Napatitig siya kanyang boss na blankong nakatingin sa kanya. At sa unang pagkakataon ay napagmasdan niyang napakagwapong mukha nito. Mula sa makapal na kilay at bibig nito, hanggang sa nagbabagong kulay abo nitong mata. Masasabi niya na para itong isang Greek God na bumababa sa Zion. Napakurap siya, at tumikhim. "Magtititigan na lang po ba tayo? I mean, madami pa akong gagawin. Kaya kung ano man kailangan ninyo ay sabihin ninyo na," sabi niya sa mahina at pormal boses. "I want you back," sabi nito, at biglang natauhan. "I mean, I want to ask you to work for me again." "I'm sorry, but may work po ako," pranka niyang sagot. "At kong ikinababahala ninyo na magsumbong ako kay Ate Negra, huwag kayong mabahala. Mas nais kong mamuhay at magtrabaho ng walang sinisirang tao. Ako na ang bahalang

