What is he doing here? What the heck?! “Oh, my! Tama ba ang nakikita ko? C-cielo…” marami ang tumili kasabay ng kaniyang pangalan. Ako itong nakatitig lang sa kaniya, habang siya ay gano’n rin. Kasama niya ang teacher namin sa business. Napataray na lang akong tignan siya at agad na yumuko ulit para matulog. “Ito naman ang sinasabi ko sa inyo. This is Cielo Castro, dati siyang student ko at isa na siyang successful businessman,” ani ng teacher namin. Kahit hindi naman ako nakaangat ng tingin ay nakikinig ako. Napapikit ako nang isipin ko ang dahilan kung bakit siya narito. Pinipilit kong huwag siyang pansinin kahit naririnig ko na ang boses niyang nagsasalita. “Kumusta kayo! Hindi ko akalain na makakabalik ako sa university na ito.” parang ang lambing niya, ah! Napakalambing nama

