STEVE
Pabyahe na nga kami papunta sa sinabi kung magandang pasyalan dito sa lugar namin.
Si sir Marco ang nagdadrive habang 'yung bwesit ay nasa passengers seat at dito naman kami sa likod.
Oo kami, kami ng may bulok sa utak kung kaibigan na walang hiya na sasama sa amin kahit na hindi naman naimbitahan.
"Friend, ang gwapo naman ng mga sirs mo" Bulong nito sa akin at nakatingin lang.
"Manahimik Patty kung ayaw mo litchunin kita, isantanbi mo muna iyang kalandian mong baboy ka.
Nakita niya kasi ako kahapon na naglalakad papuntang bukid at dahil taga hacienda rin naman siya, pero may kalayuan lang ang kanilang bahay. Heto na ngat inusisa na ako sa mga kaganapan sa buhay ko at ako naman 'tong sira na nagkwento kwento.
Simula kasi ng pagkabata magkaibigan na kami kaya walang taguan ng lihim sa aming dalawa.
Nagkakilala narin sila ng dalawa sa harap at ito pa ang nagoffer sa kanyang sarili na sasama daw sa pupuntahan namin kinabukasan. Wala talaga siyang hiya kahit kailan.
"Huwag mo na akong binaboy, bakla ka. Noong mga bata palang tayo 'yun" Sabi nito saka ako binatukan ng mahina.
"Ang ingay ingay mo kasi para kang baboy na gutom" Sabi ko.
"Pero seryoso, Ang daming nagbago" Sabi nito.
Hindi naman kami naririnig ng dalawa sa harap dahil bulungan lang ang pag-uusap namin na sakto lang para marinig namin ang bawat isa.
"Hayaan mo na 'yun, kung nakalimutan na edi nakalimutan na" Sabi ko.
Hindi naman na kami nag-usap pagkatapos nun at tumingin nalang ako sa nadadaanan namin.
Medyo may kalayuan din naman ang lugar na parang palabas na ito ng Isla at kasunod na bayan ang kalapit niya.
Hindi ko naman maiwasang hindi isipin ang sinabi ni Patty na madami na ang nagbago.
Totoo naman ang kanyang sinabi, marami ang nagbago sa mga bagay bagay lalo na sa mga taong nasa paligid natin.
Siguro may mga dahilan sila kung bakit sila nagbago at hindi dapat natin 'yun huhusgahan dahil ang bawat isa ay may pananaw sa buhay.
Napapabuntong hininga lang ako sa tuwing naiisip ko ang noon.
Hindi naman nagtagay ay nakarating kami sa lugar na pupuntahan namin. Nagpark lang ng kotse si sir Marco at bumaba na kaming lahat.
"Welcome sa sitio kwatro" Sigaw ng walang hiyang si Patty.
"What place is this? Bakit walang mga tao at puro nakapark lang na sasakyan ang nandito? Ang creepy." Sabi ni Sir Marco na nililibot ang kanyang tingin.
"Huwag kang excited, sir. Kung gusto mo tumalon ka doon sa may tulay para ma-enjoy mo." Napatingin dito si Sir Marco. "Joke lang, Halina nga kayo. Kanina pa naghihintay 'yung frenny ko sa loob."
Nauna na ngang maglakad si Patty at sumunod ako sakanya. Napatingin ako sa dalawa na nag-aalinlangan pang sumunod. Ngumiti ako sakanila at sinabi kung hindi nakakatakot dito.
Hindi naman talaga nakakatakot dito. Kung bago ay magtataka ka bakit puro mga puno lang makikita mo.
Pumasok kami sa kakahuyan kung saan ang daan papunta sa mismong lugar. Ilang hakbang lang naman ay mararating muna. Hindi kasi nakakapasok ang sasakyan sa loob dahil hindi ito magkasya at walang parking lot dito.
Pagkalabas namin sa kakahuyan ay napalaki ng kanilang mga mata ang dalawa naming kasama.
