“At? Walang nangyari?” “Satingin mo? Edi sana ay hindi na ako nagpakita sa ‘yo.” tila hahampasin pa ako ni Archie nang sabihin ko iyon. “Kanina pa ‘yan ganiyan. Ang hirap ipaintindi sa kaibigan mo na hindi madali ang gusto niya!” turo pa sa akin ni Marie. “Ano ka ba, Marie? Babae ka rin naman.” “Pero hindi ganiyan kakati, okay? Oo! Gahok ako sa mga gwapong lalaki, pero hindi ko gusto na magpabutas na lang at iyon ang hindi maintindihan ni Dasha.” galit sa akin si Marie. Simula nang ikwento ko kasi sa kaniya ang nangyari kanina bago ako umalis at hilain siya agad paalis ng C Fitness. “Naiintindihan naman kita, pero hindi kayo parehas ni Dash, Marie…” pinagtatanggol ako ni Archie. Ngayon kasi ay narito kami sa penthouse ni Archie. Kaya pala hindi siya nagpakita sa amin nito lang ay

