Bitbit ang kanyang pinamili ay agad siyang naglakad patungo ng bahay nila. "Nay! Nay! Nandito na po ako!" masiglang niyang sigaw nang malapit na siya sa pintuan ng kanilang bahay. Subalit walang sumagot sa kanya. Naisip niya na nasa kapit bahay lang ang tiyahin niya. Lalo na't nabalitaan niya kay Totoy na nakasalabas na si Tay Vicente. Marahan niya na binuksan ang pintuan at agad na pumasok. Dagling naglakad patungo ng kusina para inaayos ang mga pinamili. Pagkatapos ay tinignan kung may sinaing na. "Aba'y hindi pa pala nakapagsaing si Nay Sally," sabi niya, at akmang kukunin sana ang kaldero pero natigilan siya. May sakit ang kanyang tiyahin. Hindi kaya nasa kwarto lang ito at nagpapahinga. Mabilis na hinakbang ang silid ng tiyahin. At halos napasigaw siya nang makita ang tiyahin na n

