“Shad…” tawag ko sa kaniyang pangalan nang idiin niya ang kaniyang halik sa akin. Tila ramdam na ramdam ko ang diin nito sa aking labi at sa isang iglap ay naramdaman ko ang paghiga ko sa kaniyang kama. Sandali lamang iyon nang halikan niya ang aking leeg na ikinagulat ng buong katawan ko. Tila hindi ko alam kung tama pa ba na gagawin namin ito, dahil alam ko naman kung ano ang kakahatungan nitong ginagawa namin ngayon. “Saindele…” tawag niya sa aking pangalan, kasunod no’n ay ang paghalik niya pa sa aking panga. Sa isang taon na nakalipas ay ngayon lamang ata ako ulit mabibinyagan! “Oh!” hindi ko maintindihan ang aking isinisigaw sa kaniyang pagdiin pa ng halik sa aking panga papuntang leeg. “Shad… oh!” napasabunot na ako sa kaniyang buhok. Para na akong kinukuryte sa kada haplos

