“Ano ba ‘yan!” inis na ang boses ni Tiff nang hilain niya ako. Kanina ko pa kasi hinihila ang suot kong dress pababa. Masyado kasi kayang maikle! Sanay naman ako mag-dress pero hindi naman ganito. “Jusko! Sasha! Ang kwento mo nga sa akin ay naghubad ka sa harapan ng lalaki, tapos ngayon nahihiya ka?” uminit ang pisngi ko sa sinabi niya nang makapasok na kami sa loob mismo ng bar. “Kailangan natin magsaya! Ang rami nang nangyari sa ‘yo, kailangan mo naman magsaya!” kaya nang makaupo kami sa magandang upuan ay tinignan ko ang kabuuan ng bar. “Bago ‘to?” tanong ko sa kaniya. “Oo! Ang may ari gwapo rin!” sigaw niya pa sa akin pero hindi ko talaga siya masyadong marinig, dahil masyadong malakas ang tugtog. “Oh? Ang rami namang bago rito!” tumungo lamang siya sa akin. “Ayon! Ayon ‘yung m

