Pagkatapos nilang kumain ay iniligpit nila ang kanilang pinagkainan at pagsipagsipilyo. "Gusto mong mag-half bath, Ranne?" tanong ni Alona sa kaibigan. "May extra undies ako doon. Nakasupot pa." "Di na kailangan may dala ako," dabi ni Ranne, at ipinakita ang panty na nasa bag. "Pahiram na lang ng pajamas." "Talagang hindi ka pa din nagbabago. Girl scout ka pa din," sabi niya, at ngumiti. "Nasaan kaya si Ninay?" "Nasa guest room na 'ata," sabi ni Ranne, at biglang ngumiti ng pilya habang tinitignan siya. Napakunot ang kanyang kilay. "Anong tinatawa-tawa mo diyan? Tumigil ka, parang kang tanga!" Subalit nanatili pa rin ang pilyang ngiti sa may labi ng kaibigan. "Ang subrang gwapo kasi ng amo mo. Alam mo iyong pang boyfriend material. Saka maliban doon napakakisig niya at napakabago. A

