Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din siya Inaantok. Mulat na mulat pa din ang kanyang mata at para bang uminom siya ng ilang basong kape. Nagpakawala siya ng ilang buntong hininga habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa may kisame na tila'y naghihintay sa pagsulpot ng mga butiki upang siya ay aliwin. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit nga ba tila'y hindi niya magawa ang matulog? Bumangon siya at hinanap ang kanyang celphone. Balak niyang tawagan si Ninay o si Ranne. Batid niyang maaring tulog na ang mga ito pero sinubukan niya pa din. Kailangan niya ng kausap. Una niyang tinawagan si Ranne subalit nakapatay ang phone ng kaibigan. Sumunod ay si Ninay. Ring lang nang ring ito. Nais niya ng putolin ang tawag ng biglang sinagot ito ng kaibigan. "Alona? Bakit ka napatawag? May n

