Nakasunod lamang ako sa kaniya at tinignan maigi ang kaniyang likod, habang naglalakad patungo sa kaniyang kwarto. Kinakabahan akong pumunta sa kwarto kung saan naroon ang kaniyang mga sinasabing plates. Bakit kasi sa kwarto niya pa? Nang ngayon ay nasa tapat na kaming dalawa ng kaniyang pinto ay mas lalong kumabog ang aking dibdib. “Stay here, kukunin ko lang ang mga plates at doon natin pag-usapan sa office mo,” ani niya na ikanganga ko! My gosh! Ano ba kasi ang iniisip ko! Gusto niya akong narito lang sa labas at ayaw niya akong papasukin? Bakit? “For sure!” ngiti kong sagot sa kaniya kahit hindi naman talaga ako natutuwa. May mali na talaga sa akin at gumilid. “Sana ay sinabi niya na lang sa akin na doon na lang muna ako sa office ko, hindi ba? Edi sana ay nakaupo na ako roon

