“We’re here…” aniya nang makita ko ang hitel namin sa gilid ng bintana. “Ah… thank you sa pag-drive,” sagot ko sa kaniya, kahit hindi ko alam kung dapat bang ako pa ang nagpapasalamat sa kaniya. Hindi ba’t siya naman itong kusang sumakay? Bakit parang ako pa ang kailangang magpasalamat sa kaniya? Nang makababa ako ay ibinigay niya lamang sa housekeeping ang susi at ako naman itong mabilis na pumasok sa loob. “Ma’am!” sigaw nang kung sino nang lumingon ako. Saka ko nakilala nang lumapit siya sa akin ng nakangiti. “Hello! Welcome sa S Hotel, maraming salamat at mukhang masaya naman kayo na nakarating rito,” bati ko sa kabuuan ng team ni Shad. “Nakahanda na rin ang inyong mga kwarto, kayo na ang bahala mamili ng kasama niyo sa kwarto,” sunod ko pang banggit nang dumating si Manager Ho

