“Seryoso?” nanlalaking matang tanong sa akin ni Tiff nang magkita muna kami sa kaniyang condo. “Oh, my gosh!” takip niya pa sa kaniyang bibig. “Sa totoo lang ay hindi nila sinabi sa akin at hindi ko na rin tinitignan si Shad kasi galit ako sa kaniya! Hindi rin ata ito alam ni Lalaine!” halata sa kaniya na hindi siya makapaniwala talaga sa akin sinabi sa kaniya. “Kahit ako ay nagulat. Umalis na nga ako agad, e! gusto kong maiyak, Tiff! Siya pala ang bwesit na fiancee ko!” nang sabihin ko iyon ay saktong naluha na ako. “Paano iyon nangyari? Hindi ba’t magkasama naman kayo lagi? Imposibleng hindi niya alam, Sasha! Alam niya ‘yan na ikaw ang fiancee niya! Kaya bakit hindi niya sinabi sa ‘yo!” turo niya pa sa akin. “Hindi ko alam! Wala na talaga akong maisip na dahilan kung bakit hindi

