila. "O siya, halikayo sa kusina nang makakain na kayo."