C-15: Going Back Home

1681 Words
Third POV Tahimik si Sum na sumama kay Arvin bago pa sila tuluyang pumasok ay humarap ang binata sa kanyang hipag. "I'm sorry Sum, sa ginawa ni Mommy. Sana huwag kang magsasawang intindihin siya," malungkot na sabi ni Arvin. Kiming ngumiti si Summer. "Naiintindihan ko siya bigla kasi akong umeksena sa buhay niyong lahat," Ngumiti din naman si Arvin. "Sometimes, hindi natin naiintindihan ang mga nangyayari pero sure naman na may purpose ito. Alam kong hindi din maganda ang turing sa'yo ni Kuya kagaya ng sinabi ko, huwag ka sanang magsasawang intindihin sila." Saad nito. Marahang tumango si Summer kahit na hindi nito alam kung hanggang kailan siya iintindi. Kahit na walang kasiguruhan kung hanggang kailan siya magiging open minded. "Mahal ko siya Arvin, noong bata pa lang ako alam kong mahal ko na siya. Pero hindi ko pinilit na maging asawa niya dahil alam kong may mahal na siyang iba. Ang akin lang ng gabing iyon ay may maganda ala-ala na maiiwan sa akin dahil sa ginawa namin. Hindi ko inaasahan na ikakasal nga kami ng totoo," paliwanag na ni Sum nagbakasakali siyang makarating kay Alas iyon. Tumango-tango naman si Arvin at tuluyan na nitong binuksan ang pinto. Pagkapasok nila ay nakita nilang nakatutok si Alas salaptop na nasa kandungan nito. "Hinay- hinay lang baka ka mabinat," Sabi ni Arvin. Nakangiting lumingon si Alas kay Arvin pero kagyat na unti-unting nawala ang ngiti sa labi nito nang makita nito si Summer na kasama ni Arvin. "Akala ko umuwi ka na," walang emosyong sabi ni Alas at ibinalik na nito ang tingin sa kanyang laptop. Nagkatawanan sina Arvin at Summer, tinanguan naman ito nang binata. Kung kaya't mas lumapit pa si Summer at inayos ang kama ni Alas. "Ilalakad niya daw muna ang bill mo , ako daw muna dito hanggang maaasikaso ang discharge papers mo." Maalumanay na sagot ni Sum. Hindi umimik si Alas pero tumikhim si Arvin sabay kindat kay Sum. "Lalabas na muna ako at pupunta sa billing station," pagpapaalam naman ng binata. "What's the use? Atin ang hospital na ito," angal naman ni Alas. Ngumiti si Arvin. "Wala ng libre ngayon porke't ikaw ang may-ari hindi ka na magbabayad?" Alas rolled his eyes saka muling tumingin sa laptop niya. Lihim namang napangiti si Sum habang si Arvin ay tuluyan ng lumabas. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Okay na ba?" Mga tanong ni Sum kay Alas nang silang dalawa na lamang. Bantulot si Alas na sumagot kay Sum napahinto lang ito sa kanyang ginagawa pero hindi naman nito sinagot ang kanyang asawa. "Huwag mong masyadong abusuhin ang iyong sarili, nagpapagaling ka pa." Patuloy na sabi ni Sum. "I know, Sum. Hindi ko kailangan ang awa mo at mga pangaral na paulit-ulit," malamig na sagot ni Alas. Napalunok si Sum pero nagawa pa rin nitong ngumiti. "Maayos na ang kwarto mo, nakalipat na ako doon. At siguradong hindi maghihinala ang Dad mo na magkaiba tayo ng tinutulugang kwarto." Sabi pa ni Sum. "Shut up, Sum! Baka may makarinig sa'yo mapurnada pa ang pagkukunwari natin! Will you just sit there and be quiet? Nakakaistorbo ka sa totoo lang," asik na tugon ni Alas na kay sama pa nang tingin nito kay Sum. "Okay, sorry!" Mahinang sagot ni Sum na nag-uulap na naman ang nga mata nito sa pagpapahiya