"WOW!!!" Sigaw ni Sir Marco at talaga namang lumaki pa ang kanyang singkit na mga mata.
Napatawa nalang kami ni Patty sa kanilang reaction.
"WELCOME HAHAHA" Sigaw namin ni Patty.
"Ang ganda dito. Pang-i********: ang datingan" At nilabas nito ang kanyang cellphone.
Pansin ko ring kanina pa hindi nagsasalita ang isa pa naming kasama. Ang tahimik niya kanina sa byahe palang. Tumitingin tingin lang siya sa mga lugar na nadadaanan namin.
Naglakad naman kami papunta sa mga kubong naruruon. Malayo pa lang kami ay nagsisigaw na si Patty at napaghahalataan talagang taga bukid ang isang 'to.
"BAKLLAAAAA!" Sigaw niya kaya ang mga taong nandito ay napapatingin sa amin.
Hindi ko alam kung si Patty ba ang nakaagaw ng atensiyon o 'yung kasama namin na mga greek god ang datingan. Pwedi na nga silang maihalintulad sa mga Hollywood actors dahil sa kanilang tindig.
Lumapit naman kami sa naroroong kubo o sabihin na nating tindahan.
Ang lugar ay isang baryo kung saan may mga bulaklak na makikita sa malawak na area sa dulo ng mga bahay na parang nakalinya at naging daan patungo roon.
Ang bawat bahay ay may kanya kanyang pakulo, may pabuko juice, halo-halo, souvenir at iba pang paninda na ikinabubuhay nila dito.
Tourist spot na ito simula ng magtulong tulong ang mga nandito upang mapaganda ang lugar. Pweding pwedi ito sa mga mahilig magtake ng selfie pero dahil tago ay mahirap itong hanapin kung wala kang kasama na nakakaalam sa lugar ay maliligaw ka.
"Kamusta 'teh?" Tanong ng isang bakla o babae? Ewan ko.
Maganda kasi siyang bakla hindi katulad ko na pandak na nga, e may kaitiman pa. Wala naman akong pimples, e pero pangit parin akong bakla.
"Anong kamusta ka diyan, galing din ako dito kahapon diba?" Sabi naman ni Patty at binatukan ito. "Anyways, may bago na naman akong mga kasama ngayon." At pinakilala kami nito isa isa.
"Welcome mga sirs sa aming sitio. Enjoy lang sa pagstay dahil kung gusto niyo magstay overnight para makita ang mas lalo pang pagganda ng lugar tulad ko hahaha may tent area po kami dito kung saan pwedi mag tayo ng lugar at kung wala kayong tent pwedi kayong magrent dito sa amin" Sabi nito.
Napatango tango lang ang dalawa.
Napatingin naman ako sa kay Sir Timothy dahil nakakapagtaka lang na hindi man lang ito nagsasalita. Bahala na nga siya dahil mageenjoy nalang ako dito, kahit na pang-ilang beses na akong nakapunta dito.
Naglakad nalang kami papunta sa mga sari saring bulaklak na nakatanim sa dulo ng mga bahay, hindi naman kalayuan ang lalakarin mo dahil konte lang ang mga taong nakatira dito.
Todo ang kuha namin ng litrato at ang cellphone ni sir Marco ang ginamit namin. Dahil wala ring hiya si Patty ay nagpaka model ito at nagpaka photographer naman si sir Marco para kuhanan ng picture si Patty.
"Sir, kanina kapa tahimik, ah?" Tanong ko ng maiwan kami sa may silong ng isang puno.
Pati nga sa mga pictures namin hindi man lang siya nakangiti ng maayos. 'yung iba ay pilit lang dahil ayaw daw niya. Ang arte arte, e.
"Wala kang pakialam, bakla" Sabi niya na hindi man lang nakatingin sa akin.
"Edi wala. Bahala kang manahimik diyan at ng matuyuan ka ng laway" Sabi ko sakanya at inirapan pa.
Pagkatapos ng picture taking ng dalawa ay bumalik kami sa naroroong mga paninda ng pagkain. Napili namin sa halo halo sa buko.
Bukod sa milk bar na best sa isla ay isa pa dito ang halo halo sa buko na talagang sobrang sarap sa panlasa ng mga tao.
"Parang gusto ko na dito tumira habang buhay. Imagine, fresh air, fruits at wala pang traffic unlike sa syudad na ibang iba sa katulad ng nakikita ko rito" Sabi ni sir Marco sa kalagitnaan ng pagkain.
Totoo naman ang kanyang sinabi na magka-ibang magka-iba ang syudad sa probinsiya. Dahil sa syudad ay maraming makabagong teknolohiya or mga pampasaherong sasakyan hindi at mga factory na nagbubuga ng mga usok dahil ng pag polluted ng hangin doon. Ang mga puno rin ay mabibilang mo lang dahil napuno na ng mga nagtataasang buildings.
Hindi natin alam kung sino ang sisisihin, ang pagbabago ba ng panahon o ang mga taong gumagawa ng ito. Pero para sa akin, ang tao na binabago ang panahon. Ang gulo 'no? Hayaan niyo na. Hahaha
Namasyal pa kami pagkatapos naming magmeryenda libre ni sir Marco ayon na rin sa kanyang sinabi.
Nakipagtalo pa nga si sir Timothy sakanya dahil ayaw neto magpalibre, aayaw pa e grasya na ang lumalapit.
Pumunta kami sa part ng nag lalakihang puno na namumulaklak ng dilaw, parang katulad nito ay sa japan.
Nahuhulog na ang mga bawat bulaklak niya at perfect para sa isang photography spot.
Nagpicture picture naman ang dalawa na masyado ng nagiging close sa isa't isa. Sana pala hindi nalang nila kami isinama dito at sila nalang dalawa tutal sila lang ang mukhang mageenjoy, hindi katulad ng kasama ko na amo ko. Nakabunsangot lang ang mukha simula pa kanina.
"Why are you staring at me?" Sabi nito.
Nakatingin kasi ako sakanya na nakakunot ang noo. Parang badtrip ang itsura niya, e.
"Nakasinghot kaba ng usok galing sa syudad at hanggang ngayon ay hindi parin naalis 'yun?" Tanong ko sakanya.
"Just don't mind me, bakla. Masanay ka ng ganito kaya manahimik ka diyan." Okey, sabi niya e.
Hindi ko nalang ulit siya kinausap hanggang sa nasa byahe na kami pauwe.
"Saan tayo maglulunch?" Tanong ni Sir Marco.
Si Patty nalang ang sumagot at itinuro ang daan, nagpalit na nga sila ng pwesto ni sir Timothy at si Patty na ang nasa tabi ni sir Marco.
Kaya boring tuloy dahil wala man lang akong makausap dito sa likod. May kalayuan pa naman ang byahe papunta sa bayan para kumain.
Naramdaman ko nalang na parang may yumuyogyog sa akin. Idinilat ko ang mata ko para lang makita ang mukha ng isang anghel.
"Ang gwapo."Sabi ko at ipinikit ulit ang mata ko.
"Alam ko, bakla." Sabi nito kaya napadilat ulit ako ng mata para lang mapaayos ng upo.
Nakaunan kasi ako sa kanyang mga hita. Hindi ko kasi namalayang nakatulog pala ako sa kahabaan ng byahe.
Lumabas na ito ng sasakyan na ngayon ko lang din napansing dalawa nalang kaming natitira sa sasakyan at mukhang nasa loob na ang dalawa.
Nakakahiya pa 'yung ginawa ko at parang ayoko nalang kumain na kasama sila dahil alam kung aasarin ako ni Patty dahil sigurado akong nakita niya ang ayos namin bago ito lumabas.