"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Baka magalit si Nay Sally niyan," sabi ni Raquel. Alanganin itong napatingin sa kanya habang nasa labas sila ng isang parlor. "Ayokong masabon, Alona." "Oo naman. Magtiwala ka, hindi siya nagagalit," nakangiti niyang wika, at hinila si Raquel papasok ng parlor. "Saka pakukulayan ko lang ang buhok ko, hindi ko naman papuputulan." "Pasok kayo!" Halos tili ng dalawang baklita nang makita sila. "Ay bongga, ang ganda ng hair. Upo kayo. Samantha, ikaw na sa kay Ms. Unat at ako na kay Ms. Curly ," sabi pa ng baklita, bago inikahad ang kamay. "Andy at your service." Pinaghila siya ng upuan, at pinaupo sa swivel chair. "Magpapaunat, at magpapakulay ako ng buhok," walang alinlangang niya wika. "At siya daw magpapagupit." Matamis na ngumiti sa kanya ang nagpakilala

