ISA
Mahimbing na natutulog si Lars nang bigla na lang sumigaw sa kanyang tenga si Loisa, ang kanyang biyenan na isang basura ang tingin sa kanya kaya naman ay nagising na lamang siya.
"Hoy lalaking batugan, umaga na at dapat ay labhan mo na ang damit naming lahat para naman mayroon kang pakinabang," tinapin ni Loise ang damit niya sa mukha ni Lars. "Gusto ko malinis ang pagkaka laba mo sa damit ko ha? Ayaw ko na may kahit katiting na mantsa!" she added.
Napakasama ni Loisa kay Lars simula nang maging asawa siya ni Angel. Wala siyang ibang choice kundi tiisin ang mga masasakit na salita ng kanyang biyenan dahil hindi nila kayang umupa ng sariling bahay. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang tumira siya sa bahay na ito na itinuring niyang isang impiyerno. Kumunot ang kanyang noo sa galit dahil hindi niya matiis ang mala demonyong pag-uugali ni Loisa at sa unang pagkakataon, matapang siyang lumaban sa sumusobra na niyang biyenan.
"Tita," paunang sabi pa ng binata, naiilang siyang tawaging nanay ang kanyang biyenan dahil na rin sa sama ng ugali nito, "Wag mo naman itapon ang mga damit mo sa akin. Asawa po ako ng anak ninyo at hindi ako isang utusan dito sa bahay. Nakaka sawa na ang ganitong pag trato ninyo sa akin," matapang niya pang saad.
Nagbingi-bingihan lang si Loisa at sinampal ang mukha ng binata, "Aba? Napaka lakas naman ng loob mo na magsalita sa akin ng ganito ha? Ako ang pinaka nirerespetong tao dito sa bahay at ako ang may pinaka magandang kinikita. Kaya naman ta tratuhin kita sa paraang gusto ko. Sige na, mag laba ka na, hindi ka kakain hangga't di ka tapos sa pag lalaba mong batugan ka!"
Hindi pa nakuntento si Loisa at muling hinampas ang ulong binata. Dahil manhid siya, napabuntong-hininga si Lars at naglakas-loob na ulitin ang paghampas sa mukha niya. "Mahina ang kamay mo para sampalin ang makapal kong mukha, tita! Halika, hampasin mo lang ako hangga't gusto mo, di ba basura ako, tama?"
Ang kanyang determinadong mga mata at matapang na boses ay nagpatahimik kay Loisa ng ilang segundo, hindi niya maisip na magkakaroon siya ng lakas ng loob na lumaban sa pagkakataong ito. Sa kanyang isipan, alam niya na mayroon din naman siyang pakinabang sa pamilyang ito. Siya ay nagsisikap na makapagbigay ng kaunting pera sa kanilang pamilya ngunit tila binabalewala ng mga ito ang kanyang pagsisikap, lalo na si Loisa at ang kanyang asawa na kahit kailan ay hindi niya nagalaw. Halatang para siyang basura sa magulong bahay na ito na puno ng mga bully sa kanyang buhay.
Sa wakas ay binasag ni Loisa ang kanyang katahimikan pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "Kung hindi ka basura, ano ka ba? Kahit na sinubukan mong sumabat, hindi mo mababago ang pakikitungo ko sa iyo! Kung hindi mo na kayang mamuhay ng ganito, magpakamatay ka!" paninigaw ulit ni Loisa
Napayuko si Lars at naikuyom ang kamao sa galit. Gusto niyang lumaban ngunit hindi niya nakitang na mayroon itong patutunguhan.
"Anong nangyayari rito? Bakit kayo nagsasalita na parang ang layo niyo sa isa't isa?"
Natuwa si Lars nang marinig niya ang boses ni Angel. Nakita niya ang kanyang napakagandang asawa na nakatayo sa tabi ng pinto habang ang mga nakalagay ang mga kamay nito sa kanyang dibdib, "Angel, may kaunting pag aaway lang kami rito!"
"Bakit na naman ma? Asawa ko si Lars at dapat ay irespeto mo rin siya!" pag tatanggol ni Angel sa kanyang asawa.
Lumingon si Loisa para harapin ang kanyang anak at napa simangot ito, "Ano bang pinag sasabi mo ha? Ang dignidad ay isang bagay na wala sa batugan mong asawa. Ewan ko ba sayong babae ka!" Ibinalik niya ang tingin kay Lars. "Sa dami ng mga lalaki sa mundo, isang kagaya pa ni Lars ang nakuha mong pakasalan!"
Dismayadong tumingin si Angel kay Lars. Sinusubukan niyang ipagtanggol ang binata subalit ayaw niya na mag away silang dalawa ng kanyang nanay. Sa likod ng kanyang pag iisip, gusto niya nang sabihin na wala naman talagang silbi ang marriage nila.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Loisa. sa kanyang anak.
"Ma tara na po. Nag-impake na si Dad at hinihintay tayo!"
Kinaladkad ni Loisa ang kanyang mga paa kay Angel at bumulong. "gusto ko na talagang iwasan ang tatay mo. May paraan ba para ilayo ko ang sarili ko sa kanya? Na aalibadbaran talaga ako sa kanya eh!"
Nagkunwaring inayos ni Lars ang kanyang higaan para makarinig sa kanilang usapan.
Dalawang beses na kumurap si Angel at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa kanyang ina. "Ito lang ang paraan para para maayos ang financial problems natin ma!"
Itinagilid ni Loisa ang kanyang mga labi. "Di hamak na mas maganda ang dalawang kapatid mo kaysa sa iyo. Tsaka secretly married ka na ngayon! Kung malaman ng lahat ang tungkol sa inyo ni Lars, siguradong magiging topic ka ng bayan at mapapamura ka. Bibigyan mo pa ng kahihiyan ang ating pamilya."
Nalungkot ang mukha ni Angel sa narinig. "Siguro ito na ang kapalaran ko. I am just a nobody, at wala na naman sigurong pakialam ang society sa akin."
"Dapat ay hindi ko na hinayaan na pakasalan mo itong si Lars dahil sa akala kong anak siya ng mayayaman. Sobrang nagsisisi ako na iniligtas ko siya noon sa aksidente. Ni wala nga siyang memorya ng kanyang nakaraan at wala na siyang pakinabang pa sa ating pamilya."
Si Angel na nakatutok ang mga mata kay Lars ay kumunot ang noo at kitang-kita ni Loisa kung paano siya nagsisisi na pinakasalan niya ito. "Siguro nga noon ay nabulag ako sa feelings ko sa kanya pero hindi na siya attractive para sa akin. So sana ay may chance pa ako na baguhin ang kapalaran ko."
Biglang naging masigla si Loisa. "Ganun ba?"
"Siguro?" Hindi sigurado si Angel sa gusto niyang mangyari.
Malayo sila kay Lars at kahit na hindi niya naririnig ang bulongan nila. Pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamasamang backstabbing na natanggap niya sa dalawang taong pinagkakaisahan siya. Nais niyang sabihin sa kanyang asawa na hindi siya basura tulad ng sinabi ng kanyang biyenan.