Episode 6

1229 Words
  TIMOTHY   Dapat lang 'yun sakanya, masyado na siyang nagiging pakialamero sa buhay ko. Masyadong feeling close kahit na kakakilala palang namin.   Kaya ayun, iniwanan ko siya sa may gate ng hacienda kung saan malayo pa ito sa mismong bahay kung lalakarin.   Pinark ko lang ang sasakyan ko at kinuha ang binili ko saka ako pumasok sa loob.   Bumili lang ako ng alak dahil gusto kong mag-inom, wala lang akong magawa kaya magpapakalunod ako mag-isa. Kung hindi lang naman kasi ako naiinis sa baklang 'yun kanina, nandito sana 'yun para samahan ako.   Pagkalapag ko palang ng alak sa kusina para sana magsimula ng maginom ay may bumusina sa labas dahil ng pagkakakunot ng noo ko   Sino naman ang makakaisip na pumunta dito? At wala man lang nakapagsabi sa mga nagtatrabaho dito kung maypupunta dito ngayon?   I don't even bother myself to call anyone, lalo na ang mommy. Ganun naman sila kaya nakakatampo ang ginagawa nilang pangbabalewala, hindi naman sila ganito noong nasa syudad pa ako.   Pinuntahan ko nalang ang pinto para lang magulat sa nasilayan ng mata ko. It was Marco at kasama niya si bakla? Paano nila kilala ang isa't isa?   "Hey, Bro. What's up?" Sabi nito saka lumapit ito sa akin at nakipag friendly hug.   "Anong ginagawa mo dito?" Instead of looking at Marco, sa kay bakla ako nakatingin na nakunot ang noo.   "Having my vacation here. Buti nalang pinayagan ako ng lola mo na dito rin ako magbakasyon, but she told me that walang kalokohan ang mangyayari" Napatingin na ako kay Marco.   Nakatayo lang si bakla sa tabi ng kotse ni Marco na sa malayo lang nakatingin. Problema niya?   "Oh, I forgot may kasama pala ako" Marco said at lumapit sa bakla. "He's my new friend at mukhang itotour niya ako rito" Sabi pa nito.   Napataas ang isa kung kilay dahil sa kanyang sinabi. What did he say? Anyways, I don't care. Mas mabuti narin iyun dahil hindi na siya makakaistorbo sa akin.   STEVE   Kung makatingin 'tong hayop na 'to parang ako pa 'tong may kasalanan sa aming dalawa, ah?   Kanina pa 'yan simula ng makita niya kaming magkasama nung kaibigan niya na mukhang may saltik din sa ulo.   Pakilala ba naman akong new friend tapos magiging tour guide pa daw niya ako? Anong tingin niya sa lugar namin, tourist spot? Paguntugin ko ulo nilang dalawa, e.   "I think this place is beautiful at mukhang makakarelax ako sa lugar 'to" Sabi ng kaibigan ni Timothy na si sir Marco.   Nakaupo kami sa sala dito sa malaking bahay pagkatapos niya akong hilain din papasok sa loob.   Nakakainis lang dahil ano pa ba ang ginagawa ko rito? Mukhang sila lang kasi ang nagkakaintindihan, e.   "Anyways, what do you think, auhm Steve right?" Tumango lang ako. "Saan maganda mamasyal dito sa Isla Experanza?" Tanong niya.   "Marami po, Sir."Sabi ko nalang dahil kahit na hindi tourist spot ang lugar namin talagang may mga lugar dito na magaganda, lalo na ang mga tabing dagat pero karamihan ay ilog sa mga baba ng bundok.   "Okey, then. Mamamasyal tayo bukas." Bumaling ito sa kanyang kaibigan. "Sasama kaba sa amin, bro?" Tanong nito.   Nakakunot lang kasi ang noo niya na parang hindi interesado sa mga pinagsasabi ng kaibigan niya. Plastik siguro 'to, e.   "Wala akong pera. Na freeze lahat ng bank accounts ko" Sabi nito na ganun parin ang ekspresyon.   "Don't worry, I have my money here. Hindi naman kasi ako katulad mo na brat at kailangan lang disiplinahin para magtanda hahaha" Tinignan niya ang kaibigan ng sobrang sama.   Ang daldal din kasi ng isang 'to, e. Mukhang napipikon na sakanya ang isa at nagpipigil lang.   Bahala sila diyan basta huwag lang nila akong idamay sa kung ano man ang hindi nila pagkakaintindihan.   "Okey, I'm just kidding. Ano sasama kaba?" Sabi ni sir Marco.   "Yah" Matipid lang na sagot ni Sir Timothy.   "Then na settle na. By the way, I'm hungry nasaan ang kusina dito? Magfefeel at home nalang ako haha"   Sinamahan naman siya ng isang katulong na napadaan dito ng tawagin niya ito. Umalis na nga si Sir Marco at naiwan kaming dalawa ng amo ko dito.   Tumingin ako rito bg masama para ipakitang hindi talaga ako natutuwa sa pagmumukha niya.   "What?!" Sabi nito na nakataas ang isang kilay.   "Anong what, what ka diyan? Balak mo pa akong pagurin sa paglalakad. May sira ba 'yang ulo mo?" Pagtatalak ko sakanya na namewang pa ako.   "The hell I care, bakla? Saka binabalaan kitang huwag mong lalandiin ang kaibigan ko" Sabi niya.   Anong ibig niyang sabihin na lalandiin ko ang kaibigan niya? Ano ba tingin niya sa akin? Dahil lang sa hindi niya ako kilala ay nasasabi na niya iyan?   Aba! Hindi naman pwedi ata 'yun.   Lumapit naman ako dito at pinitik ko ang kanyang noo at lumayo ng konte saka namewang sa kanyang harap.   "What the?!" Tumayo ito at pinitik rin ang aking noo.   Dahil matangkad siya sa akin ay tiningala ko siya masama ang tingin.   "Bwesit ka talaga!" Sabi ko sakanya.   "Mas bwesit ka, bakla" Aba! Palaban talaga 'tong lalaking ito, e   Nagsamaan nalang kami ng tingin at natigil lang iyun dahil sa kay Sir Marco na dumating na may bitbit na pagkain at maiinom.   "Wooyy, What's wrong with the two of you? Mukhang may hindi ako alam, ah?" Sabi nito at nilapag ang kanyang dala dala.   Bumalik naman kami sa kanya kanyang inuupuan kanina.   "Wala!" Sabay naming sabi at napairap sa bawat isa.   "May LQ kayo?" Ani si Marco kaya napatingin kaming pareho sakanya.   Pinagsasabi niyang LQ? Hindi LQ 'to kundi War.   "Anong pinagsasabi mo diyan? Walang kami at never magiging kami ng baklang iyan. Alam mong hindi ako papatol sakanya?" Sabi ni sir Timothy.   "Tama at mas lalo na ako dahil hindi ako magkakagusto sa isang brat baka ilublub ko lang sa dumi ng mga baboy sa bukid" Sabi ko.   Wala naman na narin ako ginagawa kaya tumayo na ako para magpaalam. Magtatanghali narin at kailangan ko pang gawin ang paghahatid ng mga pagkain sa mga trabahador sa bukid. Naka schedule ako ngayon, e.   "Aalis na po ako mga sir, sorry po sa pagiging pakialamero" Sabi ko saka naglakad na palabas ng pinto.   "Ihahatid na kita" Tanong ni Sir Marco.   Tumanggi nalang ako at saka lumabas sa malaking bahay. Bakit niya pa ako kailangang ihatid, e malapit lang naman ang bahay namin dito.   Saka baka magkasagutan lang na naman kami ng bwesit na Timothy na 'yun. Nag sorry nalang din ako dahil masyado ko na siyang sinasagot sagot, P.A lang pala ako at wala ako sa posisyon na 'yun.   Kinuha ko naman ang cellphone ko ng tumunog ito na tanda na may message na dumating.   "See you tomorrow" Sabi sa text at unrigistered number ang nagtext. Nireplayan ko nalang.   "Sino po sila?" Reply ko. Wala naman kasi akong kikitain bukas, e. Nakakapagtaka at bakit may nagtetext sa akin na kung sino sino.   "Sorry, hahaha. Marco here, kinuha ko ang number mo kay Timo. Save mi nalang hehe" hindi ko nalang nireplayan dahil wala naman akong sasabihin at tinatamad akong makipagtext.   Masyado rin kasi itong madaldal at parang hindi papapigil sa kanyang mga sinasabi pero sa kabilang banda ay mukha naman siyang mabait. Ewan ko nalang bakit niya naging kaibigan 'yung isa dahil magkaibang magkaiba ang kanilang ugali.   Sana lang sa pananatili nila dito ay walang mangyayaring kalokohan dahil baka ako ang pagagalitan. Kabilin bilinan pa naman sa akin ni Lola Silvestre na bantayang mabuti ang kanyang apo at sasabihin kung anong kalokohan ang kanyang ginagawa dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD