DORALIE’S POV “Ba’t mo sinabi ‘yon kay Roger? Baka, mamaya niyan, malaman pa ng papa mo ang tungkol sa atin,” protesta ko. “Ang kulit ng pinsan ko, okay! Sinabi ko na sa kanya na huwag na siyang pumunta rito dahil napagod tayo kanina sa pamamasyal at magpahihinga na lang tayo. Kaso, ang sabi niya, hindi naman ako ang pupuntahan niya, kundi ikaw. Mahirap bang intindinhin ‘yong salitang ’TAYO’ dahil pagod ka rin. Kaya, sa inis ko’y sinabi ko na pag–aari na kita,” matigás na depensa niya. “Hindi mo na naman nakontrol ang sarili mo, Diego. Sana, kumalma ka lang kanina,” sambit ko, sabay buntong–hininga. “Sinong kakalma kung gan’yang pùtik ang kausap ko, ha! Sinabihan ko na siya, pero nandito pa rin siya at talagang sinasagad niya pasensya ko! Basta, huwag kang lalabas,” maawtoridad na