ni Alas sa kanya. Subalit sa kabilang banda ay masaya naman ito kahit papaano. Kahit pagkukunwari lamang ang pagsasama nila ni Alas sa iisang kwarto sobrang saya na niya. Kung sa pagkukunwari lamang niya makakasama si Alas nang solo ay tatanggapin niya nang paulit-ulit. Ilang sandali pa ay nagbalik na si Arvin at sinabi nitong makakalabas na si Alas. Kasunod ni Arvin si Butler Hector at isa pang bodyguard para kunin ang mga gamit ni Alas. Dumating din ang Doktor at marami itong ibinilin kina Sum na dapat at hindi dapat gawin ni Alas. Pagkatapos pumirma ni Summer sa waver ni Alas ay lumabas na din sila marahan naman ang paglalakad ni Alas at sariwa pa ang sugat nito. "Where's Mom and Dad?" Tanong nk Alas kay Arvin nang malapit na sila sa labas. "Nasa parking lot na sila tayo na lang ang hinihintay," sagot naman ni Arvin tahimik lang si Sum na kasabay nilang naglalakad. Ayaw naman kasi ni Alas kanina na sumakay sa wheelchair. Mas gusto daw nitong maglakad hanggang sa may parking lot. Hinayaan na lamang nina Arvin at Summer ang kagustuhan ni Alas gustong -gusto na kasi talaga nitong mag- exercise na. "Luckily, nakalabas ka na din! One month kaming mamalagi ng Mommy mo sa Villa," masayang wika ni Don Arthur pagkarating nina Sum sa parking lot. Bahagyang natigilan si Alas pero ngumiti din pagkatapos. Inalalayan ito ni Sum sa pagsakay nito sa sasakyan akmang tututol sana si Alas pero nasulyapan niya ang ama nito. Muntik ng makalimutan ni Alas na naroon ang Daddy nito, na hindi silang dalawa lang ni Sum kagaya ng dati. Kaya mapipilitan si Alas na pakitunguhan nang maayos si Sum kapah nakaharap ang Daddy nito. "Where's Mom?" tanong ni Alas nang mapansin nitong hindi nila kasama si Donya Helena. "Nauna na siya bahay para daw maasikaso ang welcome home party mo!" Sagot ng Don sabay tingin kay Arvin. Nakuha naman agad ni Sum ang tinginan nang mag- ama. At sigurado si Sum na nag-away sina Don Arthur at Donya Helena nang dahil sa kanya. Habang si Alas naman ay napatango-tango saka ito pumikit nang makasandala sa upuan nito. "Are you okay Sum?" tanong naman ng Don kay Sum na tahimik lamang. "Opo, okay lang ako!' pinasigla naman ni Sum ang boses nitong sumagot. "Good. Okay, let's go!" Tugon naman ng Don at tumingin na ito sa kanilang driver. Naibsan naman ang kalungkutang nadarama ni Sum dahil sa kabaitan ni Don Arthur. At habang buhay itong magpapasalamat sa Don dahil hindi siya itinuring na iba. Villa. Nakapasok na ang sasakyan nina Don Arthur sa loob ng Villa. Pagkatapos no'n ay ang kanilang pagbaba at paglalakad papunta sa main door. "Welcome home, Senyorito!" Mga boses ng nasa Villa ang siyang sumalubong kina Sum. Totoo nga ang sinabi ng Don na may welcome home party si Alas. May nagtorotot na akala mo ay bagong taon, hagisan ng mga bulaklak at mga ballons. Kasunod ang cake na hawak ni Donya Helena na nakangiti papalapit kay Alas. Tawang-tawa naman si Alas at pinasalamatan niya ang lahat lalong- lalo na ang Mommy nito pagkatapos ay ang pag- blow na nito sa candle ng cake. "Nag- wish ka ba anak bago mo hinipan ang mga kandila?" Masuyong tanong ng Donya kay Alas. "Oo naman Mom, thank you again!" Masayang sagot ni Alas sabay halik sa pisngi ng Donya. Masaya ding nakatunghay si Sum sa mag- ina kung tutuusin hindi mo sukat akalaing may itinatagong kagaspangan ng ugali ang mga ito. Napatingin naman ang Donya kay Sum akala nito ay magsasalita ang Donya pero umirap lamang ito sa kanyang manugang. Hindi naman nawala ang ngiti sa labi ni Sum kahit pa tinarayan na naman ito nang Donya papasaan ba at magiging manhid na rin ito sa ipinapakita ng lahat sa kanya. "Okay, kainan na may munti akong ipinaluto!" Sabi ng Donya. Naroon lahat ng mga anak nito, mga Apo at mga manugang. Binati din ng mga ito si Sum at magiliw naman siyang nagpasalamat. Kahit papaano ay nawala saglit ang hinanakit sa puso ni Sum. Dalawang tao lang naman ang hindi siya tanggap pero mas marami naman ang tanggap siya kaya okay na din sa kanya. "This is for you, Alas!" Sabi ni Sum sa hawak nitong plate na may slice cake at macaroni. Natitigan ni Alas si Sum pagkatapos ay sa hawak nito. "Ang sweet naman," sabi bigla ni Arvin na katabi nila. "I can do it on my own," anas naman ni Alas kay Sum. "I insist," sagot naman ni Sum. Napakurap-kurap si Alas at tumingin ito sa kanilang paligid. Nakita ni Alas na nakatingin sa kanila ni Sum si Don Arthur. "Thank you!" Napipilitang wika ni Alas nang muli nitong tiningnan si Sum sabay kuha sa asawa ang plato. "You're always welcome Alas," masayang tugon ni Sum at ngumiti ito nang matamis. Alam ni Sum na hindi siya tatangihan ng kanyang asawa. Kaya malakas ang loob nitong dinalhan si Alas ng pagkain, saka ginagampanan niya ang pagiging mag- asawa nilang dalawa. Kaya naman masayang-masaya si Sum sa mga oras na iyon at naiisip niya kung ano ang magiging sitwasyon nila mamayang gabi ni Alas. Dahil sa nasa iisang kwarto na lamang at hindi lang iyon, isang buwan silang magsasama doon. Nag- init naman ang pisngi ni Sum sa kanyang iniisip at naalala nito ang sinabi ng Don maging si Mang Fabian. Ang bigyan niya nang anak si Alas para mapalapit ang kalooban nito sa kanya. Unti- unting may sumaging plano sa isipan ni Sum habang tinitingnan niya si Alas na nakikipag- usap kay Arvin. "Hindi ko naman siguro kasalanan Alas kung uulitin kong gawin ang isang gabing makasalanan natin noon. Asawa na kita kaya alam kong hindi na kasalanan ang gagawin kong hakbang para magkaanak tayong dalawa." Bulong ni Sum sa kanyang sarili sabay inom ng hawak niyang tsaa. Tumalikod si Sum at siya naman itong kumuha ng kanyang pagkain. Konti lang ang inilagay nito sa kanyang plato at nagsimula na siyang kumain. "Senyorita may ibibigay daw si Mang Fabian sa'yo mamaya." Anas ni Jenna kay Sum nang nalalapit siya dito. Sumimple naman si Sum hindi siya nagpahalatang curious ito sa sinabi ni Jenna sa kanya. "Saan ko daw siya makikita?" Ganting anas naman ni Sum. "Sa hardin daw!" Mabilis na anas ni Jenna at lumayo na ito kay Sum. Napapaisip naman si Sum kung ano ang ibibigay sa kanya ni Mang Fabian. Mabilis na inubos ni Sum ang pagkain sa plato nito at nagmanman muna. Nang makakita nang pagkakataon ay agad itong pumuslit patungo sa may hardin. Kung saan naghihintay si Mang Fabian at may ibibigay raw ito sa kanya. Excited si Sum na malaman kung ano ba ang ibibigay ni Mang Fabian sa kanya kaya mas binilisan pa nito ang kanyang paglalakad patungo roon sa hardin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD