Maagang nagising si Alona para abangan ang mga batang nagtitinda ng pandesal. At habang naghihintay siya sa mga ito ay nagsalang na siya ng kanin at nagpakulo na din ng tubig. Masarap at mainit pa ang pandesal na tinitinda ng mga bata. Maya-maya lang ay naririnig niya na ang malakas na sigaw ng mga ito. Agad siyang lumabas upang kawayan ang mga bata. "Ate Alona?" sabi ng isa, at kinurap-kurap ang mata nito. "Ay, si Ate Alona nga!" Si Alona naman ay napangiti nang mapagsino ang nasa harap niya. "Magandang umaga Dowel, pabili ng tatlong supot," sabi niya, at magiliw na pinagmamasdan ang bata. "Pumalaot ba si Tata Raul?" "Opo, Ate," nakangiting sagot ni Dowel, at ibinigay ang tatlong supot ng pandesal. "Dadalhan ko ba kayo ng tulingan at alimasag?" "Sige ba kapag mayroon, samahan mo na

